Heir 50: Hallucinations
Ayah Lynn's POV
Kanina ko pa kagat kagat ang kuko ko dahil sa sobrang daming pumapasok sa isip ko. Andito ako ngayon madilim at malamig na kwarto ko sa cabin. Kanina pa ako nag-aalinlangan kung tatawagan ko ba ang gang na iniwan ko sa Korea at magbabalik bilang blue moon, o uunahin kong alamin ang tunay na pag-katao ko.
Hindi ako mapakali, parang maalin sa pipiliin ko. Pwede akong mamatay. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero, alam ko sa sarili ko na panganib lang ang kakaharapin ko. Ramdam na ramdam ko iyon ngayon pa lang. Hindi sa natatakot ako, ayaw ko lang na may mabuwis pa ulit na buhay dahil sa walang kwentang mga dahilan.
Hindi ako papayag na maulit pa sa iba iyong nangyari kay tita. Banggaan? Sige, papalabasin kong pinaniwalaan ko iyan, para mas maka-pag-handa ako sa mga kailangan kong gawin, hindi ito basta basta. Kailangan planado ang lahat, at aayon lahat sa plano ko. Kung hindi isang madugong labanan kung saan maraming inosente ang madadamay ang mangyayari at ayaw ko nun. Hinding hindi ako papayag doon. Madami ng mahahalagang tao ang nawala sa buhay ko. Hindi ako papayag na madagdagan pa iyon.
Patuloy akong nag-isip ng pwedeng gawin bukas. Hindi dapat ako mag-sayang ng oras, dapat ngayon pa lang nag-iisip na ako kung anong gagawin ko bukas. Pabilisan at pautakan na ng kilos ito. Kahit mag-solo ako gagawin ko iyon.
Seryoso akong nag-iisip noong biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko, kaya't napatingin ako sa pumasok. Si Lian, dala dala niya ang isang baso ng gatas. Ngumiti siya saakin at lumapit. "Inom ka ng gatas?" She sweetly asked. I shook my head, ayaw ko uminom ng gatas ngayon. 'Pag kasi malungkot ako, gatas ang iniinom ko.
Inilagay niya na lang sa mini table iyong baso ng gatas. "Okay okay ka na ba?" She sincerely asked as she held my hand and squeezed it a little.
"Okay na naman." Mahinahong sagot ko. Yumakap naman si Lian saakin. "Maging malakas ka promise?" She said. I silently nodded. "Ayah... Ayah... Ayah..." Paulit ulit na bigkas ni Lian kaya't nagtaka ako.
"Bakit?" I asked. Naramdaman kong umiling siya, kasabay noon ang paghiwalay niya sa pagkakayakap, at kitang kita ko ang mga luhang pumatak sa mata niya, kaya't lalo akong nagtaka. "Hala? Bakit?" Kinakabahang tanong ko.
"Wala. Wala. Namimiss ko lang si tita." Pagkatapos ay pilit niyang bigyan ako ng isang ngiti, ngunit halata naman sa ngiting iyon ang mga lungkot sa mata niya. Iyong ngiti din na iyon, ewan ko ba... pero parang may kakaibang ibig sabihin.
Tiningnan ko si Lian sa mata, puno ng lungkot at tila pag-sisisi ang mga ito. Bakit naman kaya? "Sige na Ayah, matulog ka na." Nahihirapang sabi niya. I nodded as a response.
Noong makalabas si Lian sa kwarto ko, humiga na ako sa kama ko saka ko ipinikit ang mga mata ko. Bakit ganun ang inaasta ni Lian? May nangyari ba?
Hinayaan ko na lang iyong nangyari kanina at saka ko ipinikit ang mga mata ko.
***
Maaga akong nagising dahil, kailangan bilisan ko ang mga kilos ko. Hindi ako pwedeng mag-pa-easy easy lang, dahil empire ang kalaban ko. Napag-pasyahan ko din na pumunta ngayon sa bahay namin noon, iyong pinasok ng mga naka-itim na lalaki, maari kasing may mga bagay pa doon sa bahay na maari kong magamit, o maaring maging sagot sa lahat ng tanong ko.
Dali dali akong bumababa at lumabas sa cabin, walang tao sa first floor dahil sobrang aga pa at tulog pa sina Alyx. Malinis at tahimik na living room ang dinaanan ko pagkatapos ay kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at dumiretso sa garahe.
Hindi ko din isasama si Evans ngayon, dahil baka abala nanaman ako sa kaniya, at hindi siya pwede maging involve sa plano ko, baka maging sagabal siya o di kaya maging espiya para sa empire. Hindi sa hindi ako tiwala sa kaniya, sa empire ako hindi tiwala kaya ganun. Matinding pag-iingat lang ang ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
The Gangster Heirs
Action[PUBLISHED UNDER PSICOM] BOOK 1 of IMPROBUS ILLE IMPERIUM "Behind those smiles are playful lies, and behind those lies, the horror of the past awaits."