Heir 49: Uncloaked

89.5K 2.2K 362
                                    

Heir 49: Uncloaked

Ayah Lynn’s POV

Hindi ako makapag-salita sa nabasa ko. Fuck, what the hell is this thing? Paanong? Naguguluhan ako. Member si tita ng Empire? Bakit sa pagkakaalam ko tanging précepteur lang s’ya, saka si Uncle Peter ang sinabi ni Lian na member ah? Teka! Naguguluhan ako!

Saka? Sabrina Claudette Jimenez? What the hell? All this time, she’s using a fake name? Hindi ko nanaman mapigilan mapaluha noong naisip ko iyon, hanggang sa burol mali ang pangalan na ibinigay sa kan’ya. Kailangan ko i-clear iyon. I don’t care about the empire, kaya ko silang kalabanin kung gugustuhin ko, kaya ko ulit maging Reyna kung gugustuhin ko. Damn this bullshits, I never wanted to go back to that life, but still because of this, naiisip ko iyon...all I care about is tita. Hindi ako papayag na walang hustisya siyang makakamit. Gagawin ko ang lahat mabigyan lang ng hustisya ang nangyari sa kanya. Kahit pa bumalik ako sa buhay na iyon.

Binuksan ko ang kasunod na page ng diary ni tita.

Nakakatakot, nakakapangilabot. Bata pa lamang ako, araw araw ganiyan ang nararamdaman ko. Hindi ko akalain na ang musmos na kagaya ko, maari pang magkaroon ng buhay, dahil bata pa lang ako, alam ko kamatayan na ang kahaharapin ko. Hindi ko tanda ng lubusan ang mga pangyayari sa buhay ko... Ngunit ang araw na iyon, malinaw na malinaw pa din sa ala-ala ko. Pano ko nga ba malilimutan ang araw na... nabuhay ako, matapos ang muntik ko ng kamatayan?

Napatakip ako ng bibig dahil doon. Ramdam na ramdam ko ang pag-kirot sa puso ko. Napahigpit din ang hawak ko sa librong ito. Damn it, bata pa lang si tita... ganun na ang nararanasan niya? Tuloy tuloy nanaman ang luha sa mata ko. Aaminin ko medyo naguguluhan pa ako sa nababasa ko. Nalilito at na pa-puzzle, pero siguro naman kahit papano, kapag natapos ko basahin ito, maliliwanagan ako kahit kaunti lamang, iyon lang ang nais ko. Baka may ibedensya pating makatulong sa pagbibigay ko ng hustisya dahil rito.

Lumaki ako sa squatters area, walang matinong trabaho ang magulang. Ang nanay kong sugarol, at ang tatay kong lasenggo. Araw araw, takot ang nararamdaman ko. Pag nalalasing ng todo ang tatay, ako ang napapag-initan, ang nanay naman pag natatalo sa sugal, ganun din ang gawain. Bata pa lang ako, nakita ko na ang lupit ng kahirapan. Kada maglalakad ako sa masukal, madilim at makitid na daan saamin, lagi akong kinakabahan, dahil andaming adik at iba pa. Malinaw pa ang mga iyong mga imahe na iyon sa isip ko. Hindi ko akalain na magiging ganito ako ka-edukada at kayaman ngayon, dahil isang nakakatakot na nakaraan ang pinanggalingan ko.

Halos hindi ako makahinga sa nalalaman ko. Ano ito? Ganito ba talaga ang dinanas niya bata pa lamang siya? Ngunit paano siya naging mayaman at paano siya naging member ng Hoodlum Empire?

Patuloy kong binasa ang diary ni tita na hawak ko.

Hindi ko na ganung tanda ang ibang pangyayari noon. Pero sariwa pa sa isip ko, ang pagkamatay ng magulang ko, noong patayin sila ng mga loan sharks na inutangan nila upang makapag-inom at maka-pag-sugal sila. Galing ako noon, sa pagtitinda ng kakanin na gawa ng kapitbahay namin, ngunit pag-dating ko sa bahay namin, duguaan silang nakahiga sa sahig at walang ng buhay. Nakatulala lamang ako sa nakita ko noon. Nagpapasalamat dahil wala ng mananakit sa’kin, at natatakot dahil papano kung balikan ako ng may gawa noon sa kanila? Ngunit sabi lamang ng mga kapitbahay ko, mga nagpapautang ang pumatay sa kanila. Buhay ng tao, walang kasiguraduhan iyan. Masakit mawalan ng magulang sa murang edad, kahit naman sinasaktan nila ako magulang ko pa din sila. Ngunit, minsan naiisip ko noon, mabuti na lang wala na sila at solo ko na lamang papakainin ang sarili ko. Iyon lamang ang nasa isip ko noon, dahil sino nga ba naman ako? Isang paslit sa madilim na lansangan na nakaranas ng pang-bubugbog at pang-aalipusta mula sa mga patapong mga magulang. Ito ang buhay ko. Masyadong mahirap paniwalaan para sa katulad ng mga mayayaman, pero kung ipinanganak kang mahirap, normal lamang ang problema na ito. Ganito naman kami, ganito naman ang mga buhay na patapon, at walang patutunguhan.

The Gangster HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon