Chapter 8

369 11 1
                                    




Nang maihatid ako kanina ni Zachary, some students are judging me immediately because they saw me with him. I lazily rolled my eyes and listened to my professor lessons. He discussed that we need to draw our dream house and he will judge it and give us a score.




Pagkatapos mag sabihin ng prof namin 'yun, agad nitong sinabi na mag quick quiz kami. Maya mabilis kong kinuha ang half sheet of paper ko. Hindi ko na nilagyan ng pangalan dahil, mero'n na naman ang pangalan ko. Nilagyan ko na ng pangalan yung papel ko para walang manghingi. Ang yaman yaman nila tapos walang pambili ng papel, pero may pambili ng make up at inumin.





Mabilis ang pag sagot ko sa mga tanong na binigay sa'min ng prof ko. Binilisan ko talaga ang pag sagot dahil ang bilis rin mag bigay ng ibang question ang prof namin, nakakainis! Buti na lang hindi ako bobo, at may utak ako, kaya nakakasagot ako sa tanong.




Dismissed.


Pagka dismissed namin, agad nagsitayuan ang mga kaklase ko at nagsilabasan. Niligpit ko ang mga gamit ko at nilagay sa maliit kong back pack at sinabit sa shoulder ko saka lumakad palabas ng room.





Mag isa lang akong uuwi ngayon. Wala na sila Daisy at Maue pati na rin ang mga boyfriend nila, nauna na silang umalis kanina pa, dahip may date raw ang nga ito. Sabay-sabay pa talaga mag date. Sabagay, walang pasok bukas, boring na naman ang buhay ko bukas dahil may lakad silang lahat. Syempre may lakad rin ang asawa ko, dahil tuwing weekends naman sila ni Karina nag di-date. Mapapa sana all ka lang!




Habang naglalakad ako, biglang may humarang sa harap ko. Tiningala ko ito at nakangiting mukha ni Yohan ang nakita ko. Napairap ako ta tinulak ito patagilid at lumakad ulit.




"Teka Kaedy," Napatigil ako dahil sa paghawak nito sa braso ko.




"Ano?" Kunot noo ko itong binalingan. Nakangiti parin ito at parang natutuwa sa hindi mo malaman na dahilan.




"Itatanong ko lang sana kung may boyfriend ka na." Nakangiting tanong niya sa akin.



Winaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko saka siya sinagot."I don't have one" Walang gana kong sabi at tinalikuran ulit ito.





Maglalakad na sana ako ulit ng hawakan na naman nito ang braso ko, kaya napatigil ulit ako. Kaya inis ko itong binalingan."Pwede ba, tigilan mo ang kakahawak sa braso ko at gusto ko ng umuwi!" Naiirita kong sabi.




Mabilis na binitawan nito ang braso ko at napapahiyang napakamot sa ulo. "Gusto ko lang sana magpaalam na manligaw sayo."





Dahil sa narinig ko, napairap ako ng dalawang beses. I crossed my arms and looked at him coldly. "I don't have a boyfriend, but it dosen't mean that I'm accepting anyone to court me. Sorry, but I have no time for that shit." I seriously said and turn my back at him.




Malalaki ang hakbang ko habang naglalakad, makalayo lang sa lalaking yun. I don't have a boyfriend, but I have a husband. I'm loyal to my husband, even though he's not loyal to me.





Pagka labas ko sa gate ng University, may nakita akong familiar na nakatayo sa harapan ng paaralan. Nakasandal ito sa kotse niyang kulay pulang Wrangler. Habang ang dalawang mga kamay nito ay nasa loob ng bulsa at nakayuko. Para itong bagot na bagot at parang may hinihintay. Si Karina siguro ang hinihintay niya. Hindi ko mapigilan ang titigan siya. He's like a model, standing right his car. He looks so hot. I always compliment him everyday.






Naramdaman ata nito na may nakatingin sakanya, kaya bigla na lang ito nag angat nang tingin at agad nagtama ang mga mata namin. He's green eyes stared at me coldly. He lick his lower lip. Napasinghap ako dahil sa sobrang hot niya habang dinidilaan ang ibabang labi niya. Napaiwas ako ng tingin at napalunok. Ramdam ko ang boltahing bumaba sa katawan ko patungo sa puson ko.







