Chapter 2

449 12 1
                                    


I don't know if he will love me the way he love Karina. Sobrang tagal na rin nila, 5 years. And we're 3 years married. I'm trying to be a good wife for him. Pero parang wala lang sakanya ang ginagawa ko. Kahit nga ang mag alala sakin ay hindi niya magawa, kahit umiyak man ako sa harap niya ng dugo, hinding hindi niya parin ako papansin.



Para akong anino na hindi niya makita kahit nasa harapan niya lang naman ako. I chase him to love back. Pero sa kakahabol ko sakanya, tignan mo nga nan ang sitwasyon kong ito. Tinitiis ko lang ng sakit, umiiyak araw-araw ng palihim. Masakit man na manatili sakanya, mananatili ako sakanya dahil mahal ko siya. I don't care if I need to chase him in hell, hahabolin ko siya hanga't hindi niya sinasabi sakin na huminto ako sa kakahabol sakanya.





Alam kong masasaktan ako sa ginagawa ko. Pero ayos lang, dahil mahal ko naman yung hinahabol ko. Handa akong magpakatanga para lang sakanya. Wala nga akong pake kung magkasama sila ni Karina, kahit na nasasaktan ako. Basta sakin siya umuuwi.





Napatigil ako sa iniisip ko ng may biglang familiar na kotseng huminto sa harapan ko. Gulat at napaawang ang mga labi ko ng bumaba ang lalaking hindi ko inaasahan.




Naka uniporme parin ito. May hawak itong payong habang nakatingin sakin ng mariin ang mga berde niyang mata. Madilim ang mukha nito at umiigting ang panga. Tumingin ito sa gilid ko at bumakas ang galit sa kanyang mga mata bago ibinalik ang tingin sakin.






Napalunok ako dahil sa klaseng tingin na binibigay niya sakin. Galit na galit ito at sobrang dilim ng mukha. Kinabahan agad ako kung may nagawa ba akong kasalanan at ganyan na lang siya kagalit ngayon.






Mabilis ang paglapit nito sakin at marahas akong hinila malapit sakanya. Bumalantay ang sakit sa mukha ko dahil sa marahas niyang paghila at ang pag hawak niya sa braso ko ng mariin.






"Hinanap kita kung saan, tapos makikita lang kitang may kasamang ibang lalaki." Galit na sabi nito at tumingin sa lalaking nasa likuran ko.






"N-nasasaktan ako, Zachary..." Mahinang sabi ko habang ngumingiwi.






"Masasaktan ka talaga!" Galit na sigaw nito ma ikinagulat ko. "Pasok sa kotse!" dagdag nito at binitawan ako.





Mabilis akong kumilos at binigay ang jacket sa lalaking estranghero bago dali daling lumapit sa kotse at pumasok. Nang maisara ko ang pintoan ng kotse, agad akong napatingin sa labas ng bintana at nakita ang pag uusap ng dalawa.





Nakita ko pa kung paano mas lalong umigting ang panga ni Zachary at hinawakan sa kwelyo ang lalaki. May binulong ito sa lalaki na ikinamutla nito. Marahas na binitawan niya ang lalaki bago lumakad palapit sa kotse na ikinaayos ng upo ko. Napalunok ako ng ilang beses at napakapit ng mahigpit sa palda ko.





Nang makapasok sa loob ng kotse si Zachary, mas humigpit ang kapit ko sa palda ko. Hindi ko inantala ang lamig dahil sa sobrang kaba sa dibdib ko. Nasa harap lang ang tingin ko at hindi tinignan ang katabi kong mahigpit na nakahawak sa manubela.






Sobrang tahimik. Walang nagsasalita samin. Hindi ko aakalain na hahanapin niya ako. Sa loob ng tatlong taon, hindi niya ako hinanap, at lalong hindi niya ako pinasakay sa kotse niya simula nung ikasal kami. Kaya nagtataka ako kung bakit nandito siya ngayon. Kinurot ko ang hita ko dahil baka nananaginip lang ako. Pero naramdaman ko ang sakit dahil sa pag kurot ko.






Nakaramdam ako ng tuwa dahil hindi ako nananaginip lang, totoong magkasama kaming dalawa ni Zachary. Natuwa ang puso ko dahil sa wakas, nakasama ko na rin siya ulit sa loob ng kotse.






Chase Of Love ( TKS #1 - Completed )Where stories live. Discover now