Chapter 20

199 3 0
                                    

- Flashback -

Six years of being in a relationship and we're still holding each other.

' Love, anong gusto mong gift sa birthday mo? '

" Joaquin, I don't need a gift okay? alam mo naman na ikaw lang sapat na "

' Vernie Eunice, magsabi ka na please. Kahit now lang magsisikap akong mabigyan ka ng magandang regalo '

" Hmm!! maybe a simple hoodie will do. Marami non sa Divisorya, mas mura pa, don ka na lang bumili okay. "

' Bat ka ganyan? '

" What do you mean? "

' You're always selfless, pagdating sakin laging gusto mo better yung gifts mo, gusto mo branded yung ibibigay mo sakin. Laging ikaw na lang yung nagbibigay, pwede bang ako naman? '

" Love, maybe time will come and it will be your turn. Hayaan mong ako muna ang mag gave sa relationship na toh okay? Always remember I love you at kahit anong mangyare wala kang maririnig na sumbat sakin dahil kusa kong binibigay lahat para sayo "

' Eunice, sana alam mo kung gano ko ka thankful na meron akong ikaw. Kung tutuusin marami namang iba dyan, marami namang gwapo na may mga sinasabi sa buhay ang naghahabol sayo pero andito ka pa rin, pinagtyatiyagaan ako '

" IVAN JOAQUIN, stop pulling yourself down. Kita mo ng grabe kita mahalin tas sinasaktan mo lang sarili mo dahil sa mindset mo. Look, I don't care how good looking other guy is, I'm only into you so be proud "

' I'm always proud of having you, knowing that you're mine alone. At bago pa magkalimutan so final na talaga yung hoodie? wala ka na bang ibang gusto? '

" Ang kulit mo talaga, I don't need anything okay? Coz for me, you're already my everything "

' Trying hard bumanat love ah '

" Daming reklamo, kiligin ka na lang please "

' sige na nga kahit corny, pwede na rin, ang importante mahal mo ko '

" Naman!!, I always love you at walang makakapagbago nun "


****

' Happy Valentine's to my one and only Lablab '

" Happy Valentine's din Joaquin ko "

' One simple gumamela for my life, at tulad ng dati pinitas ko lang yan sa tabi-tabi dahil wala kong pangbili '

" Shhh!!! alam mo naman na gustong gusto ko tong gumamela na toh diba?"

' Wala ka naman kasing choice :( '

" Ayan ka na naman, lagi ko naman sinasabi sayong hindi ko kelangan ng bouquet diba..ang mahal mahal nun tapos hindi pa nakakain "

' Alam mo kahit hindi mo sabihin nakikita ko sa mga mata mo na sa tuwing may makikita tayong couple lagi mong tinitingnan yung babae na
may hawak na bouquet at chocolates tapos sinusundan mo pa ng tingin tuwing papasok sila sa mamahaling resto. Alam kong hindi mo kailangan ng ganun pero naintindihan din naman kita kung gusto mo maranasan yung mga bagay na yon. You're a woman and you deserve to be treated right. '

" Stop overthinking love, oo inaamin ko hindi ko maiwasang mag isip na what if may kaya ka? Siguro dinadala mo din ako sa mga mamahaling restaurant at hindi basta sa Street food corner lang pero alam mo ba hindi naman importante yung mga materyal na bagay at hindi nasusukat sa pera ang pagmamahal natin sa isa't isa. And maybe someday you can finally treat me anywhere. Malay mo, pag yumaman ka hindi lang resto sa Philippines yung mapupuntahan natin, may possibility na dumayo tayo sa Thailand just to eat lunch diba...what a wonderful life. "

My Wife Unknown Suffering Where stories live. Discover now