"Kaedy," Nagulat ako dahil sa pagtawag nito sa pangalan ko. Binaling ko ulit sakanya ang tingin ko at nanlaki ang mga mata ng makitang naglalakad na ito palapit sa akin.






Inayos ko ang tayo ko at tumikhim. Tumambol ng mabilis ang puso ko at napapalunok dahil sa lalaking papalapit sa akin. His eyes piercing on me. He walked like a model. Bakit sobrang gwapo at hot niya? Feeling ko nalaglag ang invisible panty ko!






How can he be so handsome and hot at the same time! I feel like I'm the luckiest girl because he married me. But I realize something, and it hurts me. Ngumiti parin ako ng matamis rito at hindi pinansin ang sakit sa dibdib ko dahil sa naalala kong, napilitin lang palang ikasal sa akin ang lalaking kimababaliwan ng mga babae. Swerte ako dahil kasal kaming dalawa, pero malas rin naman ako dahil hindi niya ako mahal.







"Bakit nandito ka pa? Hinihintay mo ba si Karina?" I asked when he's already in front of me. Nakangiti ako habang tinanong sakanya 'yun.






Umiling ito at tinitigan ako ng seryoso."I'm waiting for you" Sabi nito na ikinagulat ko.





"Ako?" Turo ko sa sarili ko. Tumanggo naman ito at napakagat sa ibabang labi.





Bumilis ang tibok ng puso ko at parang ano mang oras ay lalabas na ito. Nagkagulo rin ang mga bulate sa loob ng tiyan ko sa tuwa at kilig. Kinagat ko ang ibabang labi at mas lumaki ang ngiti.







"Bakit mo ako hinihintay? Asan na ba si Karina?" Malawak ang ngiting tanong ko. Shit!






"Nasa bahay na nila... Gusto ko lang sabihin na hindi ako makakauwi mamaya or bukas dahil may pupuntahan kami ni Karina," He coldly said.






Yung ngiti sa labi ko ay unti unting nawala at napatitig sakanya. Yung saya na nararamdaman ko ay biglang nawala at napalitan ng pait. Namatay rin ang mga bulateng nagkakasiyahan sa loob ng tiyan ko. I'm expecting that he's waiting for me, and he want us to go home together. Pero hindi pala.





Napalunok ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko. Parang tinarak ng isang kutsilyo ang puso ko ng paulit ulit dahil sa sakit na naramdaman ko.







"S-sige, ingat kayo" Pilit ko paring ngumiti sakanya. "Mauna na ako." May ngiti parin sa labi kong sabi.






Mabilis akong lumakad at nilagpasan ito, kasabay ng pagkawala ng ngiti ko sa labi. Nakailang hakbang palang ako ng may humawak sa braso ko kaya napahinto ko. Ano ba ngayong araw at ang hilig nila akong hawakan sa braso.






"Sabay na tayong umuwi, doon rin naman ang punta ko dahil may naiwan ako sa bahay." Rinig kong sabi niya sa malamig na boses.






Nilingon ko ito na may ngiti sa labi at inalis ang kamay na nakahawak sa braso ko."Hindi na, kaya kong umuwi mag isa" Sabi ko.





Lumakad ulit ako pero napahinto rin naman ulit dahil sa kamay na humahawak ulit sa braso ko. I rolled my eyes because of irritation.






"Hindi, saba–" Winaksi ko ang kamay nitong nakahawak sa braso ko at pinutol sa sasabihin niya."Sabing kaya kong umuwi mag isa!" I said in irritation.





Nagulat ito at napaawang ang labi dahil sa naging reaksyon ko. Nakatitig ito sa mukha kong irritable habang nakaawang ang labi at gulat na gulat. Bago pa ito magsalita ulit, mabilis akong lumakad papalayo sakanya na may kasamang pag takbo, makalayo lang agad.






Legend_Arys
Don't forget to vote.

Chase Of Love ( TKS #1 - Completed )Where stories live. Discover now