wika ng iyong puso

33 3 2
                                    

naliligaw sa gabi,

ang ingay, ang dilim

silang lahat ay sabay-sabay na nagsalita,

ngunit hindi mo naintindihan ang bigkas ng kanilang dila


naglalakad sa dilim,

ang gulo, ang sikip

nais mong makatakas sa tanikalang ito,

nang ika'y napalingon sa boses na tumawag sa iyo


isang boses na hindi tuso

at nagbigay ng liwanag sa iyong puso

"kasama mo ako," kanyang bigkas

hindi ka na nag-iisa, sa wakas


sa dinami-raming boses na iyong narinig,

tanging nangibabaw ang kaniyang tinig

kaya't sabay ninyong tinawid ang bugso ng labanan,

matatag na sinalubong ang ilang kasamahan


ang sandigan ay wika,

kaagapay niyo sa tuwina

ang sandata niyo ay pagkakaisa at bayanihan

upang mapagtagumpayan ang digmaan



this poem made it to the top 10 of our shs poem-making competition and my heart is very happy.

maligayang buwan ng wika!


update: i won 2nd place and my friend got 1st place! lovely day ♡

Enchanted (A Collection of Poetry)Where stories live. Discover now