Seventeen

8.2K 298 28
                                    

Ilang minuto akong napatitig sa marka ko sa leeg habang napapaiisip kung saan ito nanggaling.

Hindi kaya kagat ito ni Aquiro?

Bigla kong nalang naisip kasunod ng pag-iling iling. Impossible dahil sa panaginip niya lang ako parang kinagat.

Napalabi ako at naalala ang buong panaginip, malinaw na malinaw sakin ang lahat kung paano ako ni Aquiro dinala sa mundo niya at nakilala ko dun si Syna, Deves at Xen na kanyang kasintahan at mapapangasawa.

Kahit na panaginip iyon? Possible bang totoo sila?

KINAHAPUNAN ng pumasok ako sa eskwela agad kong ginala ang mata ko sa room para hanapin si Aquiro.

Ngunit bakante ang kanyang upuan. Nanatili iyon hanggang matapos ang buong klase. Hindi siya pumasok.

Isip isip ko 'yun hanggang sa paglalakad pauwi, medyo gabi na at bilog na bilog ang buwan, tinamad na kong sumakay sa sobrang daming iniisip, kaya na tripan kong maglakad nalang dahil malapit lang naman ang apartment na tinutuluyan namin ni Kiel.

"Hatid na kita" ani ng pamilyar na tinig.

"Aquiro?!" Nasabi ko ng lingunin siya medyo madilim ang bahaging kinatatayuan niya pero nasisigurado kong si Aquiro 'yun.

"Ako nga..akin na to" he said smiling tapos lumapit siya at mabilis kinuha ang backbag ko at umakbay sakin, para naman akong kamatis na namumula.

Natawa si Aquiro at mabilis na humalik sa aking pisngi.

"Mas lalo kang gumaganda kapag namumula ka"

"Ha??" Tanging nasabi ko habang titig na titig sa mukha niya.

Ang korny ni Aquiro.!

"You're beautiful Dane" sabay ngiti.

"Uhmm..since birth pa! Heheh!" Naiilang kong sagot at tumingin sa ibang direksyon.

Bigla siyang naging seryoso habang napapalunok.

At nagulat nalang ako sa sunod na nangyare.

Kinabig ako ni Aquiro at hinalkan sa labi.

Hindi saglit, kondi matagal.

I'm just shocked while he kissing me. His lips was so soft. Parang nalimutan kong nasa daan kami at unti-unting nalang napapikit, nakita ko pang bahagyang nagsmirk si Aquiro at mas lumalim ang halik niya, mas kinabig niya ako habang napulupot ko ang braso sa kanyang leeg.

"I love your lips..." he said

Kinagat kagat niya ang ibabang labi ko saka unti-unting humiwalay.

"Sorry my lovely Dane...i lost my control..bukod sa dugo gusto kong tikman ang labi mo and i guess may bago akong kaaadikan" Then he kiss me again. Halos parehas na naming nakalimutan kung nasan kami. The kiss became more deeper and aggressive na para bang wala ng katapusan.

Pagkatapos ng hindi mapangalanang sandali hingal na hingal na naglayo ang mga labi namin parehas kaming naghahabol ng hininga at dun lang para ako natauhan at binalutan ng matinding kahihiyan habang nararamdaman ko pa din ang labi niya sa labi ko.

"How does it feel?" Bigla niyang tanong. Napaamang ako at bumilis ang tibok ng puso.

"Tell me kung anong pakiramdam Dane.." sabay ngiti niya.

Napalunok ako. Seriously? Tinatanong niya yun?

"Hmmm..." sabi ko at umiwas tingin.

"Hahahah" bigla siyang tumawa at hinalkan ako sa noo.

"Biro lang...sorry" sabay nakangiti siyang umakbay.

Hindi ko alam pero napangiti nalang din ako.

Pagkahatid niya sakin sa apartment laking pasasalamat ko nalang na wala pa dun si Kiel. Marami pa sana akong gustong itanong kay Aquiro ngunit umalis na rin siya agad.

Pumasok ako ng kwarto at naupo sa kama, napalabi ako at tumingin sa salamin saka inalala ang nangyare samin kanina.

