Chapter 33

523 10 3
                                    

Last 2 chapters! Matatapos na rin sa wakas ang storyang ito. I hope you enjoy reading this!

_________________________





Naglagay ako ng light make sa mukha ko. Pang huling nilagay ko ay ang mapulang lipstick sa labi ko. Tinignan ko pa ng maigi ang mukha ko, at nang makuntento ay ngumiti ako. Ngayon lang ulit ako naglagay ng make up sa mukha ko, matagal na ako hindi nakapag ayos ng ganito.






Tumayo ako at lumapit sa full length mirror. Tinignan ko ang kabuon ko at napangisi ng makita ang buong itsura. Perfect! I wear a backless red dress. Hapit na hapit ito sa katawan ko, kaya kita ang kurba ng katawan ko. Hanggang hita lang rin ang dress na suot ko, kaya expose na expose ang maputi at mahahaba kong legs.




I picked my small purse. Lumabas ako ng k'warto at bumaba. Dahil naghihintay na sa akin ang magkambal ko. Habang nasa hagdan pa ako, nakita ko agad ang dalawa na busy sa pagtingin sa mga sarili nila. Nakita ko rin si Kuya Kavin na ngumingiti sa dalawa, at tuwang tuwa sa imahe ng kambal.



Nang makababa ako, agad napatingin sa akin ang tatlo.


"Mommy, you're so pretty!" Namamanghang sambit ng anak kong si Zaedy.



I smiled at my little princess. "You too baby"




"You're stunning Mom," Zacer said while staring at me softly.




"I know baby," I winked at him.



"Beautiful..." Manghang mangha na tumitig sa akin ang pinsan ko.




Ngumisi lang ako sa pinsan ko at nilapitan ang dalawa.




"Let's go." I said.




Nagpaalam muna kami kay Kuya Kavin bago lumabas ng bahay. Pagkalabas namin ng bahay, bumungad agad samin ang kotse, kaya agad kong pinagbuksan ang dalawa ng pinto sa backseat at pinapasok sila sa loob. Pagkatapos ko silang maipasok at agad akong umikot at pumasok sa driver seat.





"I'm excited to finally meet our Daddy, Mommy!" Pagsasalita agad ni Zaedy ng makapasok ako sa loob ng driver seat.




"Me too Mom," Zacer said. Mababakas rin ang excitement sa boses nito.






"Yung pinag usapan natin okay?" Sabi ko sa kambal.




They both nodded. Napailing na lang ako dahil sa sobrang excited nila. This is the right thing to do. I know I've been selfish for 5 years. Pero nasaktan lang ako nung mga panahon na 'yun. Alam kong nag usap na kami ni Zachary, tungkol sa nangyari. Pero andito parin yung sakit na binigay niya sa akin 5 years ago. Pinilig ko ang ulo ko at winaksi ang mga inisip. Ang dapat ko munang isipin ngayon ay amg surprise na gagawin namin ng mga anak ko.





Pinaandar ko ang kotse at nilisan ang bahay namin at bumyahe patungo kung saan ang mansion ng mga Roquero. Ilang minuto rin ang binyahe namin bago kami nakarating. Andaming mga kotseng nakapark dito sa labas ng mansion ng mga Roquero. Humanap ako ng mapaparkingan, nang makakita ako ay agad kong pinark ang kotse.





I licked my lower lip. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ng parents ni Zachary pag nakita ang kambal. Lalong lalo na ang dalawang kapatid niya. Napabuntong muna ako ng malalim saka bumaba at binuksan ang pinto sa likuran at pinalabas ang dalawa.





Nang makababa ang dalawa. Rinig ko ang pag singhap ng dalawa.




"Is this my Daddy's house Mommy?" Nanlalaking tanong ni Zaedy sa akin.





Chase Of Love ( TKS #1 - Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon