Chapter 9

212 6 1
                                    

Pagkalabas na pagkalabas ni sir Ivan sa kwarto ay bigla na lang akong nanghina. Hindi pa rin ako nakaka recover sa mga hampas ng belt at sugat sa ulo ko, pero eto ako ngayon muntik ng malunod.

Dahan dahan kong inayos ang sarili ko, napansin ko ding basang basa na din ang gauze pad na nasa noo ko at punong puno din ito ng dugo.

Nag tungo ako sa kusina para kunin ang medicine kit, nilinis ko ulit ang sugat ko. Gustuhin ko man uminom ng gamot pero wala akong mahanap ni isa.

Ng matapos na ako, ay nag tungo na ulit ako sa kwarto para mag pahinga.
Dahan dahan akong nahiga, napapa igik na lamang ako sa tuwing kumikirot ang mga pasa ko.

Hanggang kelan kea magiging ganto ang buhay ko. Kelan kaya ko magiging masaya. Nakakapagod na din paulit ulit masaktan. Sa sobrang pagod at sa hindi ko malamang dahilan ay unti unti akong hinatak ng antok.

                              ***

Ivan's POV

Papasok na ako sa trabaho ng ma realize kong wala pang naka handa na pagkain sa lamesa, wala rin ang kape na nakasanayan kong inumin bago pumasok sa opisina.

Sa sobrang pagmamadali ay pinagsawalang bahala ko na lamang ito. Masyado akong maraming meetings at approval na mas mahalaga pa kesa sa babaeng yon.

Maghapon akong nagtrabaho, bandang alas syete na ng Gabi ako nakauwe at nakita kong wala pa ring naka handang pagkain. Sa sobrang pagod at kainisan ay pinag babato ko ang mga vase na nakita ko.

Matapos ang ingay na ginawa ko ay para bang wala pa ring nagbago. Walang lumabas na imahe ng tao, bagay na pinagtaka ko. Nagmamadali akong nag tungo sa kwarto niya upang I checked kung lumayas na ba sya, pero iba ang nadatnan ko.

Nakapulupot sakanya ang manipis na kumot, nanginginig din sya at natuyo na rin ang mga nagkalat na dugo sa bandang noo niya. Sa kadahilang wala na akong driver ay tiniis ko na lamang na ako ang maghatid sakanya sa hospital.

Sabi ng doktor ay nagka over fatigue daw at mild infection ang nangyare kaya tumaas ang lagnat niya. Hindi naman ganun kalala at hindi pa naman sya mamamatay kaya napagdesisyonan ko na lamang na umuwe.

Eunice POV

Nagising ako nang mag isa sa puting silid. Ramdam ko pa rin ang sakit ng katawan ko.

Bumalik sa aking isipan lahat ng alaala simula ng magising ako sa mahabang pagkakatulog.

Pakiramdam na mag isa, Walang nag mamahal, walang nag aalaga, walang kahit sino man na may pakialam sa kalagayan ko.

Sobrang sakit sa dibdib kasi naulit na naman ang pangyayaring ito sakin.

Ganon ba talaga ko kasama, at pinaparusahan ako ng ganto.

Natigil ako sa pag iisip ng may pumasok na nurse. May dala siyang pagkain.

' Mam, kain na po kayo.'

" kelan ako pwedeng ma discharge? "

' pasensya na po mam, pero wala pa pong abiso galing sa doctor kung kelan po kayu makakalabas '.

" Okay "

Hinayaan kong iwan niya sa katabing table ang pagkain at pinagmasdan ko ang pag alis niya. Kailangan ko ng umalis at tumakas sa lalaking yon.

Hindi ko na aantayin na mamatay pa sa mga kamay niya.

Makalipas ang ilang minuto ay naglakad ako papunta sa pintuan at dahan dahan itong binuksan. Walang masyadong tao sa labas kaya napagdesisyonan kong tumakas na.

My Wife Unknown Suffering Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora