ang lalaking minahal ko

27 2 5
                                    

una kitang tiningnan,

at nakuha mo agad aking kalooban

sinimulan kitang unawain,

at nabihag mo ang aking damdamin

unang pagsasama palang natin

ay hindi ko na mapigilang kiligin


halos araw-araw tayong magkasama

mula gabi hanggang madaling umaga

minsan nakakatulog ako sa tabi mo

ngunit 'di ka umaalis hanggang magising ako

pinapaiyak mo ako sa saya at lungkot

ginagalit mo ako't mukha ko'y nalulukot


hindi ko kaya ang isang araw kapag sa tabi ko'y wala ka

paano pa kaya kung magkahiwalay tayo, kakayanin ko ba?

tila ako'y tinatawag mo kapag tayo'y magkalayo

waring tinatawag mo din ang puso ko papunta sa'yo

hindi ko rin kakayanin na ika'y madungisan at masaktan

waring ang puso ko'y dinudurog din at nahihirapan


kadalasan, bigla-bigla ka nalang pumapasok sa aking isipan-

maiisip kita, ngingiti ako, at hindi na mapipigilan

na magmukha akong baliw na biglang tumatawa

biglang kikiligin at malilimutan ang mga problema

magkahalong saya at lungkot sa piling mo ay naranasan

at mga aral na mananatili sa akin magpakailanman


ngunit hindi ko gustong matapos pa itong nararamdaman ko

nais ko itong magtagal hanggang sa dulo

ni hindi ko maisip ang katapusan

kasi hindi ko alam kung ano ang magiging kalabasan

kung sakaling matapos man ito, gusto kong may kasunod

dahil handa akong paulit ulit na malunod


iyong sasakupin ng buo ang aking puso't isipan

ngunit ito'y matatapos, ito'y may hangganan

at ito ay panandalian lamang

ang lungkot isipin na hanggang dito na lamang

ano ang gagawin ko upang ang lahat ng ito ay maging totoo?

ano ang gagawin ko upang maging bahagi ako ng iyong mundo?


lahat ba ng ito ay nasa isip ko lang?

ang reyalidad ko ba ay aking nililinlang?

maaari akong lumipad patungo sa'yo pero hindi...

maaari kong languyin ang dagat upang makapiling ka pero hindi...

hindi ko alam kung papaano pero mananatili ka sa isip at puso ko,

lalaking minahal ko na nagmula sa libro


i rarely write filipino poems because it's not my cup of tea, but i hope you will appreciate this. mabuhay!

Enchanted (A Collection of Poetry)Where stories live. Discover now