Chapter 3

404 11 1
                                    


Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at bumungad sa'kin ang napakaga gwapong mukha ng asawa ko. Staring at him while his asleep, put a smile on my face.


Hindi talaga nakakasawang titigan ang mukha niya pag tulog siya. Natitigan ko lang ng matagal ng mukha niya pag tulog siya. Palagi akong ganito pag nauna akong gumising saming dalawa. Dahil alam ko pagkagising nito, hindi ko na siya matitigan ng ganito, dahil sa talim ng tingin na binibigay niya sa'kin.



Hindi ko napigilan ang kamay kong humaplos sa pisnge niya. Sana ganito lang araw-araw, yung mukha niya ang bubungad sa'kin pagkagising ko. I love watching him. Nagiging maamo ang mukha niya pag tulog, pag gising naman, para itong tigreng galit kung makatingin sa'kin.



Humaplos ang hintuturo ko sa matangos niyang ilong, pababa sa mapupulang labi nito. Sobrang perpekto talaga ng mukha niya, idagdag pa ang mahaba nitong pilik mata na daig pa ang akin.






I sigheh. I hope this will last forever. Natatakot ako sa kakahuntangan naming dalawa araw-araw. Natatakot akong gumising kinabukasan dahil baka bumungad na lang sa'kin na wala na siya sa tabi ko. Okay lang sa'kin ang magkita silang dalawang Karina, dahil girlfriend niya naman yun, basta sa'kin siya uuwi araw-araw.










Akmang babangon ako, nang mapatigil ako dahil sa brasong nakapulupot sa beywang ko. Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang napalingon sa lalaking katabi ko. Hindi ko namalayan na nakapulupot pala sa'kin ang braso niya. Dahan dahan kong inalis ang braso niya, pero mas lalo lang itong humigpit sa pagkakapulupot sa'kin na ikinasinghap ko.






"You're awake." Natigilan ako ng marinig ko ang boses niya. His bedroom voice give shivers to my body.






Natatarantang inalis ko ang braso niya at mabilis na tumayo. Tumikhim ako at tinignan si Zachary na ngayon ay pumipikit pikit pa ang mata.







"G-gising ka na rin." Nautal pa ako, kaya kinagat ko ang pang ibabang labi ko habang nakatitig sakanya.







Tuloyan ng dinilat ang mata ni Zachary. Nagtama ang mga mata naming dalawa, walang emosyon na naman ang mga mata nito. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko makayanan ang lamig sa mga mata niya.






"I'll cook our breakfast." Sabi ko at tipid na ngumiti sakanya bago tumalikod.





Akbang maglalakad ako ng mapatigil ako dahil sa humawak sa kamay ko.






"I'll cook." Malamig na sabi nito at binitawan ang kamay ko at bumaba ng kama.







Gulat akong napatingin sakanya dahil sa sinabi niya. Hindi ko kasi aakalain na paglulutoan niya na naman ako. Pangalawang beses niya na akong lulutoan kung siya ang magluluto ngayon.





"Sige." Ngingiting sabi ko. Napatingin ito sa labi kong nakangiti, bago tumingin sa mga mata ko.






Inangat bigla ang kamay niya at nilapat sa noo ko, na ikinatigil ko. Nawala ang ngiti sa labi ko at tumambol ng malakas ang dibdib ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na ikinalunok ko dahil baka marinig niya ang tibok nito.






"You still a fever." Sambit niya. "Pero kunti na lang." dagdag pa niya at mabilis na tumalikod sa'kin at agad na lumabas ng k'warto namin.








Napahawak agad ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng pagtibok nito. Sumilay ang malaking ngiti sa labi ko at tumalon talon pa dahil sa tuwang nararamdaman ko. Umang umaga, kinikilig ako!







Napatigil ako sa kilig at inayos ang sarili ng biglang bumukas ulit ang pintoan. Kunot noong nakatingin sa'kin si Zachary dahil sa biglang pag aayos ko sa sarili. Tumikhim ako at pinigilan ang sarili.








"Clean yourself then go downstairs." Malamig na sabi niya at umalis ulit.







