Chapter 21

260 4 0
                                    

Ivan's Pov

Sa unang pagkakataon simula ng pagkawala niya ay lumabas ako ng mansyon. Nasilaw ako sa sobrang liwanag na nanggagaling sa araw. Nilakasan ko ang loob ko ng pumunta ako sa garahe at sumakay sa sasakyan na dati ay pangarap naming mapundar.

Sobrang bigat man sa kalooban, tinuloy ko pa rin ang pagbisita sa kakahuyan kung saan matatagpuan ang cabin na isa sa mga kinakatakutang lugar ko ngayon.

Mahaba ang naging biyahe dahil malayo sa syudad ang lugar pero nang makarating na ako ay parang gusto ko na lang ulit umatras.

Sa kagustuhan kong pormal na humingi ng tawad sakanya ay nilakasan ko ang loob ko at kahit unti unti ng pumapatak ang luha ko ng marating ko ang dating napakagandang cabin ay abo na lamang ngayon, marami na ring damo ang tumubo sa paligid.

Sa hindi kagustuhan ay natanaw ko ang kadena na naging dahilan ng pagkamiserable ng buhay ko.

Damn this chain, hindi naman toh mahalaga pero bakit hanggang ngayon nandito pa

Sa sobrang galit at hinanakit ay pinulot ko ang kadena at hinawakan ito ng mahigpit. Inalala ko lahat ng masasakit na nangyari sa lugar na toh.

Yung gabi na nakita ko kung paano kumalat ang apoy sa paligid habang nasa loob siya sinisigaw ang pangalan ko nagmamakaawang tulungan ko siya.

Halos madurog ang pagkatao ko ng mga oras na yon, ilang minuto rin ako nashock dahil hindi ko alam ang gagawin pero nilakasan ko pa rin ang loob ko at inalis ang pagpapanic kahit sobrang takot na ang nararamdaman ko dahil sa kung anong pwedeng mangyari sakanya. Nung oras na naghahanap ako ng pangbukas ng kandado pinilit kong ipakita na kalmado ako dahil umaasa siya sakin, pinilit kong ipakita na magiging ma ayos din ang lahat kahit sa loob loob ko ay nawawalan na rin ako ng pag asa.

At nung oras na sinabi niyang may bomba ay mas lalong dumoble ang kaba sa dibdib ko. Napagdesisyonan ko rin na handa nakong mamatay makasama ko lang siya, hindi ko na inisip ang sarili ko kahit ilan beses niya na ko pinagtatabuyan na iligtas ko ang sarili ko..

Gustong gusto ko ipa alam sakanya na ayaw ko siyang iwanan dahil hindi ko alam kung makakasama ko pa ulit siya, pero sadyang jindi patas ang mundo dahil nung dumating ang mga kasamahan ko ay taranta akong lumapit sakanila para humingi ng tulong bagay na sana hindi ko na lang ginawa, bagay na hanggang ngayon pinagsisihan ko pa rin. Dahil noong mga sandaling lumayo ako at tinalikuran siya ay siya ring pagkawala niya.

Nang ma apula na ang malakas na apoy ay siya ring hudyat ng paghahanap ko sakanya. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya kaya desperado akong hinalughug ang cabin na ngayon ay abo na.

Napapaso pa ang paa ko ng kaunti pero pinagsawalang bahala ko ito dahil gusto kong patunayan na nakaligtas siya pero gumuho bigla ang katiting na pag asa na pinanghahawakan ko ng mailabas ng mga bumbero ang isang sunog na bangkay, at sa kanang kamay niya ay nakasuot pa rin ang bracelet na binigay ko sakanya. At sa kaliwang paa miya naman ay ang kadena na hanggang ngayon ay nakakabit pa rin sakanya.

Pagkatapos kong alalahanin lahat ay mariin kong pinilit ang mga mata ko at pinunasan ang mga luha bago ako huminga ng malalim at iminulat ang mga mata ko.

Eto ang reyalidad ng mundo, napakadali nilang sabihin na tanggapin kong wala ka na pero kahit anong pilit ko ay hindi ko pa rin magawa, dahil ayokong tanggapin na kahit kelan ay hindi na kita makikita at makakasama pa.

Siguro kung pwede lang humiling, ayos na sakin na ipagpalit mo ko, na iwanan at lokohin mo ko, na sumama ka sa iba, huwag ka lang tuluyang mawala. Mas madaling tanggapin na makita kang masaya sa iba basta  buhay ka, atleast napapagmasdan kita . Hindi yung ganto na hanggang sa huli ako pa rin nga yung mahal mo pero kahit anong gawin ko, hindi ko na makikita at mararanasan ulit ang mahagkan mo, at kahit may pera pa ako hindi ko na maibabalik yung buhay mo.

Wala ng mas sasakit pa sa mabuhay na punong puno ng pagsisisi.

Dahan dahan akong tumingala at tumingin sa langit.

Hi love, ever since you passed away I've been mad at myself and in the world. I miss you so damn much.

" It's all your fault "

Tinignan ko ang may ari ng boses na nagsalita. Hindi pala ako nag iisa dito.

' I know, you can blame me all you want. I wouldn't mind '

" How could you hurt her? You promised me that you'll stop hurting her if I would distance myself. If only I knew sana hindi ko na lang siya pinagtabuyan "

' I'm still blaming myself '

" Dapat lang, kasi wala naman iba ang pwedeng sisihin kundi ikaw lang. You're so ruthless and selfish, puro revenge lang ang iniisip mo. So ngayon tell me? Did your revenge satisfied you? "

' No '

" Serves you right. I hope you suffered like the way you did to her. "

' I am willing '

" Don't ever think that I would have mercy on you. You don't deserve any. "

' I know '

" She doesn't deserve this cruel world, she's too kind and innocent why of all people she's the one who suffered, e pwede namang ikaw? " 

' You don't deserve to be punished too. Have the courage to leave before it's too late. '

" I'm fine, and it would be a pleasure if I can go and meet her in heaven na "

' What if she's not there? '

" The heck? are you for real? she's kind and pure, so sa tingin ko naman she will go up, not like you. I'm pretty sure sa hell na ang bagsak mo "

' it's not what I meant. But do you really believe that she's gone? '

" That burned body proves everything, that bracelet and chain on her but there's still part of me hoping the she survived. Pero it's been two years na din, maybe its just guilt kaya feeling ko buhay siya "

' Hanggang ngayon hinahangad ko na sana magising nako sa bangungot na toh, kasi sobrang hirap gumising ng hindi ko siya nakikita '

" I'm in danger, I'll go ahead "

Pinakiramdaman ko ang paligid, maraming nakapalibot kaya pinigilan ko si Abby sa tangkang pag alis niya.

' you're coming with me ' saad ko.

Sa tigas ng ulo niya ay nahirapan pa akong pakiusapan siya pero sa huli ay wala rin siyang nagawa.

Hindi ko siya iniwan dahil siya na lang ang taong naging mahalaga kay Eunice. Nagmamadali kaming makalapit sa sasakyan ng bigla nila kaming pinaulanan ng bala.

Third person's Pov

What a great scenario, seeing that damn guy saving that b*tch. They're fit together, both dumbass.

My Wife Unknown Suffering Where stories live. Discover now