Chapter 18

470 8 0
                                    





Nakaramdam ako ng pananakit sa katawan ko. Hindi ako gumalaw dahil sobrang sakit talaga ng buong katawan ko. May naririnig akong mga boses. Hindi ko dinilat ang mga mata ko at nakinig lang sa dalawang taong nag uusap.




"I found her to in the middle of the night Zona."Rinig kong sabi ng boses lalaki."Muntik ko pa nga siyang mabunggo."






"I'm thankful you found her, you cam leave now."Rinig ko ang boses babae. Napakunot ang noo ko dahil sa familiar na boses ng babae.





Narinig ko na lang ang pag bukas at pagsara ng pinto. Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang puting kisame. Nasa hospital ako, naaamoy ko kasi ang bango ng hospital.





"You're awake." Mabilis akong napalingon sa nagsalita. Gulat akong makita siya.






"You're here, h-how?" Nagugulohan akong napatitig sakanya.






"My men found you in the middle of the night. Buti na lang at may mission siyang pinuntahan dun, kung hindi ay hindi pa sana kita makikita." Mahabang lintaya niya at umupo sa upoan na nasa gilid ng kama ko.






Nang maalala ang nangyari. Napaiyak ako at napatakip sa mukha ko. Hindi ko aakalain na makakaligtas pa ako. Akala...Akala ko mamamatay na ako. Mas lalong tumulo ang luha ko at napahagulhol.






"Kaedy, it's okay..You're safe now, stop crying..."Rinig kong sabi nito at naramdama ko ang mainit na yakap niya.





Yumakap ako pabalik ako sakanya ng mahigpit at umiyak ng umiyak. Akala ko talaga mamatay ako kasama ang baby k–napatigil ako sa pag iyak at natigilan. Mabilis akong kumawala sa yakap niya at takot na takot na humawak sa tiyan. Nakilutan ko ang baby ko habang tumatakas sa demonyong 'yun, tumakbo pa naman ako. May nangyari banh masama sa babay? okay lang ba siya? baby, I'm sorry...






"Y-yung baby ko?" Tanong ko sakanya habang hinahawakan ang tiyan ko.





Nakita ko ang gulat sa mukha niya at napaawang pa ang labi nito."Buntis ka?!" biglang sigaw nito ng marealize ang sinabi ko.






I nodded and cry."Anong sabi ng doctor? maayos lang ba siya ha ha?" Kinakabahan kong tanong sakanya.





Bago pa ito makasagot, biglang bumukas ang pintoan at pumasok ang lalaking doctor na may hawak hawak na papel. Ngumiti ito sa akin ng makitang gising na ako.




"You're already awake" Nakangiting sabi nito sabay baling sa kasama ko."You're still here Zona." Tanong ng doctor sa kasama ko. Napakunot ang noo ko dahil sa pangalan na tinatawag nila sakanya.





"Zona?"Nagugulohan kong tanong aa dalawa palipat lipat ang tingin. Kanina ko pa naririnig ang Zona na 'yan.






"He's my cousin and he's calling me Zona. I will explain later. Let's hear him first."Mabilis na sagot niya sa akin. Bumaling ito ulit sa doctor."What's her condition? and the...the baby's condition."Humina ang boses niya sa huling sinabi.





Napatingin na rin ako sa doctor. Bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ng takot baka kung ano ng nangyari sa baby ko dahil tumatakbo ako nung tumatakas ako sa demonyong yun.







Sumeryoso bigla ang doctor at tinignan ako. Mas lalong kumabog ang dibdib ko at takot sa sasabihin ng doctor.





Tumikhim muna ito bago nagsalita."Your condition is fine. Pagod ka lang kaya nag passed out ka, maliban sa pisnge mo na may galos. Pero 'wag kang mag aalala, dahil nilagyan na naman ng cream yan para hindi masyado mamaga. Ang kailangan mo lang ay ang magpahinga ng isang araw at okay ka na."Pagsasalita nito about sa akin.






Chase Of Love ( TKS #1 - Completed )Where stories live. Discover now