Chapter 17

186 6 0
                                    

Paminsan minsan ay tinutulungan ako ni Abby, hindi ko hinayaang akuin niya ang trabaho ko dahil hindi naman tama yon.

Pagdating sa pag seserve at pagkukuha ng order ay gamay ko lang pero pag nakatoka na ako sa paghuhugas ay sobrang nahihirapan ako dahil sa tuwing nababasa at nasasabunan ang kamay ko ay humahapdi ito.

Pasalamat na lang ako dahil andiyan si Abby, laging naka alalay para maglagay ng panibagong gauze pad at adhesive band aid.

' done ' Abby said while smiling

" Thank you "

' you're sutil din sometimes, parang kanina lang ayaw mo magpapalit ng gauze pad.. gusto mo ba ma infection?'

" ano kaba, infection lang yan. Di ko ikakamatay yan "

' oh really?? Bakit does your body like iron man? hindi naman diba '

" Ang sakit mo sa tenga kausap. Ang conyo mo "

' it's okay, bagay naman sakin diba? ahm matanong ko lang pala, where did you get your wound ba? '

Matagal akong hindi nakasagot dahilan para mag overthink siya.

' Goshh!!!.  Don't tell me you cut your own palm? balak mo ba mag suicide? Are you suffering from depression? Eunice please, remember andito lang ako to the rescue. Anytime pwede ka lumapit sakin, anytime pwede ka mag breakdown sa harap ko just d-dont do it again '

Halata sa mukha niya ang matinding pag aalala at kagustuhan na makatulong. Napaka swerte ko lang dahil para siyang hulog ng langit.

Pinagkaitan man ako ng pagmamahal sa mansyon, wala mang may paki sakin pero nandiyan sya, handang punan lahat.

" Stop overthinking. Aksidente lang na nahiwa ko yung palad ko habang hinihiwa ko yung apple. Hindi depression dahil katangahan ang tawag don "

' heyy, hindi ka tanga. Stop saying that harsh word to yourself '

" Sabi mo eh " pag sang ayon ko na lang.

Ivan's Pov

Mainit ang ulo ko ng dahil sa nangyari. Pagbaba ko sa hagdan ay nakasalubong ko agad si Manang.

" Sir, good morning po. Gusto niyo po ng kape "

' Manang ilang beses ko na po pinagbilin na wag niyong papalapitin sakin si Eunice diba '

" O-opo sir "

' pero bakit ho hinayaan niyong makapasok siya sa kwarto ko at don pa natulog ' inis na saad ko

" S-sir, matigas po kasi ulo niya. Ilang beses ko na po pinagsabihan na wag ng bumalik sa kwarto niyo pero hindi po nakinig. Nag aalala daw po kasi siya kasi wala daw po mag aalaga sainyo "

' Manang hindi na ako bata, Hindi ko kelangan ng mag aalaga sakin ano ba '

" W-wala naman pong ginawang masama yung tao sir "

' tsskk.. at ang bilis mong naniwala , pano kung may binulsa na pala siya hindi mo malalaman dahil nagpadala ka sa pagpapanggap niya '

" Sir pasensya na po pero wala naman talagang ginawang masama yung tao. Halos hindi na nga ho nakatulog sa pag babantay sainyo tas pumasok pa po ng trabaho na may sugat sa palad "

' So anong gusto mong palabasin manang? Alam mo hindi ko na kasalanan yun dahil unang una hindi ko naman siya inutusan na gawin yon'

Eunice Pov

Pagsapit ng tanghali ay mas lalo kaming dinumog ng customer, abala ako sa pagseserve ng mga order sa table ng biglang may pumatid sakin dahilan para matapon ang beef broth na nasa tray.

My Wife Unknown Suffering Where stories live. Discover now