Napahawak ako sa magkabilang pisnge ko dahil ramdam ko ang pamumula nito. Muntik na akong makitang tumalon talon dahil sa kilig! Nakakahiya pag ganon.







Mabilis ang naging kilos ko at nilinis ang sarili. Nag toothbrush lang ako at nagpalit ng damit, hindi na ako naligo dahil bawal pa, kasi nilalagnat pa ako kunti.







Maganda ang mood ko ngayon dahil ipagluluto niya na naman ako, na hindi niya ginagawa dati. Masaya akong bumaba ng hagdan at dumiretso sa kusina. Pagkapasok ko, agad kong nakita si Zachary na nagluluto. Hindi ko alam kung anong niluluto niya, pero kahit na anong luto niya, kakainin ko ito dahil luto niya naman.






"Just sit there" Mabilis ang pag tanggo ko sa sinabi nito at agad na umupo sa upoan na tinuro nito.







Titig na titig ako sakanya habang nagluluto siya. Ngayon ko lang napansin na naka sando lang pala ito, kaya nakikita ko ang nagsilabasan na ugat sa braso niya. Halatang na–, mabilis na ipinilig ko ang ulo dahil sa naisip ko. Bastos lang Kaedy.







"Stop staring at me." His husky voice lingered on my ears.







Napaayos ako ng upo dahil sa boses niya. Hindi malamig yung boses niya, nang aakit ito, pero yung mata niya, malamig. Kailan ba ako titignan niyang mga mata niya na may pagmamahal. Napaiwas ako at tumingin sa mga kamay kong nasa mesa. Nilalaro ko ito habang iniisip kung kailan nga ba niya ako titignan katulad ng pagtingin niya kay Karina.







Naglaho bigla ang saya sa buong sistema ko at napalitan ng pait. Kumirot bigla ang dibdib ko at napatulala. Napalunok ako ng ilang beses dahil sa luhang bumuo sa gilid ng mata ko.







"What are you thinking?" Biglang tanong niya sa'kin na ikinalingon ko ng mabilis sakanya.








"W-wala!" Mabilis na sagot ko at umiling habang binibigyan siya ng pilit na ngiti.







Umiwas rin agad ako at tumitig ulit sa nilalaro kong kamay. Napatigil ko sa kakalaro sa kamay ko ng makita ang singsing na suot ko. Hinaplos ko ito at napaisip.






Kung hindi kaya ako pumayag sa kasal naming dalawa, sa tingin ko silang dalawa ni Karina ang kinasal ngayon. Balak pa naman nilanh ikasal ngayon taon. Ngayong taon kasi nila napag planohan na ikasal. Alam ko yun, dahil sinabi sa'kin ni Zachary noon, magkaibigan kasi kami at sobrang close naming dalawa.






Sa'kin niya sinasabi ang tungkol sakanila ni Karina at sa pagkakasal nilang dalawa.






Balak pa ba nila ang ikasal ngayon? Makikipag annulled ba sa'kin si Zachary? Kaya inalagaan niya ako at pinagluto ngayon dahil may kapalit ang ginagawa niya at yun ay makipag hiwalay sa'kin. May bumara sa lalamunan ko dahil sa sariling tanong at iniisip.





Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa naisip ko. Bigla na lang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako bigla sa ulo. Idagdag pa ang sakit na bumabalantay sa dibdib ko na ikinabigat ng loob ko.






All I know is to save our mirrage. Kahit na hindi ko alam kung masasalba ko ba talaga ang nilalamat naming pagsasama. I can't do this alone, so I nees him to survive our mirrage, but I know he will not cooperate with me, because he's chasing someone while I'm chasing him.





I hope he will chase me the way he chase Karina to stay with him and love him. Pero alam kung hindi mangyayari yun dahil hindi ako ang mahal niya.






Hindi ganito ang inaasahan ko pagkatapos ng kasal namin. I expect to much for us, but it just lead my heart in pain. A lot of knives is directly stab my heart when he said he will never love me the way he loves his girl.





Dahil sa pag imagine ko na matutunan niya rin akong mahalin, after our wedding and live in one roof. But I just tasted living in hell with him.


Legend_Arys

Chase Of Love ( TKS #1 - Completed )Onde as histórias ganham vida. Descobre agora