Heir 13 ♚ Devastated
Annicka Hera's POV
Timeline: July 27 (12:07pm)
"Annicka. Calm down." Sita saakin ni JJ. Andito pa din kami sa ospital. Kanina pa ako 'di mapakali. Ang sama sama ng kutob ko, ang bigat bigat ng pakiramdam ko.
"Annicka. Umupo ka nga," tapos bigla akong hinila ni Tim Tim paupo. Nandito na din sina Tim Tim at Thon Thon, pati nga si Cassidee.
Wala na 'yung maraming mga men in black. Tahimik na din 'yung ospital. Kaninang kanina pa ako 'di mapakali. Si Cassidee tahimik na umiiyak sa isang tabi.
Ngayon ko Lang s'ya nakita na umiyak. May kahinaan din pala s'ya. Kitang Kita ko sa mata n'ya 'yung pag-aalala para Kay Nate.
Tahimik kaming nag-iintay dito. Sigurado kami, dito sila dadalhin after nila makuha sa mga kidnapper na 'yun.
"JJ, bakit ganun? Kinakabahan talaga ako. Hindi ko mapigilan." Bulong ko sa pinsan ko. Huminga ng malalim si JJ. Hinawakan n'ya 'yung kamay ko. Ang lamig ng kamay n'ya.
"'Di Lang ikaw ang kinakabahan, Annicka." He firmly said.
Nag-antay pa Kami doon. Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Ano ba 'to! Baka naman naprapraning Lang ako.
"JJ, bili tayo ng tubig?" Sabi ko Kay JJ. Tumango s'ya saakin. "Pards, kayo ba?" Tanong ni JJ Kay'na TimTim, tumango naman silang dalwa.
Umalis kami ni JJ sa floor ng mga Smith at pumunta sa canteen nitong ospital. Kahit na nililibang ko ang sarili ko, Hindi ko maiwasan 'di kabahan.
Habang nakapila ako sa babayaran (Si JJ may binibili din), biglang may humawak sa kamay ko, kaya napasinghap ako. Nakakakaba 'yun ah!
"Bakit po?" Tanong ko. Si lola naman Kasi e, nanggugulat pasyente Siguro 'to dito.
"May mamawawala." Bigla akong kinabahan sa malalim at seryosong boses ni lola.
"P-po? Mawawala?" Takang tanong ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. I felt a lump in my throat.
"Oo. May mamatay." Sa mga katagang 'yun. Unconsciously tumulo ang Luha ko.
"L-lola naman p-po e, la-lakas n'yo mag-biro." I kidded.
"Hindi ako nagbibiro, Hija. May mawawala. Maraming magbabago. Maraming kasinungalingan. Maraming-" tinakpan ko ang tenga ko.
"Tama na! Tama na! Hindi totoo 'yan!" I cried. Pero patuloy Lang sa pagsasalita si Lola, paulit ulit n'yang sinasabi 'yun.
"Annicka! Annicka!" Napayakap ako Kay JJ. Noong alugin n'ya ako. Sinisigawan ko pa din Kasi si Lola.
"JJ, sabi n'ya. Sabi n'ya may mamatay." I murmured.
"Shh. Wala walang mamatay okay? Wala. Si lola may psychological disorder s'ya okay? Kita mo 'yun? Ayun oh, Kung ano ano Lang sinasabi n'ya." Turo ni JJ Kay lola na ina-assist na ng nurse.
Kahit papano kumalma ako dun.
Maya-maya Lang din, bumalik na kami ni JJ sa taas, habang naglalakad kami sa hallway, napansin kong dumami ang mga nurse at doktor, at saka parang nag sisigawan?
"Tabi! Tabi!" Nagitla ako sa sumigaw. Kaya itinulak ako ni JJ sa tabi.
Parang slow mo ang Lahat, kitang Kita ko Kung sino 'yung nakahiga sa kamang may gulong na 'yun at tinatakbo sa emergency room.
Puro sugat at pasa s'ya. Dumudugo din ang ulo n'ya. Wala na din s'yang Malay. "N-Nate..." I softly whispered as tears started to fell down.
Napahawak ako ng mahigpit Kay JJ noong nakita ko ang itsura ni Nate. Nakita kong nabigla s'ya sa nakita n'ya.
BINABASA MO ANG
The Gangster Heirs
Action[PUBLISHED UNDER PSICOM] BOOK 1 of IMPROBUS ILLE IMPERIUM "Behind those smiles are playful lies, and behind those lies, the horror of the past awaits."