Heir 51: Twisted Memories

85.2K 2.3K 461
                                    

Heir 51: Twisted Memories [The Painful Truth of the Hidden Past]

Ayah—Princess Light’s POV

“In gloom there’s light, in light there’s gloom.”

“Light.”

“Incess.”

Sabay-sabay nag-echo ang iba’t-ibang boses, hindi ko maintindihan ang ilan sa mga naririnig ko dahil sabay sabay sila sa pag-sasalita. Magulo maingay, nakakarinig din ako ng mahinang tawa ng mga bata.

Ngunit sa ilang sandali lamang, biglang naging tahimik at naging malinaw ang lahat.

Maliwanag ang langit at sikat na sikat ang araw, natatakbluban ng mga ulap ang sinag ng araw kaya’t medyo malilong din, mayroon ding malakas na ihip ng hangin. Napatitig ako sa isang bahay sa harapan ko. Malaki ito, ngunit ang nakakatuwa sa bahay na ito, mayroong maliit na playground sa garden nito. Ang dami ding bulaklak na ang titingkad ng kulay at may mga matatayog na puno ding nakapaligid, kitang kita ko din ang mga berdeng berdeng dahon ng mga puno iyon, ang sarap sa pakiramdam na makakita ng ganitong lugar—isang peaceful, maganda at maayos na lugar.

Naglakad pa ako papalapit sa main entrance papasok ng bahay, buhay na buhay ang buong paligid, nakakarinig ako ng huni ng ibon, at masasayang tawanan. Ang gaan sa pakiramdam, parang ang sarap tumira sa ganitong klaseng tahanan.

“Sweetie!” Agad akong napalingon sa garden noong may babaeng may malambing na tinig ang tumawag mula doon. Nagulat na lamang ako noong biglang may sumulpot na bata at biglang itong tumakbo papunta sa direction ko.

“Hello po.” Nahihiyang bati nito noong maka-rating sa harapan ko. Muka siyang anghel, ang mga mata niyang punong puno ng kasiyahan at ang ngiting dala dala niya, sobrang nakakagaan ng pakiramdam. “Ang ganda mo po, ate.” She sweetly told me then she gave me her genuine smile. Unti-unti lumuhod ako sa harapan niya saka siya hinawakan sa pisngi.

Ngumiti nanaman siya ng pagka-lapad lapad sa’kin. “Halika po, hold mo po ang hand ko.” She laughingly whispered. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, hindi ako nag-salita at dahan-dahan kong inabot sa kaniya ang kamay ko, dahan-dahan hinawakan niya ang kamay ko, pagka-hawak na pagka-hawak niya doon. Biglang tumulo ang mga luha ko sa hindi malamang dahilan. Parang nag-karoon kami ng kakaibang contact, parang pakiramdam ko na buo ang buong pagkatao ko noong mahawakan ko ang malambot at maliit niyang mga kamay.

Agad ko siyang niyakap. Hindi ko na lang mapigilan ang sarili ko na yakapin ang batang nasa harap ko. “Ate? Are you kwaying (crying)?” Narinig kong tanong nito, agad akong umiling iling dahil doon. Pinigilan ko din ang pagkawala ng mga mahihinang hikbi sa labi ko, habang yakap yakap ko siya.

“Ate, don’t kway (cry) anymore. Alweys remember na lang po in gwoom (gloom) there’s light and in light there’s gwoom (gloom).” Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon, biglang dumilim ang paligid kaya’t nagulat ako. Nawala din bigla iyong batang yakap ko. Dahan dahan akong napatindig dahil sa madilim na paligid.

Asan ako?

Unti-unti nag-adjust ang mata ko sa dilim at pilit kong tinanaw ang paligid, ngunit wala akong makita. Naglakad ako ng maingat hanggang sa agad akong napatigil noong tila parang may spot light na lumitaw, at ang tinatapan ng spot light na iyon, ay ang batang si Gab Gab at a-ako?

Lalapit sana ako sa kanila, kaso biglang may malakas na putok ng baril akong narinig kaya’t agad akong napa-upo. Bigla akong nakarinig ng isang malakas na pag-iyak, kaya’t dahandahan akong tumingin sa dako nila, malabo man ang paningin ko dahil sa luhang galing sa mata ko. Kitang kita ko ang dugong umaagos mula sa batang babaeng iyon. Ako ba iyon? Tahimik na tanong ko sa sarili ko.

The Gangster HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon