Chapter 32

565 10 0
                                    






Naabotan kami ng gabi ni Zachary. Kumalma na rin siya, kaya heto kami nakatingin sa harapan namin. Tinatanaw namin ang paghampas ng dagat. Gumaan na rin ang pakiramdam ko, pero andito parin ang kunting sakit sa dibdib ko. Kahit na nasabi ko na sakanya ang lahat, hindi parin magbabago na hindi ko mabibigyan ng buong pamilya ang mga anak ko. I bit my lower lip.






"About the twins, how are they?" He suddenly asked.





Hindi ko siya nilingon at nakatingin parin ako sa dagat. Niyakap ko ang sarili ko at sinandal ang baba ko sa mga tuhod ko.




"Okay naman sila," Sagot ko. Humampas ang malakas na hangin sa akin, kaya mas niyakap ko ang sarili ko dahil nilalamig ako.





Madaming tinanong si Zachary sa akin tungkol sa magkambal. Katulad kung ano ang paborito nilang pagkain. Gustong laruan nila, at kahit ano pa. Sinasagot ko naman ang lahat, dahil alam kong gusto niya talagang malaman ang lahat tungkol sa dalawa.







"My birthday is coming." Mahinang boses na sabi niya. Pero rinig na rinig ko naman.





Right. His birthday is coming. Sa susunod na araw na ang birthday niya. Biglang may naisip akong magandang gawin sa birthday niya. Gusto ko rin makabawi sakanya.





Pareho kaming nasaktan sa nakaraan. Walang may kasalanan sa amin sa mga nangyari sa aming dalawa. Kundi ang taong yun ang may kasalanan kung bakit kami humantong sa ganon. Nung sinabi niya sa akin ang lahat kung bakit galit na galit siya nun at tinaboy ako dahil sa picture na nakita niya. Kung ako siguro ang nasa sitwasyon niya, siguro ganon din ang gagawin ko. Nasaktan rin siya dahil nakita niya akong may kasama ibang lalaki sa kama at naka hubo't hubad pa. Sinong hindi magagalit dun.





Naisip ko rin na kug hindi nangyari sa amin ang nangyari nung limang taon na ang nakakaraan. Hindi ako nagung ganito katapang, at hindi ko rin nakayanan na tumayo sa sarili kong mga paa. The past give us a lesson. That's why we learned. I learned to love myself. I learned not to chase the love if it's not for me.





"Pupunta ka ba sa birthday ko?" Tanong niya sa akin. Hindi ako nakasagot. "I-isama mo ma rin ang mga bata." Dagdag niya pa.





Napabuntong ako. "Hindi ako makakapunta, may ibang project pa kasi akong gagawin sa mga araw na 'yan at sa Cebu yun." Tumingin ako sakanya.





Bumagsak ang mga balikat niya. Pero nakangiti naman itong nakatingin sa akin. His gentle stare, it's like I'm the most fragile person in his eyes. Kaya ganyan na lang siya makatingin sa akin.






"Siguro kinabukasan pagkatapos ng birthday mo, magkita tayo. Isasama ko ang kambal." Sabi ko sakanya.





Actually. Pupunta naman talaga ako sa birthday niya kasama ang kambal. Pero hindi ko sasabihin sakanya na pupunta kami dahil may naisip akong magandang gawin.





"Okay," Napipilitang sabi niya habang nakangiti. "Excited rin akong makilala ng magkambal." His eyes twinkle in happiness. I saw longing in his eyes to.







"Okay," Tumayo ako at pinagpag ang pwetan ko. "Uwi na tayo, baka hinahanap na rin ako ng kambal" Sabi ko. Kahit na ang totoo ay tulog na ang mga bata, nag text sa'kin kanina si Kuya Kavin na pinatulog niya na ang dalawa.





Tumayo na rin siya. Kaya lumakad na ako at sumusnod naman siya sa akin. Tahimik lang kaming naglalakad patungo sa mga kotse namin. Huminto lang ako ng nasa tabi na ako ng kotse ko. Tumingin ako sakanya, medyo nagulat pa ako dahil nakatingin rin pala ito sa akin habang nakaupo sa ulohan ng kotse niya. Tumikhim ako.





Chase Of Love ( TKS #1 - Completed )Where stories live. Discover now