Chapter 1

644 8 1
                                    

" Congratssss Ms. Eunice !! Makakalabas ka na din sa hospital na ito , mamimiss ka namin "

I smiled akwardly while nurse Jane is preparing my clothes . Kasalukuyan namin nililigpit ang ilang damit ko , ngayon na ang araw na inaantay ko . Gusto ko na lumabas sa hospital na ito at makita kung ano bang nagbago sa loob ng walong buwan na pag kakatulog ko .

" So Ms. Eunice , saan ka na pupunta ? May mga kamag anak ka ba dito sa Manila ?"

' Honestly wala akong alam , hindi ko alam kung saan ako pupunta e '

" Sa tagal mo dito wala man lang nag hanap sayo, o kea nag report na nawawala ka . Para sana natagpuan ka ng mga kamag anak mo diba ? Para sana may nag aalaga sayo at may makakasama ka sa paglabas mo dito " mahabang litanya niya.

' Ayos lang ako , siguro mag hahanap na lang ako ng mapapasukan dito sa Manila . Bahala na kung saan basta may sweldo pwede na .'

" Hiring pa dun sa pinag trabahuhan ng pinsan ko Ms. Eunice , ang kaso nga lang maid ang hinahanap don . "

' Mataas ba sweldo ? Mag aapply ka agad ako kahit stay in pa , mas mabuti na yon may matutuluyan na ako at hindi ko na kailangan mag pakalat kalat sa kalsada '

" Balita ko mataas naman ang sahod kaso maagang umalis yung pinsan ko dahil hindi kinaya yung ugali daw ng amo "

' Ganun ba ? Okay na yon . Pag tiyagaan ko na lang ang importante ngayon may matuluyan ako '

Nagpa alam muna si nurse Jane na may kukunin lang daw siya sa bag niya kaya pinagpatuloy ko na ang pag aayos ng gamit ko .

Panibagong araw, panibagong hamon ng buhay naman ang haharapin ko . ang lungkot lang isipin na para akong bagong silang na sanggol na walang ka alam alam sa lahat , pero ang pinagkaiba lang ay kaya ko ng kumilos at mag isip .

Napatigil ako sa pag muni muni ng biglang lumapit si nurse Jane at may binigay saking notes kung saan may nakalagay na addresss .

" Ayan na Ms. Eunice , yan yung complete address nung exclusive subdivision . Mag pahatid ka na lang sa taxi at alam na nila yan "

' Salamat sa tulong mo nurse jane , salamat sa pag aalaga sakin '

" Ano ka ba naman Ms. Eunice wala yon . Hanga lang talaga ako sa personality mo . Napaka strong and independent mo . Kahit mag isa ka lang alam mo ang gagawin mo para maka survive . Nakaka proud ka " she smiled admiring my personality , little did she know I am fragile inside .

' Walang choice eh , kaya kailangan maging matatag . Btw pwede ba akong umutang kahit five hundred lang , promise babayaran agad kita pag nagka pera na ko .' walang hiyang hirit ko.

" Ay oo naman , eto 1,000 . Kailangan mo yan para naman may pang bayad ka sa taxi . Pasensiya ka na at yan lang ang meron ako . Btw mag iingat ka don Ms. Eunice "

' Malaking tulong na ito ' I smiled geniunely at her.

Matapos kong mag pa alam sa nurse na nagsilbing kaibigan ko na rin sa hospital na ito ay dali dali akong nagpara ng taxi at nagpahatid sa TownsVille . Kinakabahan pa ako sa papasukin ko dahil wala akong ibang dala kundi damit lang at sarili ko.

Lord sana naman po ay matanggap ako , kailangan ko po talaga ng trabaho . Ibigay niyo na po sakin ito .  Natigil na lang ako sa pag dadasal ng biglang pumarada ang taxi sa harap ng isang modernong bahay , ay hindi mansion pala . Dahil sa sobrang laki nito ay hindi ito matatawag na bahay .

Nagbayad ka agad ako sa driver at bumaba na , bitbit ang aking maliit na bag ay dirediretso ako sa gate . Nag doorbell muna ako dahil wala akong makitang tao .

Maya maya ay may guard na lumapit , sa tingin ko nasa mid 30's na siya . Binuksan niya ang gate at tinanong ako kung anong kailangan ko.

