Chapter 5

214 5 0
                                    

Nagising ako na parang sobrang bigat ng pakiramdam ko . Nanlalamig pero sobrang init naman ng katawan ko. Siguro dahil ito sa na ulanan ako ng matagal kagabi .

Napagdesisyonan kong tumayo para kumuha nang maiinom pero sa kasamaang palad ay natumba ako dahil sa panlalambot ng tuhod ko .

Pinilit kong tumayo ng mag isa kasi wala man lang tao na handang alalayan ako . Bumabalik na naman sa isipan ko ang naging pangyayari nung unang pag mulat ng mata ko .

Ganitong ganito yon . Yung tipong may sakit ka pero wala ka man lang makita ni isang tao na nag aantay sa pag gising mo, na  handang mag alaga man lang sayo .

Imbes na panghinaan ng loob ay sinikap ko na lamang na pilitin ulit ang katawan ko na makatayo. Kailangan kong maka inom ng tubig at makakain para magkaroon naman ako ng lakas .

Nang makarating ako sa kusina ay napagdesisyonan kong magluto ng  crab soup . Gusto ko kumain kahit wala akong gana . Kailangan bumalik ng lakas ko kaya dapat maging matatag ako para sa sarili ko .

Ng matapos ako sa pagluluto ay naglagay ako ng kaunting crab soup sa maliit na mangkok. Hinipan hipan ko muna ito bagu ko dahan dahang sinubo. Ang pait ng panglasa ko pero kailangan kong maubos ito .

Pinagtiyagaan kong ubusin ang crab soup na niluto ko. At ng matapos na ako sa pagkain ay nagtungo ako sa cabinet kung saan nakalagay ang mga medicine kit nila .

Naghanap ako ng ibuprofen pero sa kasamaang palad ay paracetamol lang ang andito . Lingid sa kaalaman ng iba hirap na hirap ako sa pag inom ng mga tabletang gamot dahil pakiramdam ko ay naiiwan ang mapait nitong lasa sa dila ko .

Ayokong nagkakasakit ako dahil  bukod sa wala ng mag aalaga sakin , ay takot rin ako uminom ng gamot .

Matagal ko pang tinitigan ang gamot na tila ba ay nag dadalawang isip pa ako sa pag inom nito .

Huminga ako ng malalim bago ko biglaang ininom ang gamot ko , mabilisan rin akong uminom ng tubig para mawala ang lasa pero sadyang nag iwan talaga ito ng mapait sa dila ko .

Nagpapanic na naghanap ako ng pwedeng makakain na matamis para mawala ang mapait na lasa . Habang abala sa paghahanap sa mga cabinet ay nabigla na lamang ako ng biglang may humatak sa akin paharap .

Pero ang mas kinabigla ko ay ng bigla niyang paghalik sakin . He slid his tongue on mine. Biglang nawala ang mapait na lasa sa dila ko dahil napalitan ito ng mint.  I realized he was chewing a gum with mentol flavor .

Hinayaan ko lang na damahin ang labi niya na nakalapat sakin . It feels so good . How I wish na sana lagi niyang gawin ito .

Natigil ako bigla sa mga pinag iisip ko ng dahan dahan siyang kumawala sa paghalik sakin.  Tinitigan niya muna ako ng mabuti na para bang inaalam niya kung ok na ba ako. Ng mapagtanto niya sigurong ma ayos na ang lagay ko ay bigla siyang nagsalita .

' I know how you dislike drinking medicines ' .

Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang yon ay bigla na lamang siyang umalis na para bang walang nangyari .

Habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala na hinalikan niya ako para mawala Ang mapait na lasa sa dila ko . For God's sake , he is my boss .

Dahan dahan kong hinawakan ang labi ko at hinaplos haplos ito na para bang hindi makapaniwala sa nangyari kanina. One thing I realized now is that, he still cares for me , he's just holding it back .

A small smile appeared on my lips . Maybe he miss me that much .  Hindi ko rin maikakaila na hinahanap hanap ko rin ang presensiya niya .
Palagay ko pag hindi ko siya nakikita ay may kulang sa pagkatao ko . Sabihin na natin na madalas niya akong sigawan at saktan pero hindi ko pa rin maitanggi na ayos lang yon kasi tulad nga ng sabi niya , deserve ko naman na masaktan .

