Chapter 2

264 3 0
                                    

Unang araw ko pa lang sa mansyon na ito ay sobrang pagod na ang naranasan ko . Lahat ng mga kasamahan kong maid ay parang may galit sa akin . Baguhan pa lang ako kaya imbes na mag reklamo ay sinusunod ko na lang ang mga utos nila .

Halos lahat ng gawaing bahay , ako na ang gumagawa . Simula sa pag luluto , paglilinis , paglalaba, pagpaplantsa , at pag go grocery . Parang ako lang mag isa ang katulong sa mansyon na ito .

Sa sobrang pagod ay nag pahinga muna ko sa maid's quarter . Hindi ko namalayang naka tulog pala ako at pag gising ko ay hapunan na.

Agad agad akong kumilos at lumabas ng kuwarto, pag dating ko sa living room ay na abutan ko ang lahat ng katulong na nakayuko at parang takot na takot.

Tinignan ko kung sino ang nasa harapan at sobrang kaba ang aking naramdaman ng mapagtantong si Sir Ivan ang kanilang kinakatakutan .

' G-good e-evening sir , naka uwi na po pala kayo '

" Yeah . And dinner is not yet ready ."

May halong iritasyon ang boses niya , bagay na siguro kinakatakutan ng mga katulong .

' M-maupo ka muna sir , m-magluluto na po k-kami . Pasensya na po '

" You just woke up? "

Tanong niya na nag pabilis ng tibok ng puso ko. Bakit parang ako yata ang sasalo ng galit niya.

' y-yes sir '

" I didn't fucking hired you to feel like a royalty" Gigil na saad niya.

Handa na sana akong depensahan ang sarili ko ng biglang sumalungat sa usapan ang isa pang maid na parang may galit din sakin.

" S-sir po , Si Eunice po feeling reyna . Maghapon po siyang walang ginawa . "

' Hindi totoo yan ' agad na depensa ko.

" Ayaw niya po sir na inuutusan siya , bago pa lang siya pero kung umasta parang reyna "

Agad sumang ayon ang iba pang katulong . Bakit ba sila ganito sakin . Ako lagot neto eh .

' S-sir hindi totoo yan , madami po akong ginawa . Sadyang naka tulog lang ako sa sobrang pagod '

" Sinungaling ka , ang sabihin mo , nakatulog ka dahil wala ka naman ginagawa " .

' Ikaw ang sinungaling '.

" Gusto ninyo ba mawalan pareho ng trabaho?"
Sa kakaibang awra niya ay napatahimik ako , at isa pa ayaw ko din mawalan ng trabaho.

Tahimik akong yumuko at iniisip kung bakit nila ako sinisiraan kay sir , sinunod ko naman lahat ng utos nila . Pero bakit parang hindi pa rin sila makuntento.

" Eunice follow me " . Agad na utos niya na mabilis ko din sinunod.

Pumunta kami sa second floor kung nasaan ang veranda . Walang katao tao dito at kinakabahan ako . Hindi ko rin alam kung bakit natatakot ako na magalit siya sakin.

" What are you up to? " he asked with his cold baritone voice

' S-sir?? '

" Damn it ! Stop calling me " Sir ",  as if you don't know me "

' H-hindi ko po kayo maintindihan '

" Stop fooling around Eunice " may pagbabantang tugon niya.

' S-sir hindi ko po alam ang pinagsasabi niyo '

Bigla na lang ako nakaramdam ng hapdi sa pisngi ko . Sa sobrang bilis ng kilos niya ay hindi ko namalayan na nasampal niya na pala ako sa kanang pisnge ko.

My Wife Unknown Suffering Where stories live. Discover now