' Kuya naghahanap pa po ba dito ng katulong? Mag aapply ho sana ko '

Tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago ibalik ang tingin sa mukha ko.

" Oo nag hahanap pa , wala kasing tumatagal na katulong dito . Tara tuloy ka "

' Ganun ho ba '

" Nasa loob si Manang Anita ang Mayordoma , siya ang mag tatanong sayo at ang mag dedesisyon kung tanggap ka ba o hinde "

' Sa tingin niyo ho ba , matatanggap ako?'

" Sa palagay ko hindi , ang hanap kasi nila ay may edad na . Pag sa katulad mo kasi madali lang umaayaw pag napagalitan ni boss "

Sa sinabing yon ni Kuyang Guard ay kinabahan ako bigla . Napaka choosy naman ng Mayordoma na yon , katulong na lang ang hanap niya at magiging mapili pa siya .

Nang makapasok kami sa sala ay kita ko agad sa harapan ko ang sinasabi ni kuya guard na mayordoma . Sa awra niya pa lang ay halata na agad na napaka sungit niya .

' Magandang umaga po , Ako po si Eunice . Mag aapply ho sana kong maid '

" Hindi kami nag hahanap ng katulad mo , makaka alis kana "

Bigla akong pinang hinaan ng loob , hindi pwede toh . Dapat matanggap ako kasi kung hindi , sa kalsada ang bagsak ko.

' Masipag ho ako , kaya ko hong maglaba, mag hugas ng plato , mag linis , kahit ano po . Basta tanggapin niyo lang ako . Kailangan ko po ng trabaho ' pag mamakaawa ko .

" Tulad ng sabi ko kanina ay hindi kami tumatanggap ng katulad mo . Magaling lang kayo sa pag sasabi na kaya niyo lahat pero madali naman umayaw .  Ang hinahanap namin dito ay pang permanente at hindi temporary lang . Kaya kung ako sayo , umalis kana "

' Pero po , hindi ako tulad nila . Magtatagal po ako . Pangako '

" Hindi mo alam ang sinasabi mo , umalis kana at nakaka abala ka "

Unti unti na akong pinang hinaan ng loob at akmang lalabas na ako ng pintuan ng bigla na lang may baritonong boses na nagsalita .

" What is the commotion here ? "

' Ay sir , wala po . May mag aapply lang pong maid pero base sa itsura ay hindi rin naman mag tatagal kaya hindi ko ho tinaggap kaso ang kulit '

Nang marinig kong tinawag ng mayordoma na sir yung lalaking nagsalita ay bigla akong nag karoon ng pag asa. Dahan dahan akong humarap at naki usap sa magiging boss ko.

Kung hindi pumayag yung mayordoma , sa boss na ako lalapit . Mas may karapatan siya mag desisyon kasi siya naman ang mag papa sweldo .

' Good morning sir , Please tanggapin niyo na po ako . Kailangan ko po talaga ng trabaho , wala po akong matutuluyan dito please sir. '

Walang imik lang siya na nakatitig sa mukha ko . At first I saw how shocked he is when he saw me . Pero ngayon parang pinag aaralan niya ang buo kong pagkatao .

At dahil hindi pa rin siya nag sasalita ay humirit na naman ako .

' Masipag ho ako sir , kaya ko po lahat . Kahit ano pong gusto niyo susundin ko . Ahmm kahit maliit din po sweldo pwede na sakin basta stay in at libre pagkain . '

He smirked like an idea popped up on his head. Medyo naiilang ako sakanya pero wala akong choice . I need this .

" You're hired , but you need to sign my approval "

Tinawag niya ang isa pang lalaki na naka black suit at may pinakuhang papeles . Pag balik nito ay may dala na itong blank paper at sign pen .

Pinapirmahan sakin ang papel na iyon . Gusto ko man alamin kung para saan iyon ay wala akong makita . As in blank paper lang talaga. Signature ko lang ang nag appear sa paper na iyon.

Pagkatapos kong pirmahan ang papel ay bigla na lang inagaw yun sakin . He seem so happy with a devil plan base on his expression .

I already  felt uncomfortable with his presence but the next words he uttered make me shiver  .

" Welcome to Hell "

My Wife Unknown Suffering حيث تعيش القصص. اكتشف الآن