Iwinaksi ko bigla ang iniisip ko ng bigla na lang lumapit sakin ang mayordoma. Pinag aaralan niya ang reaksiyon ko at ngingisi ngisi pa.

' Ambisyosa ka talaga, hinalikan ka lang ni sir ay natulala kana. Huwag mong isipin na espesyal ka, kasi hindi lang ikaw ang nahalikan niya, marami pang iba. '

" Hindi naman ho ibig sabihin na porket natulala ay ambisyosa na agad. Hindi ho ba pwedeng iniisip ko lang kung kelan ka kaya titigil sa pag susungit sakin "

' At sumasagot kana hah, para sabihin ko sayo katulong ka lang dito. Hindi ibig sabihin na hinalikan ka ng amo natin ay mag mamataas kana din .'

" Sainyo na po nang galing, amo natin. Ibig sabihin katulong ka lang din . Pareho lang po tayo na taga silbi sa mansyon na ito "

Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang yun ay nagmamadali akong naglakad patungo sa kwarto ko.  Huminga ako ng malalim upang kalmahin ang sarili ko .

Hindi ko naman gustong sagutin ang mayordoma na yon. Nagpanting lang talaga ang tenga ko ng marinig na hindi lang ako ang nahalikan niya .
Sa sobrang inis ko ay hindi ko na naiwasan na sagut sagutin ang mayordoma na yon .

Ano ka ba naman Eunice , bakit ka kasi nag pa apekto sa mga sinabi nung bruhildang mayordoma na yon. Ayan! Tuloy nanganganib na baka matanggal ka sa trabaho

Arghhh. Nakakainis . Hindi ko gusto ang naiisip ko. Hindi pwedeng matanggal ako dahil wala akong ibang matutuluyan. Kailangan kong humingi ng tawad sa mayordoma, bago pa siya makapag sumbong kay
Sir .

Sa stress ko sa pag iisip kung pano ko pakikitunguhan si Manang Anita, ay nakalimutan kong masama pa rin pala ang pakiramdam ko. Pero ipinagsawalang bahala ko na lang ito.

Nagtungo ako sa maids quarter pero hindi ko roon natagpuan ang mayordoma. Naisip kong mamaya na lang ako makikipag usap sakanya pag nakita ko na siya.

Bumalik ulit ako sa tinutuluyan ko at napagdesisyonan kong matulog muna. Pero sa hindi ko inaasahan ay nagising na lamang ako ng may bigla akong marinig na sigaw sa may living room. Agad agad kong tinignan kung anong oras na, nabigla na lamang ako ng mapagtantong alas siyete na ng gabi .

Napahaba masyado ang tulog ko.

Mabilis kong inayos ang sarili ko at tinignan kung anong nagaganap sa living room.

Nagtaka ako ng makita ko ang limang katulong kasama na rin ang mayordoma at dalawa pang body guard na nakatayo sa harapan ni sir Ivan .

Base sa mukha nila ay kabado sila na tila ba ay may hindi magandang mangyayari .

Natigil ako sa pag iisip ng posibleng dahilan kung bakit lahat sila tinipon ng biglang magsalita ang boss namin.

' You're all fired, I will give all of you your advance salary with compensation as a recompense for your job loss. '  he calmly said.

Lahat nang katulong ay halatang hindi tanggap ang naging desisyon ng amo namin. Halata sa mga mukha nila ang pagkalungkot .
Sino ba naman ang gugustuhin mawalan ng trabaho .

Speaking of trabaho, katulong din ako dito. Ibig sabihin damay din ako sa mawawalan. Hindi ma aari, wala akong alam na pwede ko pang pag trabahuhan.

" Uhm e-excuse me sir, kasama rin po ba ako sa mawawalan ng trabaho? " lakas loob na tanong ko .

Ramdam kong lahat sila ay napatingin sakin.

'  No . You will stay '

After he said those words , ay walang pasabi na lamang siyang umakyat patungo sa opisina niya .

My Wife Unknown Suffering Where stories live. Discover now