Chapter 6

224 6 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Gusto kong maging masaya dahil hindi ako natanggal at pinaalis sa trabaho, pero hindi ko rin maiwasan maging malungkot para sa mga katulong at guard dahil sa sinapit nila.

Imbes na mag isip ng kung ano ano, napagdesisyonan ko na lamang na mag handa ng hapunan. Tiyak na mag aalburoto na naman ang isang yon pag nalaman niyang wala pa ring nakahain sa mesa.

Dumiretso ako sa kusina at naghanda ng mga sangkap para sa lulutuin kong adobo. Hindi ko maintindhan ang sarili ko pero palagay ko ay kabisado ko ang putaheng lulutuin ko. Na eexcite ako sa magiging reaction niya pag natikman niya ang niluto ko .

' sipsip kasi talaga ang bagong salta na yon. Malay ba natin kung anong pinagsasabi non kay sir para matanggal tayo ' 

Mula sa kinaroroonan ko ay dinig na dinig ko ang tinig ng mayordoma.  Alam ko din na ako ang pinag uusapan nila.

" Bakit ho ganun, matagal na po tayong nag tatrabaho kay Sir Ivan tapos sesesantihin lang po tayo ng biglaan. Bakit ho yung Eunice ay hindi pinapaalis ? "

' Panigurado ay nilandi nung babae na yun si Sir Ivan . '

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya tumikhim ako para malamang nilang nasa likod lang nila ako.

" Excuse me sainyong lahat,  magluluto muna ako ng hapunan ni sir kaya kung maaari tumabi muna kayo "

' aba ! Sino Kaba sa tingin mo para gumanyan ka hah ' anang mayordoma

" Katulong dito, at trabaho kong magluto kaya kung pwede don kayo sa living room mag usap usap "

' Salbahe ka ah. Wag ka mag mataas, hindi porket hindi ka tinanggal ay gaganyanin mo na kami '

" Wala rin naman akong ginagawang masama pero kung pag usapan niyo ako wagas. Pinagkakalat mo pang nilalandi ko yung amo natin, para naman kaya kong gawin yon "

' Walang imposible sayo. Ang dami mo ng nilandi sa club. Tapos ngayon magpapanggap kang matino ka. Aba pokpok na Eunice hindi bagay sayo.'

" Bawiin mo yung sinabi mo " pagbabanta ko.

' Bakit? Totoo naman ah. Pinagpasa pasahan ka na ng iba't ibang lalaki.  Itatanggi mo pa ba .'

" Hindi kita papatulan dahil mas matanda ka pa rin sakin, at may respeto ako sa mga matatanda. Alam mo ba iniisip ko ngayon, galit na galit ka sakin dahil ikaw yung nawalan ng trabaho at hindi ako. "

' Walang modo ka '

Imbes na patulan pa ang mayordoma ay naghanda na lamang ako ng mga ingredients. Nag eenjoy akong mag luto ng pork adobo, at ng matapos na ako sa pagluluto ay tinikman ko ito para I check Ang lasa. Ok naman ang timpla pero parang may kulang.

Matagal kong inisip kung ano ba ang kulang, at ng madapo ang aking tingin sa glassware ng sugar ay nagliwanag ang aking mga mata. Tumpak! Eto yung kulang.

Naglagay ako ng tamang dami ng asukal sa adobo, at ng tikman ko ulit ito ay napangiti na lamang ako ng mapagtantong tama na ang lasa nito.

Excited akong naglagay ng kanin at ulam sa mesa. Nagtimpla na rin ako ng juice bilang kaperas ng pagkain na hinain ko.

Maya maya pa ay nakita kong pababa na ng hagdan si sir Ivan. Agad agad akong umayos ng tayo at binati siya.

" Good evening po sir , nakahanda na po ang dinner niyo . "

Nilagpasan niya lamang ako na tila ba wala ako sa harapan niya. At  tuloy tuloy lang siya sa dining table.  Habang pinagmamasdan siya ay napansin kong nakatitig lamang siya sa pagkain na nasa harapan niya .

Mabilis akong kumilos ng mapagtantong inaantay niyang lagyan ko ng kanin at ulam ang pinggan niya . 

Naglagay lamang ako ng tamang dami ng kanin at pork adobo sa plato niya . Nagsalin na din ako ng juice sa baso .

" Pwede na po kayo kumain sir "

Ilang minuto pa Siya tahimik , bago siya nagsalita.

