Chapter 19

460 8 2
                                    



Nagising ako. Napatingin ako sa lalaking natutulog sa malaking sofa. Taka akong napatitig sa lalaking hindi ko kilala. Nakaramdam ako ng gutom, napatingin ako sa mesang nakita ko at may nakitang madaming prutas. Mabilis akong bumaba sa kinahihigaan ko at dahan dahang lumakad patungo sa mesa.





Nakahinga ako ng maluwag ng makarating ako sa mesa ng tahimik. Baka kasi magising yung estranghero' lalaki. Agad kong kinuha ang malaking apple at mabilis na kumagat rito. Habang ngumunguya ay napatitig ako ulit sa lalaki at tinignan ang mukha nito ng maigi.





Napaawang ang labi ko ng maalala ang mukha nito. He's the one who almost bump me to his car, and the one who help me. Her cousin.





Nang maalala ko ang mukha ni Zachary. Bigla akong napatigil sa pag kagat ng apple na hawak ko at tumingin sa lalaking natutulog at sa pinto. Nang may maisip ako ay dahan dahan ako lumapit sa lalaking nakahiga at kinuha ang jacket na nasampay sa sandalan ng sofa. Napatigil ako ng bigla itong gumalaw at tumalikod sa akin.





Mabilis kong kinuha ang jacket at malalaking hakbang ang ginawa palapit sa maliit na cabinet at kumuha ng damit rito. Lahat ng galaw ko ay may pag iingat at walang ingay na ginagawa. I change my hospital dress. Last kong sinuot ang jacket. Nang matapos sa pag ayos ng sarili. Kinuha ko ang cellphone at wallet sa gilid ng hospital bed. Dahan dahan akong lumakad papalapit sa pinto.




Dahan dahan ko itong binuksan. Lumabas agad ako ng makitang walang tao sa labas. Mabilis ang naging pagkabang ko at tuloy tuloy na lumakad hanggang sa makasakay ako ng elevator. Ilang minuto ay tumunog ang elevator at sinasabing nasa unang palapag na ako. Bumukas ito, kaya agad akong lumabas at nilakad takbo palabas ng hospital.





Nakahinga ako ng maluwag at mabilis na tumago sa malaking poste ng hospital. Nakita ko kasi siya kakadating lang. Lumabas lang ako sa tinataguan ko ng makapasok na ito sa loob ng hospital. Mabilis agad akong sumakay ng taxi at sinabi ang adress ng bahay namin ni Zachary.





Ilang minuto ay huminto ang taxi sa harapan ng bahay namin ni Zachary. Mabilis akong nagbayad at bumaba agad. Hindi ko na hiningi ang sukli ko at basta na lang pumasok sa gate.






Nakaramdam ako ng kaba at parang may hindi magandang mangyayari ngayon. Winaksi ko ito at hindi pinansin. Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay at hinanap ng mga mata ko si Zachary.




Namiss ko rin siya sobra. Tatlong linggo ko rin siyang hindi nakita. Kaya sobrang miss na miss ko talaga siya. Nangungulila ako sakanya sa mga araw na hindi ko siya kasama.




Umakyat ako sa 2nd floor dahil sa tingin ko ay nandoon si Zachary. Nang makarating sa pangalawang palapag ay naramdaman ko na naman ang kaba sa dibdib ko at ang hindi magandang pakiramdam.





Lumakad ako sa pinto ng k'warto namin at nakaawang ito kunti. Lumapit ako sa pinto at napahinto ng may narinig akong mga boses.



"Ohh...Yvo..." I heard Karina's voice.


"Fuck! you're so tight baby—Ohh..." I heard Zachary's groan.





Napatakip ako sa bibig ko dahil sa narinig ko. Rinig na rinig ko ang mga ungol nila sa labas ng k'warto namin. My world stop and fell, and crushed.




My body feel numb. My heart is beating painfully. Nahihirapan akong huminga habang naririnig ang mga ungol nila ng paulit ulit. Sunod sunod na pumatak sa mga mata ko ang malalaking luha.





Chase Of Love ( TKS #1 - Completed )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora