Chapter 9

393 10 5
                                    






Bumagal ang mga paa ko sa paglalakad ng makalayo na ako sa paningin ni Zachary. May namumuong luha sa gilid ng mga mata ko. Napakagat ako ng ibababang labi at tumingala sa langit upang hindi tuloyang mahulog ang mga luha ko.




Napalunok ako ng ilang ulit at napahawak sa dibdib ko dahil sobrang sakot nito. Subokan ko mang hindi maging apektado dun, hindi ko parin maiwasang masaktan. Gaga ka kasi! Tanga mo! Umaasa ka pa kasi gaga ka!





Sanay ako sa mga lakad nilang dalawa, pero ito yung unang beses na hindi uuwi sa akin si Zachary dahil may pupuntahan silanh dalawa ni Karina. Akala ko talaga kanina, hinihintay niya ako dahil gusto niya akong isabay pauwi sa bahay, dahil okay naman kaming dalawa. Pero akala ko lang pala 'yun, sasabihin lang pala sa akin na hindi siya makakauwi mamayang gabi dahil may lakad sila at 'yun ang hindi ko alam kung saan sila pupunta.





Naiinggit ako, sobra...Kasi kahit isang beses, hindi niya ako inayang lumabas sa labas na kasama siya. Palagi na lang silang dalawa ni Karina. Sino ba naman kasi ako? Asawa niya, asawa sa papel. Nakaramdam ako ng lungkot at sakit. Sanay naman ako sa sakit, pero minsan ay napapaisip ako na bakit kailangan ko pang magtiis sa ganito kung pwede naman akong kumawala at sumuko na lang sakanya. But I really do love him. I love him to the point that I'm being stupid. It is because I'm hoping that he will love me someday. Pero walang kasiguragohan kung mamahalin niya ba ako at worth it tong pagpapakatanga ko.






Alam kong madaming masasabi ang ibang tao pag nalaman nila na ganito ako ka tanga at ka bobo dahil hinayaan ko man lang ang asawa ko sa gusto niya. Siguro dahil kasalanan ko naman kung bakit ako nasa sitwasyon na 'to Ginusto ko naman 'to, kaya panindigan ko.






Mamahalin at hahabolin ko siya hanggang sa mapagod ako at maubos, at tuloyan ng sumuko sakanya. For now, kakayanin ko muna ang sakit na binibigay niya sa akin dahil ginusto ko naman ito. Saka lang ako susuko pag wala na talaga.





Gabi na ako ng makauwi sa bahay naming dalawa. Nililibang ko kasi ang sarili ko kaninana sa paglalakad para makalimotan ang sakit. Pero nang makauwi ako sa bahay namin, bumalik ulit ang sakit sa dibdib ko.





Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid mg bahay namin. Masyadong tahimik at wala akong maririnig na kahit anong ingay, mga yapak sa paa ko lang ata ang naririnig. Kahit sa bahay na ito, wala akong alala na naging masaya ako kasama siya. Meron pala, sa k'warto namin at kusina, pero 'yun lang at wala ng iba.





I sighed. Umakyat ako sa itaas at nakita ko agad ang k'warto naming dalawa. Nag iisa lang ang k'warto sa floor na 'to. Parents ko at parents ni Zachary ang nagpagawa sa bahay na to. Ginawa nila ito para sa'ming dalawa at sinadya talaga na isang k'warto lang ang ilagay para maging mas malapit kami sa isa't isa at makabuo raw kami ng apo nila.





Napailing na lang ako at napatawa ng mapakla at pumasok sa loob ng k'warto. Makakabuo ba kami kung hindi naman hinahayaan ni Zachary na may mangyari sa amin. Nung sinubokan ko ng isang beses na gusto ko may mangayari sa amin sa k'warto namin, ay nagalit lang ito sa akin at hindi tumabi sa akin matulog. Kaya hindi ko na sinubokan na ulit dahil baka masuntok na lang ako bigla nun dahil sa galit. Naalala ko pa ang sinabi niya sa akin nun.





"You! Stop saying that!" Nang gagalaiti sabi sa akin ni Zachary at matatalim ang mata nitong nakatingin sa akin."Mahiya ka naman sa sarili mo, talagang ikaw pa ang nagsasabi na gusto mong may mangyari sa atin." Umigting ang panga nito."You're not Karina, so bakit ako makikipag sex sayo kung hindi ikaw ang mahal ko. You're not worthy to taste. Stop being a bitch!" Galit na galit ito at naglakad palabas ng k'warto. Napatalon pa ako sa gulat dahil sa malakas na pagkakasara ng pinto ng k'warto namin.







Chase Of Love ( TKS #1 - Completed )Where stories live. Discover now