Special Chapter #1

866 33 2
                                    

THIRD PERSON'POV

"Girlfriend ko na si Dane mga pre!" mayabang na anunsyo ni Von kila Ran at Todd habang parepareho silang nasa loob ng isang abandunadong gusali na tinuturing nilang tambayan at teritoryo.

'Be my girlfriend or else...' Hindi niya naiwasan ang mapangisi sa ginawang pananakot kay Dane kaya niya napapayag ito.

'Good girl...' sabay halik niya sa pisngi ng babae.

"Pre, baka naman... kapag nagsawa ka na, sa akin naman oh!" Napalingon siya kay Todd at kanya itong binatukan.

"G*go, akin lang 'yon! At saka bakit ko pagsasawaan? Kung first year highschool pa lang tayo. Pantasya ko na 'yon?"

"Oo nga!" sangayon naman ni Ran habang tumatawa.

Samantala walang kamalay-malay ang tatlo na kanina pa sila pinagmamasdan ng lalaking may kulay pulang mata. Nanlilisik ang mga tingin nito sa galit. Hanggang sa... hindi na ito nakapagtimping lumabas sa pinagtataguan.

"Uy! Lonely boy!" may halong gulat na saad ni Von matapos makita si Aquiro na naglalakad papalapit sa kanila.

"Aba, aba ginagawa n'yan dito?" takang tanong naman ni Todd na napatigil sa pagsisindi ng sigarilyo.

Lumapit naman sa kanya si Ran at bumulong. "Baka naghahanap ng sakit sa katawan pre." Nagkatinginan ang dalwa at parehong natawa.

"Naliligaw ka ata?" mapang-asar na tanong ni Von kay Aquiro. Binugahan pa niya ito ng usok sa mukha at kanyang nginisian.

Ngunit nanatiling walang imik si Aquiro habang madilim ang tingin. Matapos niyang maihatid kanina si Dane ay kaagad niyang sinundan ang tatlong ito.

Kung napapalampas niya ang pambubully ng mga ito sa kanya...

Pero pagdating kay Dane? Hindi, dahil wala yata siyang kayang palampasin.

At hindi siya makakapayag na lumipas ang gabi na hindi siya nakakaganti sa ginawang pambabastos ng mga ito kay Dane.

"Oh, ano papalag ka na?" maangas na tanong ni Von. Binitawan nito ang hawak na sigarilyo at inapakan bago binalik ang tingin kay Aquiro at ngumisi.

"Ano ba't di ka nagsasalita?! Pipi ka talaga eh 'no?" napipikon ng sabi ni Todd at nakahanda ng manuntok.

"Easy lang mga pre, langgam lang naman itong ugok na 'to sa 'tin," sabat ni Ran at pasimpleng kinuha ang baseball bat sa gilid.

"Ikaw, pasalamat ka ha? At nakakapagtimpi pa ako sa 'yong wag kang patulan. Pero kung hindi ka lang naman talaga pinagtanggol ni Dane, wala kaming balak na tigilan ka!"

"At alam mo? Si Dane? Kapag hindi pa rin siya tumupad sa usapan namin..." Isang nakakalokong ngisi ang gumuhit sa labi ni Von at saka nagpatuloy. "Pasensyahan na lang pero..."

"Ano?" nanghahamon na tanong ni Aquiro.

Humagalpak ng tawa ang tatlo. "P*tcha, marunong ka pa lang magsalita?!" Si Todd, habang tumatawa.

"Papalag ka na, hah?" maangas na tanong ni Von at kwenelyuhan si Aquiro paangat bago niya ito tinulak ng malakas.

Muling binalot ng tawanan ang paligid matapos matumba ni Aquiro. "Lampa ka naman pala eh."

"Tapang mo, pumasok ka pa talaga sa teritoryo namin. Ano akala mo makakalabas ka pa dito ng walang galos?" Si Todd at tinadyakan sa mukha si Aquiro.

Susundan pa sana ito ng hampas ng baseball bat ni Ran nang mabilis ni Aquiro'ng nahawakan ito. Napaatras ang tatlo sa gulat nang biglang nagkulay pula ang mga mata ni Aquiro, at nagliliyab ang tingin sa galit.

Unti-unti ng tumayo si Aquiro habang hawak ang baseball bat. Walang atubiling sinugod niya ng hampas ang tatlo sa iba't-ibang parte. Sa bilis ng pangyayare, hindi nakalaban ang tatlo, bumagsak ang mga ito na dumadaing sa sakit.

"T-tama na..." nagmamakaawang sabi ni Von, hirap na hirap na ito sa pagsasalita.

Napangisi si Aquiro sa narinig at pinagmasdan ang tatlong halos maligo na sa sariling dugo.

"Stay away from her kung gusto n'yo pang mabuhay," nagbabantang sabi ni Aquiro. Sabay sabay naman tumango ang tatlo sa takot na patayin sila ni Aquiro.

Owned By A VampireWhere stories live. Discover now