Chapter 28

564 10 2
                                    




Nagustohan ng lahat ang gawa kong resort. Kaya pagkatapos ng meeting ay nagkaayaan na kumain sa labas lahat. Gustohin ko mang tanggihan na sumabay sakanila at piliin na lang na umuwi para makasama ang kambal ko, ay hindi ko magawa dahil pinilit ako ni Mrs. Alejado na sumama sakanila, kaya wala ring silbi ang pag tanggi ko.



I rolled my eyes when Zachary sit besides me. Buti na lang at walang nakakita dahil sa pag gulong ko ng mga mata.



"What do you want to eat Kaedy?" He asked me.


Nagkibit balikat lang ako sakanya at kumuha ng sarili kong menu para pumili ng kakainin. I saw in my left vision how he lick his lower lip. Napailing pa ito dahil sa hindi pag sagot ko.



I choose the meat steak and pineapple juice. I crossed my arms at hinintay na lang ang order ko. Ramdam ko ang malalim na tingin sa akin ni Zachary. Nakakailang ang tingin niya sa akin, parang matutunaw ako sakanya.




"Kaedy, you already know our engineer right?" Biglang tanong sa akin ni Mrs. Alejado.


I nodded. "Yes, ma'am." I said and smiled at Engr. Sandoval.



"That's good, kayong dalawa pa naman ang magkasama sa paggawa ng resort. Kaya kailangan niyong maging magkaibigan." Nakangiting sabi ni Mrs. Alejado.



"Ofcourse ma'am." Natatawang sabi ko. Tumawa na rin si Engr. Sandoval. Narinig ko pa ang pag singhal ng isa sa gilid ko.




"Attorney Roquero, I thought you have a client today?" Nagtatakang baling ni Mrs. Alejado sa katabi ko.





"Mamaya pa naman yun madam" Seryosong sabi ni Zachary. Lumingon ako sa katabi ko dahil sa kaseryosohan nito.



Masama ang mukha nito at dumidilim. Parang bang may ikinagagalit ito, na ikinataka ko. Ano na namang nangyari sa isang to at madilim ang mukha niya. Umiigting rin ang panga niya at mahigpit ang pagkakahawak sa basong hawak hawak niya. Kumunot ang noong kong tinitigan siya.


Naramdaman niya ata ang titig ko sakanya kaya napalingon siya sa akin. Ang madilim na mukha niya ay mabilis na umaliwalas at lumambot. Namungay rin ang mga mata nitonf nakatitig sa akin. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa biglang pagbabago ng itsura niya. Kanina ay parang may gusto siyang patayin dahil sa sobrang dilim ng mukha niya, ngayon naman ay daig pang isang tuta sa sobrang amo ng mukha.




Napaiwas ako ng tingin sakanya nang dumating ang pagkain namin. Tahimik lang akong kumakain, sumasali naman ako sa usapan ng mga kasama ko kung tinatanong at kinakausap nila ako. Yung katabi ko naman, isang tanong isang sagot. Moody!




Pagkatapos naming kumain lahat ay nagpaalam narin kami isa isa sa mga kasamahan namin. Dumiretso ako sa kotse ko at akmang bubuksan ang pinto ng may biglang humawak ng braso ko at pinigilan ako.





Napabuntong ako dahil kilala ko agad kung sino ang pumigil sa akin. Pabango niya pa lang, kilalamg kilala ko.





"What is it again Zachary?" Pagod na tanong ko.



"Let's talk" Sabi niya habang hawak parin ang braso ko.



Hinila ko ang braso ko at humarap sakanya. Walang emosyon ko siyang tinignan.


"Ano pa ba ang pag uusapan natin Zachary?" I crossed my arms.



"About us Kaedy," He said while looking at me softly.



Chase Of Love ( TKS #1 - Completed )Where stories live. Discover now