talaarawan

12 0 0
                                    

simula nang binasa niya ang aking talaarawan

nagbago ng tuluyan ang aming pagkakaibigan

pinagsakluban ako ng langit at lupa

ang mundo ko ay nagiba


laman nito ay mga karanasan

mga kasiyahan at kalungkutan

na sabay naming pinagdaanan

at hawak kamay na nilagpasan


kapag kasama siya ay para akong nasa langit

ngiti niya palang ay nakaka-akit

mga mata niya ay mapungay

ang labi niya ay pula ang kulay


nalaman niyang may pagtingin ako sa kanya

simula noon, hindi na kami nagkasalamuha

anong nangyari sa pagkakaibigan?

mga pinagsamahan ay biglang nalimutan


simula nang binasa niya ang aking talaarawan

Enchanted (A Collection of Poetry)Where stories live. Discover now