Chapter 16

177 4 1
                                    

Pagod na pagod ako ng makarating sa mansyon. Nasa garahe na din ang kotse ni Ivan, tulad ng dati ay hindi na ako pumasok sa loob.

Malamok man sa labas ay nag tiyaga na lamang akong matulog dito, lilipas din ang araw at sisiguraduhin kong makaka alis ako dito. Hindi ko hahayaang palagi na lang ako natutulog sa lapag.

Sa sobrang pagod ay nakatulog din ako bigla. Nagising ako kinaumagahan ng mabigat ang pakiramdam ko pero pinagsawalang bahala ko na lamang ito.

Hindi ko rin alam kung bakit nag iba ata ang ihip ng hangin at kinausap ako ni Ivan ng hindi siya galit.

' Anong oras pasok mo? '

" B-bakit mo tinatanong? Ah! alam ko na, iniisip mo bang ma aga ako aalis para makatakas sa trabaho ko dito. Wag ka mag alala tinatapos ko naman ang gawain dito bago ako pumasok sa trabaho "

' get your things, you can go inside '

" dapat ba ko mag thank you? "

' if you don't mean it, then no need '

" Okay "

' um Eunice? '

" Oh? "

' nevermind, I'll go ahead '

Agad din siyang umalis at ako naman ay dinala ang mga gamit ko sa storage room, sa sahig pa rin naman ako matutulog pero mas mabuti na toh dahil hindi malamok dito.

Tinulungan ko na rin sila Manang Anita sa paglilinis ng buong bahay, sinusungitan niya pa rin ako paminsan minsan pero hindi ko na lang pinapatulan.

Nasa tamang oras din ako ng makarating sa trabaho. Tulad ng dati ay laging maraming customers, abala ako sa pag pupunas at pagliligpit ng mga kalat sa table, ng biglang may isang babae ang lumapit sa akin at tinanong kung nasaan ang manager.

Sa unang tingin ay napaisip agad ako kung anong kelangan niya, mukha naman siyang customer dahil ang gara ng dating niya.

' good day po mam, ano pong kelangan niyo kay mam Trish? ' pagtatanong ko ng Hindi nawawalan ng ngiti sa labi.

" I'll ask your manager if may vacant kayo dito? I need a job kasi e. "

Medyo nagulat ako sa sinabi niya dahil sa accent pa lang niya halatang rich kid, idagdag pa yung outfit niya. Naka white top siya partner ng black trouser pants at high heels..Siguro pasok sya maging cashier, mukha naman siyang trustworthy.

' ahm.. tara samahan kita sa opisina niya '

" You're so thoughtful naman "

Nginitian ko na lang siya dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Nakarating kami sa opisina ni mam Trish at doon ko lang nalaman na nag apply siya as a waitress.

Marunong kaya siya mag hugas ng plato nang hindi nababasag?

Nawala ako sa isiping yon ng biglang iatas sakin ni mam Trish ang pag alalay kay Abby.

' Eunice ikaw ng bahala dito, turuan mo siya sa lahat ng bagay. '

" Ahm s-sige po. Ako na pong bahala "

' sige na Abby magsimula kana, nasa staff room yung uniform mo at kung pwede lang wag niyong pasakitin yung ulo ko hah '

" M-masusunod po mam "

Nang makalabas kami sa opisina ni Mam Trish ay agad ko ding sinamahan sa staff room si Abby.

Ang gaan niyang kasama dahil parang andami niyang dalang good vibes, nakakatuwa siyang kasama dahil ang daldal niya.

' bagay ba sakin tong uniform ko? ' tanong niya

My Wife Unknown Suffering Where stories live. Discover now