Seven

10K 351 8
                                    

Mabilis na nagtayuan ang balahibo ko sa sobrang kilabot. Maraming pulang mata ang nakatingin sa'kin! Lahat sila ay mapuputi at makakapal ang kasuotan. Nakapalibot sila at pawang estatwa dahil hindi manlang gumagalaw.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Aquiro sa kamay ko. Naglakad na kami papunta sa gitna ng centro. Doon ko naaninag ang babaeng nakaupo sa gintong upuang trono.

Napalunok ako ng magtama ang paningin namin. "Syna..." tawag ni Aquiro ng huminto kami sa harap ng trono. Hindi ko mabasa ang paraan ng pagtitig sa'kin nitong babae. Sa hitsura niya ay mukhang hindi nalalayo kay Aquiro. Maputi at makapusod ang mahabang buhok niya. Maliit ang mukha at mapupula ang labi. Naitim na mahabang damit.

At kung ganon siya pala si Syna.

"Iroh, anong ibig sabihin nito, Sino ang mortal na 'yan?"

"She's Dane, my bride." pakilala ni Aquiro. Nakita ko ang pag-angat ng labi ni Syna.

"Sigurado ka bang siya na' yon?"

"Yes..."

Medyo kumot ang noo ko sa usapan nila. "Mabuti naman."

"Kinagagalak kitang makilala" baling sa 'kin ni Syna habang nakangiti at lumapit.

Nag-alinlangan pa akong abutin ang kamay nitong nakalahad. "Hello, po." nahihiya ko pang sabi.

"Syna, ihahatid ko lang siya sa kanyang silid." sabat ni Aquiro.

Hinawakan niya ako sa braso palabas ng centro.

"Teka! Wait Aquiro!" Pigil ko at huminto siya.

"What?"

"Anong what? Anong ihahatid sa kwarto?"

Kumunot ang noo niya na para bang naguguluhan. Err. Ang slow hindi niya ba nagegets na kailangan ko umuwi?

"Uuwi na ko Aquiro dahil pauwi na si Keil paniguradong mag-aalala yon kapag hindi niya ako naabutang nasa bahay "

"No, i don't care!"

"Ha?" Napaamang ako.

"I said no!"

"Pero h---" hinarang niya ang daliri niya sa labi ko dahilan para hindi ko matuloy ang sasabihin.

"Enough with your buts, let's go!"

Hindi nako nakapag-salita nang dalhin niya ako sa isang silid.

"Wow!" Bulaslas ko habang nililibot ang paningin sa buong silid. Halos kasing laki ito ng apartment kong tinutuluyan. Doble ang laki ng kama. Kulay pula ito at puti, masyadong maaliwalas ang loob nito dahil kulay crema ang paligid. Kompara sa labas na binabalutan ng dilim dahil masyado malalayo ang pagitan ng ilaw. Kakaunti lang ang gamit dito. May kulay pulang sofang mahaba at babasaging bilog na mesa sa gitna. May kulay pulang kadila ang nakahanay at amoy rosas ang buong paligid.

"Do you like it?" tanong ni Aquiro na nasa gilid ko.

"Oo naman! Ang ganda nga e!" Nakangiti kong sabi at umupo dun sa malambot na kama. Napansin ko rin na maraming petals ng rosas sa higaan.

"Good, gutom kana ba?"

"Hindi pa naman," sagot ko habang may naiisip. Ano na lang kaya sasabihin ni Kiel kapag hindi ako umuwi ngayon ng bahay? Papatayin ko siya sa pag-alala. Ito kasing si Aquiro ayaw akong pauwiin.

"Don't worry, bukas na bukas din ay makakauwi kana," biglang sabi ni Aquiro.

Teka! Paanong!

"Mind reader ka ba?" gulat ko pa ding tanong.

Owned By A VampireWhere stories live. Discover now