Chapter 10

443 10 3
                                    






We can be madly in love with someone who doesn't want us. Like how I chase the man who doesn't want me. Tumalikod ako at mabilis na tumakbo palabas ng tambayan namin ni Zachary. Patuloy paring umaagos ang nga luha ko habang tumatakbo palapit sa kotseng dala ko.




Pumasok agad ako sa loob ng kotse at tinapon sa kabilang upoan ang bag ko. Sobrang sakit ng dibdib ko. Yung puso ko ay paulit ulit na hinihiwa. Hinampas ko ng malakas ang manubela at napasabunot sa sariling buhok. My heart is tearing up, I can't breathe properly because of the pain that I'm feeling right now.



Sana...Sana hindi na lang ako pumunta rito. Sana hindi ko na lang naisip na dito ako magpapalipas ng dalawang araw. Kung hindi sana ako pumunta rito, hindi ko dapat nakita ang dapat na makita para madurog ang puso ko.




Napatingin ako cellphone na hawak ko ng marinig ko ang boses ni Daisy sa kabilang linya. Nakalimotan kong patayin ang tawag kanina dahil sa gulat at sakit na nasaksihan.


[ "Kaedy! may nangyari ba? anong nakita mo?" ] Sunod na sunod nitong tanong sa kabilang linya.



I wiped my tears away. Tumikhim ako bago nilagay ulit sa tenga ko ang hawak na cellphone ko."It's nothing" Napalunok ako dahil muntik ng mabasag ang boses ko.




Ayokong mag alala sa akin si Daisy. Kung ano man 'yung nakita ko, sa akin na lang yun.



["Ano nga? 'wag kang magsinungaling sa'kin."] Naging seryoso ang boses nito sa kabilang linya.



"Wala nga. Papatayin ko na ang tawag, may gagawin pa ako, bye!" Mabilis kong binaba ang tawag at tinapon ang cellphone sa dashboard.




Napasandal ko sa upoan at napakagat ng labi. Mariin akong pumikit ng maalala kung paano gumalaw ng mabilis si Zachary sa ibabaw ni Karina. Rinig na rinig ko pa ang mga ungol nila. Napaiyak ako at napahagulhol. Sobrang sakit ng dibdib ko, hindi ko alam na ganito ka sakit na makita silang dalawa na nag iisang katawan.



Napatakip ako sa bibig ko at umiyak ng umiyak. Sobrang sakit...Parang gusto ko na lang magpaturok ng anesthesia sa puso para hindi ko na maramdaman yung sakit sa dibdib ko. Pinaandar ko ang kotse at mabilis na umalis sa lugar na yun na magiging bangungot na ata sa akin.



Hindi ko alam kung saan ako patungo, basta ang gusto ko lang ay makalayo sa lugar na yun. Patuloy na bumubuhos ang
mga luha ko. Nanlalabo na rin ang mga mata ko dahil sa pag iyak. Biglang bumagsak ang malakas na ulan. Nakahalata ata ang langit sa nararamdaman ko kaya dinadamayan ako sa sakit ng dibdib ko.




Hininto ko ang kotse sa lugar na sobrang tahimik at sa tingin ko ay hindi masyadong dinadaanan. Sobrang dilim na rin ng palagid, yung ilaw lang ng kotse ang nagsisilbing ilaw sa daan.




Gusto kong isigaw lahat ng sakit sa dibdib ko, dahil sobrang bigat na nito at hindi ko na kayang pasanin. Lumabas ako ng kotse at agad akong nabasa ng ulan. Tumingala ako sa langit habang umiiyak.



"TANGINA MO ZACHARY ROQUERO!" Sigaw ko at malutong na minura ang asawa ko.


"Ang sakit sakit..." Humawak ako sa dibdib ko at napaupo."Minahal lang naman kita, pero.. pero bakit ganito..." Sumsabay ang agos ng luha ko sa ulan na tumatama sa mukha ko.




"Ang gusto ko lang ay mahalin mo rin ako, pero bakit ako nasasaktan ng ganito..."Humina ang bosee ko."Ginawa ko naman lahat diba?" Nabasag ang boses ko sa huling sinabi ko at iniyak ang sakit sa dibdib ko.



Wala akong pakialam kung magkakasakit na naman ako ulit. Dahil nasasaktan ako ng sobra. Hindi ko alam kung deserve ko bang masaktan or hindi. Then I realized that I don't deserve this kind of pain.


All I did is to love him with all my heart. I love him to the point na hinahayaan ko lang na saktan niya ako, pero ang makita sila na ginagawa ang ginagawa ng mag asawa ay hindi pwede yun. I feel betrayed. How dare them to hurt me like this. Pa'no nila nagawang magpakasarap kung alam nilang dalawa na may masasaktan sa ginagawa nila. Pa'no kung mabuntis si Karina? Kumirot lalo ang puso ko at nanlumo dahil sa naisip.



Hindi pwede yun...Napayuko at napailing ako at humikbi. Pa'no na lang ako? kung may mabubuo dahil sa ginawa nila, pa'no ako? sign na ba to sa akin ng langit para sumuko na? Mas lalo akong napaiyak at pinalo palo ang dibdib ko dahil nahihirapan akong huminga.





Nanlalamig na na ako. Nanginig ako buong katawan ko dahil sa lamig. Tumayo ako at tumingala sa langit. Bakas sa mukha ko ang sakit habang tinitigan ang langit.






"MABAOG KA SANANG HAYOP KA!" Galit at may kahalong sakit na sigaw ko.






Binuksan ko ang pinto ng kotse gamit ng nanginginig na kamay ko. Pumasok agad ako at umalis sa lugar na yun at bumyahe pauwi sa bahay naming dalawa.






Kinabukasan, nagising akong namamaga ang mga mata dahil sa kakaiyak ko kagabi. Iniyak ko talaga lahat ng sakit sa dibdib ko at hinayaan ang sarili na mag luksa sa pusong kong namatay dahil sa lalaking mahal ko.







I stared myself in the full length mirror. I saw a pathetic girl amd weak. She's not me. The Kaedy I know is not pathetic and weak. Hindi niya rin hinahayaan na saktan siya at kinakawawa.






My eyes become emotionless. Inayos ko ang sarili ko at tinignan ang kabuohan ko. Hahayaan mo na lang bang masasaktan ka na walang laban Kaedy?





Umalis ako sa harap ng salamin at tumungo sa mga damitan ko at nag bihis ako. Sinuot ko ang binili kong damit nung isang araw. Pinili kong suotin ang off shoulder fitted red dress na hanggang hita ko lang. Kitang kita ang mahaba at maputi kong hita. Sinuot ko rin ang red stiletto na hanggang tree inches. Nag lagay na rin ako ng light make up sa mukha. Tinignan ko ang replaksyon ko sa salamin at nakita ang dating Kaedy. Ang babaeng matapang ang personolidad.






Lumabas ako ng kwarto bitbit ang maliit kong sling bag. Mabilis akong bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ng gate ay agad kong pinara ang taxi na dumaan. Agad kong binuksan ang pintoan ng taxi at mabilis na pumasok sa loob.





"Dalhin mo ako sa alam mong parlor kuya." Agad kong sabi sa driver. Tumanggo naman ito sa akin bago sinimulan na paandarin ang taxi.








Tinignan ko ang message inbox ko ng makita ang napakaraming text message ni Daisy at Maue. Hindi ko muna ito binuksan dahil alam kong magtatanong lang naman ang mga ito. Napabuntong hininga ako at sumandal. Pinikit ko ang mga mata ko at naalala ko na naman ang nakita ko kagabi na gusto kong kalimotan.






I am tired. I'm tired chasing him. I do love him, but I need to rest my heart. The pain that I'm feeling yesterday and now is slowly killing me. Ayoko munang mag habol sakanya, dahil nakakapagod na. I realized that he's just hurting me and slowly killing me. He's dangerous for my heart. Kailangan kong palibotan ng malaking pader sa puso ko, dahil kung hindi, ay mas masaktan lang lalo ako, at baka ikamatay lalo ng puso ko. I need to save my heart from him, bago pa mahuli ang lahat.







Legend_Arys
Don't forget to vote.

Chase Of Love ( TKS #1 - Completed )Where stories live. Discover now