awit ng pag-ibig

16 0 0
                                    

bumuhos ang mainit na tubig galing sa aking mga mata

nananaghoy ang paligid at tumulo ng malakas ang mga luha ng ulap

lahat ng halaklak at mga alaala na aming pinagsamahan,

ang turing niya pa rin sa akin ay kaibigan


buksan mo ang bintana at tumingin sa aking mga mata

walang kalamidad ang makakapigil sa aking harana

ang iyong ngiti ay tulad ng araw na nagbibigay kasiyahan

maaari ba kitang mahalin ng higit pa sa kaibigan?


nais kitang mayakap ng mahigpit

at maranasan ang tamis ng 'yong halik

nais kong maramdaman ang mainit mong kamay

sa pagitan ng aking mga daliri

ang iyong mga mata ay mas nagliliwanag sa tuwing ikaw ay ngumingiti

maari ba na maging paborito mong libro ang aking awit?


dalisay, tunay, at puro, tulad ng liham ng pag-ibig

na sinamahan ng himig at ritmo

ang tingin sa akin ay huwag ilayo, damhin mo ang alab ng aking puso

hayaan mo ang himig na maglakbay sa loob mo

ang aking pagsinta ay totoo


isang karangalan ang makilala ka

at sa pagkalabit ko ng aking gitara,

magiging parte na ba ito ng ating storya?

maituturing mo ba ang aking awit bilang liham ng pag-ibig?

na magdadala sa akin patungo sa iyong mga bisig?

Enchanted (A Collection of Poetry)Where stories live. Discover now