' ikaw nagluto ?'

" Yes po sir "

' umalis ka sa harapan ko '

" B-bakit po sir? "

' I don't want to lose my appetite ' simpleng sagot niya.

" Ok po, basta pag may kailangan po kayo, tawagin niyo na lang po ako . Excuse me po "

Tuloy tuloy akong umalis sa harapan niya at nagtungo na lamang ako sa garden. Pinagmamasdan ko ang kalangitan, at sobrang nagagandahan ako sa mga bituin na kumikinang.

Sa sobrang tagal kong nakatitig sa kalawakan ay may biglang dumaan na shooting star. Sa sobrang bilis ay hindi ko na nagawang mag wish.
Napabuntong hininga na lamang ako. Pati ba naman sa pagwiwish, pinagkakait pa sakin. Gusto ko lang naman hilingin na sana maging ma ayos na ang trato sakin ni sir.

Sa kabilang banda, gusto ko man hilingin na bumalik na ang alaala ko pero natatakot ako. Natatakot na malaman na totoo yung sinasabi nila tungkol sa pagkatao ko. Natatakot na baka pati sarili ko hindi ko matanggap dahil sa matutuklasan ko.

Siguro mas maganda na din yung gantong sitwasyon ko yung wala akong alam sa nakaraan ko, para hindi ko ein kamuhian wng sarili ko tulad ng ginagawa bg ibang tao.

Lalo na ngayon sarili ko lang ang meron ako. Sarili ko lang ang kakampi ko. Hindi ko na siguro kakayanin pa kung pati sarili ko ang magiging kaaway ko.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan sng paglapit ni sir Ivan. Nabigla na lamang ako ng magsalita ito .

' I've been calling you a lot of times,  but it seems you're preoccupied '

" S-sorry po sir, may iniisip lang ho "

' I'm done. You may now clean the table '

Hindi niya na ako hinayaan pang makasagot, dahil umalis na siya ng tuluyan sa harapan ko.

Napagdesisyonan kong linisin at ligpitin na ang mga hugasin. At ng matapos ako ay nag tungo ako sa maids quarter. Hindi na ako nabigla ng makitang wala ng tao sa loob, wala na rin ang gamit ng mga katulong doon.

Siguro pwede na akong lumipat dito. Wala na naman yung masungit na mayordoma na yon. Saka isa pa, hindi ako komportable sa higaan ko dun sa bodega.

Mabilis ang kilos ko ng binitbit ko yung mga gamit ko patungo sa maids quarter. Inayos ko din ang double bed at pinalitan ito ng bedsheets. Maliit lang ang espasyo ng kama, pang single person lang talaga. Pero mas mabuti na toh kesa sa lapag ako mahiga.

Ng matapos sa pag aayos ng tutulugan ko ay nag half bath muna ako. Kailangan ko talagang mag tagal dito Para naman may makuha akong sweldo na pwede kong ipang bili kahit dalawang pares ng damit man lang .

Yung mga damit ko kasi na dala ko dito ay bigay lang sakin ni nurse Jane. Anim na t-shirt at anim na short lang ang meron ako. Bilang pasyente na wala ng kamag anak at kakalabas pa lang ng hospital ay wala akong kakayahan na bumili ng sariling gamit dahil wala naman akong sariling pera. 

At kung totoo man yung sinasabi ni Sir Ivan na asawa niya ko, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko..

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, dahil may asawa pala ako. Na may mahalaga pa palang tao ang meron ako, ma hindi pala ako ulila talaga .

Pero hindi ko rin maiwasan isipin na,  parang gusto kong magalit. Kasi kahit saan anggulo ko tignan, hindi ko matanggap na hindi niya man lang ako dinalaw o pinuntahan sa hospital nung mga panahon na nasa comatose ako.

Ganun ba talaga kalaki ang nagawa kong kasalanan sakanya para matiis niya ako ng ganun ganun lang.  Sabagay tulad nga ng sinabi niya deserve ko ang masaktan.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng ilang butil ng luha galing sa mga mata ko. Napangiti na lamang ako ng mapait ng mapagtanto ang pagpapanggap na ginagawa ko ay kusang lumalabas pag mag isa na lang ako.

' I try to be strong all day, but in the night I broke down ' .

My Wife Unknown Suffering حيث تعيش القصص. اكتشف الآن