Heir 28: So That's What Happened

79.6K 1.7K 84
                                    

Heir 28 So That's What Happened ( Part 2 )

Alyxandria Jane's POV

"Emeged." Sabi ko sa kanila, sabay ngiti. Napa-poker face naman sila dahil sa sinabi ko. "Alyx, game na kasiiii." Parang batang sabi ni Ayah.

"Teka naman! Excited mo e." Sabi ko sa kan'ya nag-pout lang si Ayah.

"Gan'to kase 'yun. Hehe. Wala naman talaga atraso sa 'kin 'yung lalaki kanina e. Hehe. Friends nga kame e." I said smiling widely.

"Woooo! Benta 'yung joke mo Alyx." Sabi ni Lian. "Totoo nga, pramis. Walang halong biro. Hindi ko kaaway 'yun." Sabi ko.

"Eh bakit mo binato?" Tanong ni Shana.

"Hehehe." Naka-peace sign na sabi ko. "Ano nga?" Napaka asar talaga nitong si Shana. 'Di marunong mag-intay?

"Ginaya ko lang kayo. Hehehe." Nakangiting sabi ko.

"Weh? 'Di nga?" Sabay sabay na sabi nila. Nakaka poker face naman 'tong tatlo e. Totoo nga. "'Di joke lang 'yun." I answered sarcastically.

"Seriously, Fortaleza?" Sabi ni Shana, napakamot naman ako sa ulo dun. "Oo nga totoo, friends kami ni kuya." I said. "Kaya ko lang naman s'ya binato ay dahil nakigaya lang ako sa inyo, hehehe. Ansaya n'yo kanina e, syempre dapat ako din." I added.

"Whahahah! Walangya ka Alyx! Wahahaha! Anlakas talaga ng trip mo 'no? Kaibigan mo pala tapos ginanun mo dahil nakigaya ka! Wahahah! Push Alyx! Ahaha!" Tuwang tuwang sabi ni Ayah. Pati sina Lian natawa na.

"Baliw ka talaga." Sabi naman ni Shana.

"Oy ah, sa ganda kong 'to? Baliw na ako? Lokohan?" Sabi ko kay Shana. Inismidan ako ni Shana.

"Oo matagal ka ng baliw. Wala na ngang lunas e. Kawawa ka naman." Ansama talaga ng ugali nitong si Shana! Ako baliw?! Ako?! Pwede den... Joke lang syempre! Haha!

"So gan'to kase 'yung nangyari..."

Flashback

"Aish. Bakit ko ba naman kasi naiwan 'yung cellphone ko dun?" Tanong ko sa sarili ko, inaasahang sasagot ito. Syempre joke lang 'di pa naman ako baliw 'no!

Pero malapit na.

Joke lang haha.

Pumasok ako dun sa office ng walang pasabi, busy ang mga tao dun e. Hindi namamansin. Grabe! Ang kagandahan ko hindi pinansin kaiyak. Makita nila ako magiging muse dito na mag-rerepresent ng school, kabog sila sa ganda ko.

"Ahm, miss ano po ginagawa n'yo?" Tanong nung isang staff. Kinakalkal ko kase 'yung ibang table. Aish, sa'n ko nga ba naipatong 'yun?

"Nawawala cellphone ko, dito ko naiwan e." Sabi ko dun sa staff.

"Ah? Eto po ba?" Tas biglang pakita n'ya ng isang phone. Nanlaki ako mata ko. Emeged. Ang cellphone ko.

"Eto nga!" Masayang sabi ko, ngumiti lang si ate, pero pinaningkitan ko s'ya ng mata. "Pinakelman mo ba 'to?" I asked.

She shook her head. "No po." Sabi n'ya. "Talaga?" Tanong ko pa ulit. "Opo." Sabi n'ya sa 'kin. Tumango-tango na lang ako.

Mabuti ng malinaw. Baka mamaya pinakelman n'ya at kinuha n'ya mga selfies ko. Naku! Baka ibenta n'ya. Bentang benta pa naman ang kagandahan ko.

"Sige. Bye." Sabi ko sabay flip ng hair. Syempre para bongga ang exit. Hehe.

Pagkalabas ko, hindi ko na alam kung sa'n ako pupunta. Kasi naman kung pupuntahan ko kaagad si Lian, naku, 'di ako kakausapin nun magbabasa lang 'yun ng libro. Tas kung hahanapin ko naman si Shana. Naku! Kakailanganin ko ng map bago mahanap ang bruha na 'yun, may lahing Dora 'yun e, kung san-san napapadpad.

The Gangster HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon