Chapter 4

223 6 0
                                    

Matagal ako bago matauhan sa sinabi niya , hindi pa rin ma absorb ng utak ko ang revelation niya. Nagkamali lang ba ako ng dinig o sadyang naguguluhan pa rin ako .

' I am your what ?? ' i asked .

" You're my wife "

' Nagbibiro ka lang diba ? ' hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin matanggap kung asawa ko nga siya .

" Damn you , until now pinapamukha mo pa rin na ayaw mo sakin . May pera na ako ngayon Eunice , yun lang ba talaga habol mo kaya ka nag pakita ulit "

' I don't remember you '

" I know you would say that " he smirked like he was expecting my answer would be the same .

' N-naaksidente ako , I w-was in coma for almost  eight months . At nang magising ako , wala akong matandaan kahit isa '  paliwanag ko.

" Sayang , Bakit hindi kapa natuluyan ? " he was staring at me with no emotion .

' H-hindi ko din a-alam eh. Maraming beses ko na din yan tinanong sa sarili ko simula ng magising ako . B-bakit pa ko n-nabuhay ? . B-bakit kailangan ko pa harapin ang panibagong umaga ng mag isa ? . B-bakit pa ko binigyan ng panibagong pagkakataon kung pwede n-naman hindi na . '

" Maybe he gave you another chance to make things right . Bakit hindi mo umpisahan sa pag tanggap sa lahat ng galit ko . Hayaan mo kong saktan ka physically , and emotionally para maranasan mo kung anong sakit ang pinagdaanan ko nung iwan mo ko "

' Do you think , I deserve it ? '

" Yes , and you deserve more than that . Honestly my bitch wife , I would love to kill you right now "

' Do it , then '

Bigla niya na lamang ako sinakal , at sa sobrang higpit ay nauubusan ako ng hininga . Tumingin ako ng diretso sa mata niya para malaman
kung kahit konting awa meron man lang ba siya pero wala . Masyadong matalim ang tingin niya sa akin at para bang tototohanin niya nga yung sinabi niya na papatayin niya ako.

I pull myself together to control my emotions , kasi konting mali ko lang alam kong lalabas lahat ng sakit na matagal kong kinimkim .

Mas hinigpitan niya ang pagkakasakal sa akin na para bang ina abangan niyang mag maka awa akong tumigil na siya . Pero kasalungat non ang ginawa ko .

' I-is i-it really t-that h-hard t-to k-kill m-me ?' nahihirapan kong tanong .

Bigla niya na lamang akong binitawan na para bang may epekto sakanya ang sinabi ko . Habol ko ang pag hinga ko habang siya naman ay nakatingin lang sakin .

" It woudn't take a second to shoot your head "

' A-alam ko . I am worthless , nobody will mourned if I die now '

Pagkatapos kong sabihin yun ay hinila niya ako palabas ng mansyon , tinulak niya ako sa may garden at sinarado ang glass door . Iniwan niya ako sa labas at sinigurado niyang hindi ako makakapasok .

Ang ganda naman ng buhay ko , wala na ngang ma ayos na tulugan don sa bodega . At ngayon naman sa garden ako matutulog . Siguro nga deserve ko ito .

Medyo malamig dito sa labas , at wala man lang ako kahit jacket na suot . Nasa gilid lang ako ng glass door at nag aabang na baka may katulong pang gising na pwede kong hingan ng tulong para makapasok.  Pero sa kamalasan ko ay meron mang lumabas pero hindi rin naman ako pinansin .

Tinanggap ko na lang na dito ako matutulog ngayong gabi . Nahiga na ako sa malamig na marble at ginawa kong unan ang braso ko .

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at bigla na lang nagising ng biglang bumuhos ang malakas na ulan na may kasabay na malakas pag kulog.

Basang basa ako sa sobrang lakas ng ulan , mas lalo akong nilamig dahil sa simoy ng hangin . Naghanap ako ng masisilungan pero walang angkop na lugar ang pwede sakin kaya nanatili na lang ako sa gilid ng sliding door .

Iniyuko ko na lamang ang aking ulo at niyakap ang sarili , ganun ang pwesto ko hanggang humina ang ulan . Pansin ko ding madali ng mag liwanag kaya tumayo na ako at nag abang sa mag bubukas ng mga pinto .

Simula kagabi pa ako nababad sa ulan kaya namumutla na din ang mga labi ko at nanginginig na ang katawan ko .

Nasiyahan ako ng biglang bumukas ang front door , pero nawala ang ngiti ko ng tumambad sa harapan ko ang nag pakilalang asawa ko daw.

Nahalata kong nagulat siya ng makita ako sa gantong lagay ko , pinasadahan niya ako ng tingin at parang may nakita akong konting pag alala sa mga mata niya .

' Get inside '

Yumuko lang ako at tuloy tuloy na pumasok , dumiretso ako sa kwarto ko para kumuha ng damit na pamalit . Agad agad akong nag banlaw at hinayaan ko lang ang warm water na dumaloy sa katawan ko .

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa kusina para maghanda ng agahan . Napag desisyonan kong magluto ng chicken soup , rice , bacon and egg .  Ng matapos na ako sa paghahanda ay hinain ko na ito sa hapag kung saan nakaupo ng prente ang boss ko . Nakatitig lang siya sa bawat kilos ko .

Pinag timpla ko din siya ng paborito niyang kape , dahil parang ito ang inaantay niya . Samantalang ako ay nilalamig pa rin , masama na ang pakiramdam ko pero kailangan kong kumilos dahil trabaho ko toh.

" Kain na po kayo sir "

' Give me some soup '

Agad akong kumilos para lagyan ng sabaw ang mangkok na nasa tabi niya , pero sa panghihina ko ay nabitawan ko ang mangkok , dahilan para matapunan ang formal suit niya .

Hindi ko inaasahan na sa konting dumi sa suot niya ay ibubuhos niya sa akin ang mainit na sabaw . Hindi pa siya nakuntento ay kinuha niya ang mas malaking mangkok na may mainit na sabaw at ibinuhos iyon sa pag mumukha ko . 

' Napaka walang kwenta mo talaga , simpleng pag lalagay na lang ng sabaw , palpak kapa . '

" I-im s-sorry , h-hindi ko naman sinasadya "

Sa paghingi ko ng tawad sakanya ay nakatanggap ako ng malakas na sampal na naging dahilan ng pagputok ng labi ko at halos nalalasahan ko na din ang sarili kong dugo .

Binabawe ko na yung sinabi ko kanina , akala ko may pag aalala siya sakin pero wala pala . Siguro imahinasyon ko lang yun na nais kong magkatotoo.

' You're fucking stupid , wala ka talagang silbi '

" P-please s-stop saying those words to me " . Pagmamaka awa ko . Kahit nahihirapan akong magsalita pagkaharap siya ay sinikap ko pa rin na wag tumulo ang luha ko pagka harap siya.

' Why ? Kasi nasasaktan ka? Totoo naman diba? . Eunice wala kang kwenta , wala kang alam kung hindi ang umasa sa iba . Diba nga hindi ka nakatapos ng college kasi tanga ka . At ang malala pa ay pinagpalit mo yung pag aaral mo sa fourth year . Pumunta ka ng Manila para mag trabaho sa isang high end club house . A lot of men fucked you . You're disgusting . '

" T-tama na p-please , t-tama n-na . "
Pakiusap ko sakanya dahil hindi ma absorb ng utak ko ang mga pinagsasabi niya . Sumasakit na din ang ulo ko sa kakaisip kung totoo ba lahat ng binibitawan niyang salita .

' Pagkatapos mo kong iwan . Pinagpalit mo ako sa manliligaw mong mayaman , hinayaan kita na iwan ako dahil hindi ko matanggap yung mga sumbat mo , na hindi ko man lang mabigay ang mga luho mo . Akala ko kasi dati kuntento kana sa kung anong meron tayo , hindi ko alam na ambisyosa ka din pala. '

' Pagkatapos kong tanggapin lahat , bigla na lang kitang makikita sa isang club kung saan puro mayayaman ang nandon . You are wearing that red lingerie , and a lot of men are staring at your body.  Eunice tell me , ganon ka ba talaga ka desperada ? '

Sa dami dami ng impormasyon na sinabi niya tungkol sakin ay hindi ko na kinaya ang sobrang pagsakit ulo ko na naging dahilan ng pagkawala ko ng malay.

Bago pa man ako tuluyan mawalan ng malay ay napangiti na lang ako ng mapait sa naisip ko.

" Silly me , thinking you cared "

My Wife Unknown Suffering Where stories live. Discover now