Chapter 34

555 10 2
                                    


Nakaiwas ako ng tingin sa tatlo. Kita ko ang paglabas ng parents ng triplets sa pintoan. Napalunok ako ng agad dumapo sa akin ang mga mata ng mga ito. Nanlaki pa ang mga mata ni Mom Almira, at nakita ko rin ang gulat sa mukha ni Papa Zacher. Hanggang sa lumagpas ang tingin nila na mas lalong ikinalaki ng mga mata ni Mama Almira at napaawang sa gulat si Papa Zacher.





Malakas na kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Baka kasi na disappoint sila dahil sa ginawa ko at ngayon lang nagpakita sakinila, may bitbit pang dalawang bata.




"Oh my god!" Suminghap si Mama Almira dahil sa nakita.






Mabilis na lumapit ang dalawa sa kinaruruonan namin. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Namamawis na rin ang noo ko dahil sa kaba. Hindi naman mainit, pero pinagpapawisan parin ako. Nanlalamig ang mga kamay ko at hindi makagalaw.





"Kaedy!" Agad akong niyakap ni Mama Almira.



Natuod ako at hindi nakayakap pabalik dahil sa kabang nararamdaman.





"Zachary, sino ang mga chikiting na to." Nagugulantang na si Mama Almira. si Papa Zacher naman ay seryoso na ang mukha nito, wala na ang gulat sa mukha. Nakatitig rin ito sa dalawang yakap ni Zachary.






"This is my twins Mom," I heard Zachary. His voice proud





Napasinghap si Mama Almira at gulat na tumingin sa akin. I bit my lower lip and nodded my head. Na parang sinasabi na totoo ang sinabi ni Zachary.





"Let's talk inside." Zacharias said in a cold voice.






"Kaya nga, mas mabuti sa loob natin to pag usapan." Seryosong sang ayon ni Zaccheus.





"Let's go." Dad Zacher.





Naunang pumasok ang magulang ng triplets. Sumunod na rin ang dalawa na si Zacharias at Zaccheus. Saka sumunod si Zachary hang hawak ang dalawa sa magkabilang kamay. Ako lang ata ang naiwan at nakatulalang nakatitig sa likuran nila.





Natauhan lang ako ng tawagin ako ng anak kong si Zacer. Kaya sumunod na rin ako sakanila sa loob ng mansion.




Nakatitig akong sa kamay kong nilalaro. Hindi ko kayang tumingin sa magulang ng triplets. Dahil nahihiya ako, dahil sa biglang pag alis ko noon. Nasa mahabang sofa ako nakaupo, kasama ang anak kong kambal na ngayon ay nasa magkabilang gilid ko. Tahimik lang ang dalawa habang pasulyap sulyap sa akin.




Ang mga magulang naman ng triplets ay nasa harapan namin. Habang si Zachary naman ay nasa mag isahang sofa nakaupo, at si Zacharias at Zaccheus naman ay magkatabi at nasa kanan na sofa nakaupo.





"Kaedy hija, hindi ko alam..." Biglang pagsasalita ni Mama Almira.





I bit my lower lip. Tinaas ko ang ulo ko at agad na nagtama ang mga mata namin ni Mama Almira. Tumikhim muna ako bago nagsalita.





"I can explain Mama Almira," Nahihiyang napakamot ako sa batok ko.





"Then explain hija, we'll listen." Nakangiting sabi ni Papa Zacher.






Chase Of Love ( TKS #1 - Completed )Where stories live. Discover now