Heir 53: Twisted Truth

97.3K 2.2K 380
                                    

Heir 53: Twisted Truth

Princess Light’s POV

Madiin akong napapikit at saka ako huminga ng malalim... Kailangan ko ng umalis dito, baka hindi ko na kayanin, ang daming nag-sinungaling sa’kin, ang daming pagpapanggap ang nasaksihan ko sa mga lumipas na taon, mabuti na sigurong magpakalayo layo muna ako. Hindi na ako maka-pag-isip ng maayos, masyadong masakit ang lahat para sa’kin. Kung pwede lang, mamatay na sana ako ngayon.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at saka ko siya tinawagan.

“Woooo! Yeoboseyo?” Napatakip ako ng bibig noong marinig ko ang boses niya sa kabilang linya. Pumikit ako lalo ng madiin at huminga ng malalim, para makapagsalita.

“Kuya T-Thunder?” Hirap nabanggit ko sa pangalan niya.

“Baby blue?” Takang tanong nito, marahan akong napatango doon, na tila ba nakikita niya ako, ngunit hindi naman.

“K-Kuya... P-pwede mo ba akong sunduin dito?” Hirap na hirap na bigkas ko habang umiiyak, nakarinig ako ng pagkataranta ni Kuya Thunder dahil doon. Si Kuya Thunder Silvestre ang namumuno ngayon sa Legendary Gang na hawak ko dati, siya naman talaga ang leader bago ako dumating pinasa niya lang sa’kin, at noong nag-quit ako, siya na ulit ang naging leader.

Mahirap man, kailangan ko ng tulong ng Legendary Gang ngayon. Hindi ko kakayanin mag-isa ang laban, lalo na empire ang kakalabanin ko. Ang Yobbo dahil sa ginawa nila kay Tita, magbabayad sila.

“Woah? Are you serious baby blue? When?” Narinig ko ang excitement sa boses nito, ngunit ni kaunting excitement wala akong naramdaman sa katawan ko, tanging galit at poot lamang ang nararamdaman ko.

“Now.” Seryosong banggit ko, pakiramdam ko natigilan si Kuya Thunder dahil sa sinabi ko. Nakarinig ako ng kaunting ingay sa background at ang pag-hinga niya na tila hindi makapaniwala sa nabanggit ko.

“Arasso, baby blue. I’ll call some of my underlings in there, be ready.” He firmly said, sinabi niya din ang address kung saan ako pupunta para masundo ako. Alam ko masyadong mabilis at irrational ang ginawa kong disisyon pero kung hindi ko ito gagawin baka maka-punta ako sa Empire at kung ano ano ang gawin ko. Maigi ng handa ako kung sakaling susugod at pababagsakin ko ang Yobbo. Hindi ako para magpadalos dalos lamang sa pag-sugod, kailangan ko mag-plano at kailangan ko ang isang malakas na gang ngayon.

Pagkatapos sabihin lahat ni Kuya Thunder ang mga kailangan kong gawin, umalis na ako sa bahay na ito, at saka mabilis na dumiretso sa kotse ko. Noong makasakay ako, mahigpit na napahawak ang isang kamay ko sa manibela at ang isa naman ay marahas na napapahid ng luha na tumutulo sa mata ko.

I should stop crying, I should. Ate Gloom wouldn’t be happy seeing me in this state. I should give her the justice she deserves, as well as tita. Nagsinungaling man siya sa’kin, alam kong para sa kapakanan ko lamang iyon, I’m not shallow minded to blame them.

Tumitig ako ng masinsinan sa daan, at saka sinimulang mag-maneho. Habang nagmamaneho, bumabalik pa din sa’kin ang lahat. Fucking shit this is killing me, gustong gusto ko puntahan ang buong gang ngayon at tanungin sila, kaso what’s the use? They might lie to me all over again. Of all the people who would lie to me bigtime, why them? Why?

Nakakapagmukang tanga lang minsan. Alam ko para sa kaligtasan ko ‘to, pero may part pa din sa’kin na sana hindi nila pinaikot iyong buhay ko sa kasinungalingan, para hindi pa mahuli ang lahat.

Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho dahil sa sobrang inis sa sarili ko at sa ibang tao. I really need to calm down. Kailangan ko talagang umalis. Buo na ang disisyon ko at hindi na ito mababago.

The Gangster HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon