Epilogue

142K 2.9K 1K
                                    

Epilogue

Alyxandria Jane’s POV

1 year and a half later...

Humahampas ang malamig at preskong hangin sa balat ko, habang pinapalad naman ng kauntian nito ang buhok ko. Nanatili kaming nakatitig at naka-harap sa isang puntod. Malinis ito at may bulaklak na parang kalalagay lamang. Napatingin ako sa paligid, ngunit wala namang tao. Kaya’t hinayaan ko na lamang. Maaliwalas ang paligid at mataas ang sikat ng araw. Marahang sumilay ang ngiti sa mga labi ko.

“Ang bilis ng panahon...” Lian uttered softly. Ibinababa naman ni Shana sa puntod ang dala dala naming bulaklak.

Tahimik naming pinag-masdan ang puntod na iyon. Umupo si Lian ng marahan saka pinagpagan ng kaunti iyong lapida. Pagkatapos ay nag-tirik siya ng kandila at saka ito sinindihan. Saka niya marahang hinaplos ang pangalang naka-ukit doon.

Princess Light Smith.

Isang taon at kalahating buwan na din ang lumipas simula noong mawala siya. Ang sakit pa din, kahit ganun na katagal. Pakiramdam naming lahat, parang nito lang tumatawa siya. Parang nito lang noong nakakasama namin ang makulit at isip batang siya, at ang pangalan pa niya ay Ayah Lynn Rivera... pero ngayon wala na siya. Wala na.

“Ang unfair niya ano?” Mapait na banggit ni Shana. Marahan naman akong napatango doon. Tama si Shana ang unfair niya, iniwan niya kami ng ganun ganun na lang. Hindi niya man lang kami hinayaang mag-explain. Nagawa lang namin iyon, para protektahan siya, pero wala na talaga. Hindi kami nagkaroon ng chance. Ang hirap talaga isipin noon.

Sa loob ng isang taon at kalahating buwan maraming nangyari. Graduate na kami at may kanya kanya na kaming pinagtratrabahuhan, not a professional but a newbie.

Shana is taking the step to be a chef, oo nag-aaral aral pa din siya, pero most of the time, nandun siya sa restaurant na pag-mamayari nila, at siya ang nag-mamanage doon, minsan doon din siya nag-tr-try magluto at gumawa ng sarili niya dishes, maraming times na naging palpak ang ginagawa niya, of course, Shana is a newbie in this field, gagawa at gagawa siya ng pagkakamali, let’s be realistic. Pero kahit ganoon, masasabing kong brutal na cook si Shana ngayon. Kahit masasarap na iyong mga naluluto niya, for her it’s not yet enough. Paano, sobrang gagaling ng parents, ayun medyo na-pressure ang bruha.

As for Lian, she’s a rookie in the technology department of the school. Oo nga’t sobrang galing ni Lian sa mga technology na iyan, pero mas pinili niyang mag-simula sa ibaba, kaysa doon agad sa taas. Nag-take pa siya noon ng exam, at nag-apply para makapasok sa department na iyon ng Empire School. Syempre, nakapasa siya, at ngayon nag-sisimula na siyang mag-trabaho, yes sometimes she excel in many ways, pero hindi pa din maiiwasan na may mali siyang magawa, lalong lalo na noong sobrang bago pa siya. Tanda ko noon, stress na stress ang bruha.

Ako? Syempre. Asawa ko na si Thon. Hahaha.

Joke. Kaloka naman iyon, ang bata ko pa para mag-asawa. Haha. Ako naman I’m doing fine. Isa na akong newbie in the fashion industry. Letche nga iyong pinagtratrabahuhan ko lagi na lang akong pinapagalitan, ay sa hindi ko trip ang ibang style nila at medyo binabago ko, tapos pag nakita nila na mas gumanda, minsan ng sama ng tingin sa’kin. Hays, iba na talaga ang maganda.

Samantalang si papa Kurt este si Kurt, matapos ata ang tatlong araw, noong malaman niya, iyong mga nangyari kay Ayah este Princess, ay nawala na lang siya. Siguro bumalik na sa Korea, tutal doon naman talaga siya nakatira.

Samantalang ang mga—

“Girlfriend!” Agad akong napalingon sa likod ko noong may sumigaw, lumapit siya sa’kin at ngumuso, agad akong lumayo dahil doon. Kahit kailan talaga, kadiri nitong si Thon. Ang topakin. Sobra.

The Gangster HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon