Thirteen

7.9K 322 55
                                    

TN: Iyong bwisit na bwisit ka sa mga nagdaang chapter tapos magugulat ka bigla pagkabasa mo ng chapter na to' hahaha. Read to find out :) comment you're reactions.

Dane at Multi media ↑↑↑
----

"PAUWIIN NYO NAKO!!!" Halos maubos ang boses ko sa pagmamakaawa, hawak ng dalwang bampira ang braso ko at sapilitan nila akong dinadala papunta kung saan. Kaninang malaman ko ang lahat ay agad ako pinadakip ni Deves sa mga bampira.

"Kayo na ang bahala sa kanya, patayin niyo at itapon" ani ni Aquiro nakasunod at hindi tumitingin sakin.

Hindi ako makapaniwala, na iyong mga salitang iyan ay maririnig ko kay Aquiro. Naisahan niya ako at iyon ang pinakamaling nangyare dahil hinayaan ko.

Tumingin ako kay Aquiro pigil hikbi ako habang umaagos ang mga luhang nagsalita. "A-anong kasalanan ko..s-sayo..Aquiro? B-bakit ako? Paano na mo nagawa sakin to?" Sunod sunod kong tanong at natigilan siya.

Doon lang niya ako tinignan sa mata at kagaya ng simula hindi ko mabasa ang iniisip at sinasabi ng mga mata niya pero may isa akong nasisigurado at hindi ako maaring magkamali na nakikita ko ang pagsisi niya at mas umagos ang luha ko, tuloy tuloy kong sinabi ang mga nais kong sabihin.

"ITO NA BA ANG TOTOO AQUIRO HA!!!!??? MAY TOTOO PA BA DITO?! IYAN NA BA IYONG TOTOONG IKAW!!?..SIGE PATAYIN NYO KO!!! DAHIL MAS PIPILIIN KONG MAMATAY NALANG KAYSA MANATILI DITO KASAMA ANG MGA NILALANG NA GAYA NYO!!! LALONG LALO KANA AQUIRO!!!!" Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob masabi ito.

Umiiyak akong tumingin sa kanilang lahat. Kay Xen, Deves at Syna. Pareparehas silang mapagpanggap at manloloko.

"Kaya pala ganon mo nalang ako tanungin noon..Aquiro, sa isang bagay na paano kung ang lahat ng ito'y kasinungalingan..na paano kung may malaman ako sa'yo sa totoong ikaw...well salamat ha!? You're a great pretender bukod sa pagiging bampira..actor ka rin pala...napaniwala mo ako and to answer your question mula sa tanong mo noon! Binabawi ko na ang sagot ko Aquiro..hinding hindi na ko magtitiwala sa isang katulad mo!!"

Naging pula ang mga mata niya. Kung dati ay halos kamanghaan ko ang mga bawat bagay sa kanya ngayon ay hindi ko magawa sa sobrang galit at pagkasuklam. "A-akala ko iba ka..sana..una palang sinabi mo na ang totoong pakay mo..ang sakit Aquiro...sobra..ngayon pang alam ko na sa sarili ko na hindi lang pala kita gusto..."

"Say it.." nagulat ako ng biglang magsalita siya, seryosong seryoso ang mukha niya at punong puno ng galit habang nanatili ang kulay pula niyang mata.

Nakuha ko naman agad ang pinupunto ni Aquiro, napangisi ako at mapait na ngumiti. "Wala na sanang rason para sabihin ko pa pero sige oo, mahal kita Aquiro..pero nasaktan mo ako..sana hindi nalang kita nilapitan noon, punong puno ako ng regrets Aquiro sa lahat,

wala kang puso saka ano bang alam mo sa pagmamahal." unti-unting naglaho iyong madilim na aura ni Aquiro, saglit itong bumalik sa normal at pati na ang mata niya. Hindi ko mabasa ang paraan ng titig niya sa sobrang dami nitong sinasabi ay ni isa ay wala akong mahulaan.

"If i had a chance to go back from the start, i'll choose not to enter your world...i'll choose not to believe you and stay here...in a world of full of lies"

































"DANE!!!!"

"Jusmeyo! Sa wakas nagising kana rin!!!!"

"K-kiel?" Hirap na hirap ko pang sabi. Pakiramdam ko ay ngayon ko lang muli nagalaw ang labi ko at mga daliri.

"C-couz! Ano bang ginawa mo ha?! Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na wag mong lalapitan si Aquiro! Bakit ba hindi ka nakikinig sakin ha! At sinundan mo pa siya!" Umiiyak na sabi ni Kiel at niyakap niya ako. Nagtaka ako sa pag-iyak niya.

Aquiro?

Doon ko napansin ang mga aparatus na nakabit sakin. Teka..teka ano bang nangyayare? Akala ko ba? Nilibot ko paningin sa buong silid na kulay puti.
Asan ba ako?

"Huhuh! Couz, sobrang nag-alala ako sa'yo akala ko hindi ka na magigising...huhuh! Kahit iyong mga doktor hindi alam kung ano talagang nangyayare sayo"

Hindi ako makapaniwala sa mga nadinig ko. "Anong ibig mo sabihin?" tanong ko habang nagkokonekta ng mga nangyare, ang gulo.

"Halos isang buwan ka ng natutulog Dane...at hindi ka nagigising, sa sobrang alalang alala ko ay agad kitang dinala dito sa Maynila para sila tumingin sa'yo, huhuh! Pero kahit sila ay hindi alam kung bakit ganon.."

Napa-iling iling ako. Impossible parang hindi kayang i-function ng utak ko ang mga sinabi ni Kiel.

"H-hindi ko maintindihan couz..." sabi ko.

"Hindi mo ba naalala? Couz, sinundan mo si Aquiro papunta sa kanilang bahay noon sa gitna ng gubat at masama ang panahon...mabuti nalang at may nakakita sayo, wala ka ng malay at hindi magising" natahimik ako at pilit na inaalala ang nangyare, natatandaan ko ngang sinundan ko si Aquiro at nakapasok ako ng gate ng bahay nila dahil sa mga paniking humahabol tapos ay sinabi niyang 'pag-aari niya ako'
at inuwi niya rin naman ako e..kaya urghh! Ang gulo.

"Huhuh! Dane! Ano bang pumasok sa isip mo ha at naisipan mong sundan 'yon, alam mo bang muntik nakong mawalan ng pag-asang magising ka, huhuh honestly couz trip mo bang matulog talaga ng isang buwan?"

Sumimangot ako nagagawa parin niyang mag-biro..pinagmasdan ko ang pinsan kong si Kiel. Ang lalim lalim ng eye bags siya at halatang hindi siya nakakatulog ng maayos, hindi ko maiwasan ang hindi maawa at makonsensya.

"I'm sorry Couz" humihikbi kong sabi at pinilit na yakapin siya.

"Huhuh! I'm so worried couz, basta wag mo ng uulitin 'yun ha? At magpahinga ka muna"

Tumango ako at pilit ngumiti. Napaisip ako posibleng iisa lang ang ibigsabihin nito.

Hindi totoo ang lahat na nangyare ng makapasok ako ng mundo nila Aquiro at higit sa lahat ang pagsisinungaling niya ay kabilang lang sa mahabang panaginip na nangyare.

Pero bakit?

Bakit nga ba ako nakatulog ng halos isang buwan?

Ano ba talagang nangyare ng sundan ko siya?

----

Hahaha! Ano kamusta ang Update ko? Naloka ba kayo? Nakakaimbyerna ang kwentong to' hahah. Hindi ko nga alam kung bakit ganto ang gusto kong maging flow hahah! Pero thanks sa mga nagbabasa ha? So, ano guys? Galit pa'rin kayo kay Fafa Aquiro? Hahah. Nawa'y nagustuhan nyo ang update ko, comment, vote and follow me.

May page po ako sa Fb just search: CrystalineG WP (Follow & Like my page for more info)

Hanggang sa susunod uling UPDATE :D godbless all. Thank you.

Owned By A VampireWhere stories live. Discover now