Chapter 13

175 3 1
                                    

Nagising ako ng ma aga ng hindi ko nadatnan sa tabi ko si Ivan. Nagtaka ako dahil masyado pang ma aga para umalis siya sa kama kaya napagdesisyonan kong bumaba at hanapin siya.

Madilim pa sa labas, pero bukas na ang ilaw sa bandang kusina. Nakita ko agad ang anino ng Isang lalaki kaya dahan dahan akong lumapit para mas makilala siya, ng bigla siyang nagsalita.

' eliminate them ' Ivan said.

" Yes boss " the other guy answered.

' make sure to clean this mess in an appropriate way '

" Ipapatapon po namin sa dagat ang mga katawan, para walang ebidensya"

' tangina, nag iisip kaba? Pag sa dagat mo tinapon gaano ka kasiguradong hindi lulutang '

" Pasensya na boss "

'  sunugin niyo ' pagkatapos niyang sabihin yun ay tumalikod na Siya sa kausap Niya.

Habang ako naman ay aligagang nagmamadali pa akyat sa taas.

Hindi pa rin ma absorb ng utak ko yung narinig ko. Tao yung pinag uusapan nila, hindi basta basta yung inuutos niya.

Natatakot man ay pumasok ako sa kwarto at nag tungo sa Cr, naghilamos ako at nagbabakasakaling panaginip lang ito pero hindi.

Matagal akong naka titig sa salamin ng may biglang pumasok. Sinubukan kong hindi kabahan habang kaharap siya.

' kanina ka pa gising? ' tanong niya na parang naniniguro

" ahh, h-hindi kakagising ko lang "

' what did you heard? Tell me '

" A-anong sinasabi mo ? "

' tell me, what did you heard? '

" W-wala, kakagising ko lang diba "
sinusubukan ko talagang hindi kabahan pero nauutal pa din ako dahil sa aura niya.

' I'm giving you the last chance to tell me, and I swear if you don't say anything you will regret it. '

" Wala naman akong sasabihin dahil wala naman akong narinig " pakikipagtalo ko pa, bagay na sana ay hindi ko na lang ginawa.

Pagkatapos kong hindi magsabi ng totoo ay bigla niya na lang akong kinaladkad pababa. Halata sa mukha niya ang galit at pagkainis.

' you chose this ' after niyang sabihin yun ay bumalik na sya sa itaas at malakas na isinarado ang pinto.

Sumikip ang dibdib ko sa lakas ng pagkakasara kasabay ng emosyon na hindi ko maintindihan.

Nang pumunta ako sa sala ay napagtanto kong alas dos pa lamang. May tatlong oras pa ako para matulog, at sana bukas ay okay na ang lahat.

Nagising ako ng maramdaman kong may malamig na tubig ang dumapo sa balat ko. Gulat na may halong pagkainis ang naramdaman ko ng makita si Ivan sa harapan ko na may hawak na pitsel na wala ng laman.

' wake up you sleepyhead '

" Ano bang pumasok sa isip mo para buhusan ako ng tubig hah "

' don't talk to me the way you want '

" Pinagsasabi mo, ang aga aga panira ka " iritang sagot ko. Ikaw ba naman natutulog tas bigla kang bubuhusan ng malamig na tubig. Sinong di iinit ulo don.

Padabog akong naglakad papuntang kusina, pero napahinto na lamang ako ng maramdaman ang malakas na pagbatok ng pitsel sa ulo ko.

' I told you not to talk back, pag inulit mo pa ang pagsagot sagot sakin, sisiguraduhin kong yung vase na ang tatama diyan sa bunbunan mo '

My Wife Unknown Suffering Where stories live. Discover now