Heir 48: Sudden

86.2K 2.1K 272
                                    

Heir 48: Sudden

Ayah Lynn’s POV

Noong umalis si tita, hindi na talaga ako mapakali. Lalo na dun sa sinabi ni Alyx, alam ko biro iyon pero bakit ganun? Iba ‘yung dating sa’kin. Ano ba ‘yan, may problema na nga ako kay Kurt, tas biglang ganito ‘yung mararamdaman ko ngayon? Ang nice one talaga, parang ayaw na ako pasayahin ng pagkakataon.

“Ayah, okay ka lang?” Tanong ni Lian. I sighed and nodded, kahit hindi naman talaga ako okay, minsan mas gugustuhin ko na lang ikimkim kaysa sabihin sa iba.

Umakyat ako sa kwarto ko. I paced back and forth because of nervousness. Pakiramdam ko talaga may mali. Bakit naman kasi sasabihin ni tita iyon? Kung titingnan mo talaga parang namamalaam s’ya.

Napatitig na lang ako sa full length mirror na nasa harapan ko. Pinagmasdan ko ang sarili ko. Siguro marami talaga akong nagawang kasalanan sa past life ko, tapos hanggang ngayon ganun pa din, ang dami ko pa ding kasalanan, kaya siguro ang daming problema, kaya siguro iyong kasiyahan ko sandali lamang lagi.

Umupo na lang ako sa kama at ipinikit ko ang mga mata ko. Evans, okay ka lang ba? Bigla kong naisip. Hindi ko na kasi siya nakita, baka kung ano nanaman nangyari sa kaniya.

Hay. Ang dami talagang problema. Nakakatakot na harapin.

Matapos ang konting minuto, medyo inantok na ako, hinayaan ko na lang ang sarili ko na madala ng antok, tutal pagod na pagod na din ako sa sobrang daming nangyayari, kahit papano sa pag-tulog matakasan ko iyong mga problema na iyon, nakakasawa na din kasi minsan.

***

“Ayah... Ayah... Ayah...” Napalingon-lingon ako sa paligid noong may tila mahinahon at mahina akong boses na naririnig, tila ba mayroong gustong sabihin. Ngunit ang dilim dilim ng paligid para makita ko kung sino ang natawag sa’kin.

“Ayah...” Marahang tawag ulit ng boses na iyon. Pinilit kong aninagin ang paligid ngunit, tanging dilim lamang talaga ang nakikita ko.

“Paalam na, Ayah.” Tila bumagsak ang puso ko sa mga katagang iyon, tila nawalan din ako bigla ng hininga. Gustuhin ko mang magsalita hindi ko magawa, gustuhin ko mang magtanong walang boses na nalabas sa bibig ko. Napahawak ako sa lalamunan ko dahil doon. Anong nangyayari?

Patuloy kong naririnig ang tinig na iyon, paulit ulit, at kada nauulit iyon, masakit na parang may pumipilas sa puso ko, ang nararamdaman ko.

“In gloom, there is light.”

***

Nag-hihingalo akong napa-mulat na lang bigla. Napahawak ako ng mahigpit sa cover ng kama ko. Naramdaman ko din na pinagpapawisan ang noo ko. Napatingin ako sa paligid, nandito naman ako sa kwarto ko, pero ano iyong madilim na kwarto kanina kung nasaan ako?

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko, binangungot pa ata ako. Huminga muna ako ng malalim at saka mahinahong tumindig. Noong makatindig ako, tila pa narinig ko nanaman iyong tinig na narinig ko kanina sa panaginip ko.

Napalingon ako sa digital clock sa may lalagyan ng lampshade. 11:30 pm ang nakalagy, samantalang 8:00 pm ako kanina pumanik dito sa kwarto. Gabi pa pala, akala ko madaling araw na.

Kinuha ko ang cellphone ko, bubuksan ko pa lamang sana ito, noong bigla itong tumunog, kaya’t muntik ko na itong maitapon. Noong makita ko kung sino ang tumatawag tila ba bigla akong kinabahan. Aish, kanina pa ako ganito ah, ‘di kaya mababaliw na ako? Agrh.

Evans calling...

Huminga muna ako ng malalim, at pinakalma ng kaunti ang sarili ko saka ko ito sinagot. “Hello?” Mahinang bati ko. Medyo natigilan ako nung hindi sumagot si Evans pero rinig ko naman ang background noise, kaya’t napatingin ako sa screen ng phone ko. Nakikipaglokohan ba itong si Evans? Gabing gabi na tatawag pa. Psh.

The Gangster HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon