EPILOGUE

12.1K 363 52
                                    

"Hayaan mong ipakilala kita sa mundo ko"

Hawak hawak pa rin ni Aquiro ang aking kamay habang naglalakad papunta sa kanilang bahay.

Gayon pa man ay abot abot ang kabang nararamdaman ko bagay na parehas noong pasukin ko ang mundo niya sa panaginip ko.

"Dane, wag kang kabahan iba sila sa napanaginipan mo"

Tumango lang naman ako at unti-unti nyang binuksan ang pinto.

"Wow.." Iyon lang ang nasabi ko matapos bumungad sakin ang napakagandang kastilyo.

Hindi ako pwedeng magkamali dahil ganitong ganito ang mundong bumungad sakin sa panagip.

May isang mahabang tulay sa gitna ng isang ilog na sobrang linis. Sa dulo nito ang isang katilyo na pinapalibutan ng nagtataasang puno at mga kabahayan.

Hindi nawala ang pagkamahanga ko habang unti-unti ko na itong natatanaw sa malapitan. Isang bagay lang ang naging malayo sa nangyare sakin sa panaginip. Iyon ay kung gaano kakulay ang mundo nila Aquiro.

Kumpara sa aking panaginip ay nababalutan ng madalim na aura ang buong paligid kung anong dilim noon ay siya naman ang liwanag ngayon.

Hindi ko napagilan ang mangiti, ang kabang aking naramdaman ay unti-unting naglaho at naging kalmado, nakakatuwang pagmasdan ang mga bampirang nagkakasiyahan. Maihahalintulad mo sila sa mga mortal na tao base kung paano sila kumilos. Pakiramdam ko ay nasa isa akong payapang lugar na hindi ko pagsasawaang balik-balikan.

May mga batang bampirang naghahabulan at sari-saring paninda ang makikita, maraming bampirang nagkalat, ang mga kabahayan ay gawa sa bato sa likod ng masayang kabayanan ay ang kastilyo ni Aquiro.

Hindi nagtagal ay nakarating kaming kastilyo. Sa bungad palang ay sinalubong kami ng mga bampirang kawal.

Habang kaming naglalakad isang binata at dalaga ang humarang samin pawang parehas nakangiti.

"Kuya" bati ng isang binata na hindi nalalayo ang itsura kay Aquiro.

"Deves"

Deves? Hindi ako maaring magkamali siya rin iyong kapatid ni Aquiro, pero malayong malayo ang ugali niya sa napanaginipan ko at iba ang dating niya ngayon.

"Kanina pa kayo hinihintay ni Syna" sabad naman ng dalagang kasama ni Deves at hindi rin ako pwedeng magkamali. Kung anung ganda niya sa aking panaginip ay dobleng ganda niya ngayon sa aking harap.

"Ikaw ba si Xen?" Tanong ko dito.

Isang ngiti lang ang tinugon niya. "At ikaw naman si Dane, ang mortal na iniibig ni Aquiro"

Damang dama ko naman ang pag-iinit ng pisngi ko ng mapatingin kay Aquiro na bahagyang nakangiti sakin.

"Masaya akong makilala ka Ate Dane" sabi ni Deves sakin at nagbow. Medyo nailang naman ako. "Ako rin Dane, masaya ako para sa inyo ni Aquiro" sabi ni Xen at kagaya ni Deves ay nagbow din ito sakin.

Mukhang nahalata naman ni Aquiro ang aking pagkailang. "Masanay kana Dane, natural lang 'yan dahil ikaw ang magiging asawa ko" mahinang sabi ni Aquiro at pinulupot ang kamay sa aking bewang.

Kasama sila Deves at Xen ay naglakad muli kami sa pasilyo papuntang Centro kung saan nandun si Syna.

ISANG mainit na yakap ang binungad sakin ng nanay ni Aquiro.

"Kinagagalak kitang makilala Dane" aniya ni Syna habang hinahaplos ang buhok ko.

"Ako rin po.." Naiilang kong tugon.

"Masaya ako at sa wakas naipakilala kana rin ni Aquiro"

"Masaya rin po akong nakilala ko kayo"

Owned By A VampireWhere stories live. Discover now