I still felt his lips on me. Pawang nakatatak na saking labi at hindi na maalis pa. Ganon kalakas ang epekto sakin ng paghalik ni Aquiro maybe because he is my first kiss.

KINABUKASAN

Nagkaroon ng pagkakataon na makapagusap kami ni Aquiro kahit na medyo na aakwardan ako sa kanya pero marami akong gusto itanong bukod sa pagiiba ko ng kulay at ng marka sa leeg ko, eh kung ano ba talagang meron kami?

Parehas kaming nagtungo sa field at naupo sa silong ng isang puno. Tahimik dito at iilan lang ang mga tao.

"Aquiro..bakit nga pala hindi ka pumasok kahapon?"

"Umuwi ako samin, bakit?" Tanong niya tapos bigla nalang siyang ngumisi.

"Why do you miss me?"

"Ha? Ako?" Sabay turo sa sarili.

"Paano kita ma-mimiss kung nagkita din naman tayo sabay hinatid mo'ko at anu." sabi ko at naalala ang kiss namin!

"What?" Nang-hahamong tinig niya.

Namula lang ako sa hiya ng hawakan ni Aquiro ang kamay ko. "And we kissed" he said kasunod ng pagtawa.

"Aish!" Sabay alis ko ng kamay niya.

"Ganan ba talaga kayong mga mortal..?" Tumatawa niyang tanong.

"Ano ibig mo sabihin?" Nakasimangot kong usal.

Umiling-iling lang siya habang tumatawa parin, para talaga akong nanaginip hindi ko kasi na imagine na ang isang tahimik at masungit na si Aquiro ay ngumingiti at tumatawa ngayon sa harap ko at maraming beses ko na iyong nakita.

Nakakatuwa.

Pagkatapos nagkaroon nang katahimikan sa pagitan namin nailang rin siguro siya sa titig ko.

"Uhmm..Aquiro? Totoo ba si Syna, Deves at Xen?"

"Huh? How did you know them?"

"Nakita ko sila sa panaginip ko.."

Natahimik si Aquiro at parang napaisip.

"Totoo ba sila?"

"Yes, pero kung anu man ang panaginip mo salungat yun sa katotohanan" makahulugang sabi niya.

Kumunot lang ang noo ko dahil di ko ma-gets.

"And until now, you can't still remember what real happen when you enter my world."

"Then tell me.." I begged, dahil gulong gulo nako.

"No.."

"Bakit?" Nanlulumno kong tanong, ganon ba kahirap sabihin ang totoong nangyare?

"Dahil malalaman mo din" pagkatapos nun hindi na nagsalita si Aquiro, hindi ko alam kung anu ang tinatakbo ng isip niya. Kating kati pa ang bibig kung magtanong pero mukhang wala na siya sa mood sumagot.

Napabuntong-hininga na lamang ako. "I'm sorry kung gulong gulo kana, pero sa lahat ng tanong sa isip mo, isa lang ang lilinawin ko sa mga 'yun"

Humarap si Aquiro sakin at ngumiti sabay hawak sa kamay ko. "You're my girlfriend Dane...naiiba man ako sa inyong mga mortal and if you don't mind, i want to court you..please say yes"

"..kahit isa akong bampira at naiiba sayo..gusto ko parin dumaan sa tamang proseso and i'm sorry kung diniclare ko agad na girlfriend na kita" sabay ngiti uli.

Pagkatapos ko marinig iyon ay para akong naging tuod. Sobrang speechless. Si Aquiro? Girlfriend ako and meaning boyfriend ko siya? Tapos ito pa balak niya ko ligawan? Pero diba dapat ligaw muna bago ko siya maging boyfriend? Parang baliktad yata. Hindi pa rin ako makapagsalita parang natuyo ang labi ko at hindi ko maibuka habang siya ay nag-aabang ng sagot.

"I guess it's a yes" sabay halik niya sa kamay ko.

____

Hahahah! Sarap mambitin :P
Comment ur reactions at na fefeel kong ilang chapters na lang at matatapos na ito heheh. Anyway, salamat sa mga nag aabang ng update :D

Please follow: Kuan Ay

-CrystalineG

Owned By A VampireWhere stories live. Discover now