Chapter 5

416 9 0
                                    













The more I chase, the more he run away from me. I was really trying to run as fast as I can. Pero hindi ko rin ito mahabol dahil sobrang layo niya na at may kasama. Sobrang saya niya, yung mga tingin niyang sobrang pagmamahal. Kumikislap din ang mga mara niya, ngumingiti sa babaeng wala naman ginawa, kundi ang ngitian lang din siya. Their love for each other is pure. Ako lang naman yung kontrabida sakanilang dalawa.




Nasasaktan akong umiwas sa dalawa at tumingin sa apat. Mababakas ang pag aalala sa mukha ng dalawa kong kaibigan, ang mga boyfriend naman nila ay seryosong tumitingin sa'kin at sa likuran ko.



"Let's go." Mababakas ko ang galit sa boses ni Maue.



"Aalis na kami" hinalikan ni Daisy ang boyfriend sa labi."Mag ta-taxi na lang kami." ngiti nito sa lalaki.



Napabuntong pa ang lalaki saka tumanggo para sumang-ayon. "Mag iingat kayo." tumingin ito sa'kin."Ingat Kaedy," tumanggo lang ako at ngumiti ng pilit.



Hinawakan ni Maue ang kamay ko at ni Daisy. "Halina kayo, umiinit ang ulo ko dito, baka may mapatay ko." sabay lingon sa likod ko at matalim ang matang nakatingin dun.





Napailing na lang ako at hindi na lumingon pa sa likuran ko at hinayaan na hilahin ako ni Maue. Iniwan namin ang mga boyfriend nila, at ang asawa ko na kasama ang girlfriend niya.


Agad na pinara ni Daisy, ang papadating na taxi. Binuksan agad ni Maue, ang pintoan ng taxi at tinulak ako papasok. Napasimangot ako, at tumawa naman ang isa dahil sa pagtulak sa akin ng kaibigan naming mainit ang ulo.




"Let's go, kailangan natin maghanap ng lalaki para sayo Kaedy!" Biglang sigaw ni Maue bago pumasok sa loob ang sinara ng malakas ang pinto ng taxi.




Nahihiya akong napatingin sa taxi driver dahil para sisirain ng kaibigan ko ang pintoan dahil sa lakas ng pagkakasara nito.




"Stop being hot headed Maue," Natatawang saad ni Daisy. "You should calm down, let me play a game." Tumingin siya sa akin at ngumisi ng nakakakilabot.




Biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa kaibigan ko na ngayon ay ngumingisi na sa akin. Kinabahan ako bigla, at napatitig sa labi niya.




"Keady, you should enjoy your life." Sabi nito at may kinuha sa maliit niyang purse. "You're pale, you should put a lipstick on your lip. Pano ka hahalikan kung sobrang pangit ng labi mo dahil sa sobrang putla." Pinahiran niya ang labi ko ng lip gloss. "Ayan, you're not pale anymore." She smiled at me sweetly. I stared at her smile. Para akong nahi-hypnotize at tumanggo na lang bigla.




"That's right!" Inabot ni Maue ang pisnge ko."You should put a light make up always Kaedy, don't make yourself ugly, because you're not!" Madiin na sabi niya at kinurot ang pisnge ko. Tumanggo ako at ngumiti sa dalawa.




Palagi na lang talaga silang anjan para sa akin. Hindi kailan man na binalewala nila ako, alam kong kaibigan nila ang tatlong lalaking yun kesa sa akin, pero palaging ako ang pinipili nilang dalawa. Lalong lalo na si Daisy, kaibigan niya ang asawa ko simula bata pa lang sila. They are childhood friends, but she always choose me not Zachary. She always support me.



Naalala ko pa ang sinabi ni Daisy sa akin, na mas gusto niya ako kesa kay Karina. Nagtataka parin ako hanggang ngayon, kung bakit. Mabait naman sana yun katulad niya, pero napapansin kong napapairap siya pag binabanggit ko ang pangalan nun.





Chase Of Love ( TKS #1 - Completed )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora