pintuan

9 0 0
                                    

nagmamadali siyang tumakbo

na parang nasa karerang ayaw magpatalo

tumitingin sa paligid at nagmamasid

natatakot siya, hindi niyo lang batid


pinagpapawisan ng malamig

kailangan niya ng tubig

kailangan niyang pumasok sa pinto

kung hindi, siya'y mabubuko


anumang oras lalabas na sila

hindi na niya talaga kaya

tiyak na mahuhuli na siya

sa krimeng ginawa niya


pero sa wakas!

nakita na niya ang pinto

at siya ay pumasok upang magtago

sa isip ng mga pulis, siya ay naglaho

Enchanted (A Collection of Poetry)Where stories live. Discover now