Eleven

7.9K 300 97
                                    

After reading this ano kayang magiging reaksyon nyo? Hahah. Paano kaya mabubuo ang love story nila?

----this is the continuation of last scene.

Para akong nabingi matapos marinig iyon mula kay Aquiro. Wala akong nagawa kondi mapatitig sa kanya habang punong-puno ng tanong sa isip.

"Maiwan ko na kayo" narinig kong paalam ni Xen at mabilis itong nawala.

Huminga ako ng malalim at nag-iwas tingin.

"A-akala ko ba makakauwi rin ako? Kagaya ng sinabi mo?" Nanginginig kong tanong.

Hindi maari ang gusto niya...nila. Dahil may pinsan akong nag-aalala sakin at hinahanap ako.

Umiling lang si Aquiro.

"Aquiro! Iuwi mo na ako please!" Pakiusap ko at tumulo na ang mga luha.

"Dane..hindi maari ang gusto mo"

Umiling-iling ako dahil hindi ko siya naiintindihan.

"B-akit Aquiro?!"

Hinawakan niya ako ng mahigpit sa kamay.

"I want your blood Dane"

"A-ano?" Hindi makapaniwalang saad ko.

"I need you, ilang araw nalang ay  magiging agresibo din ako kagaya ng ibang bampirang uhaw sa dugo at sa kaso ko ikaw ang napili ko Dane.."

"P-pero bakit ako?"

"Dahil kakaiba ang dugo mo kumpara sa ibang mortal"

A Q U I R O

Nakatingin ako sa mahimbing na natutulog na si Dane.

Walang emosyong pinagmasdan ko ang mukha niya.

"Bakit hindi mo pa sinabi ang totoo sa kanya?" Tanong ni Deves na nasa tabi ko.

"Hindi mo ba talaga naiintindihan? Ang lahat ay nasa plano Deves" mariing sambit ko.

"Alam ko, pero hindi ba't ang totoo ay mamatay siya sa oras na makuha mo ang dugo niya?"

"Oo" tipid kong sagot.

"Nakakaawang mortal" nakangising sambit ni Deves.

Tama siya. Mamatay si Dane sa oras na mukuha ko ang dugo niya at ang totoo ay wala rin akong pagtingin sa kanya. Lahat ay isang palabas, kasinungalingan sa madaling salita.

"Pinagseselosan na siya ni Xen" bigla akong natahimik sa sinabi ni Deves.

"Nakapag-usap na kami at alam naman niya na kailangan ko ng matinding pang-unawa para matuloy na ang kasal namin sa lalong madaling panahon"

"At mas maigi siguro Iroh na, isagawa na rin ang pagkuha ng dugo ng mortal na yan ng matapos na ang lahat ng to" suhestyon niya at naglakad na paalis.

D A N E

Hindi ko alam kung ilang araw na akong nanatili dito sa mundo nila Aquiro.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya.

I want your blood Dane.

Ang naiisip ko lang ay kakagatin niya ako sa leeg upang makuha ang dugo? Pero hindi ba't possibleng maging isa ako sa kanila?

Ang maging isang bampira?

Sumimangot ako ng maisip kung sakaling mangyare iyon. Kamusta na kaya si Kiel? Paniguradong nag-aalala na iyon ng sobra.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa suot kong itim na bestida. Kitang kita ang hubog ng aking katawan, lumitaw rin ang natural kong kaputian.

Napaisip ako bigla.

'Hindi na ba talaga ako makakaalis dito'.?

Kung sana nga lang panaginip ang lahat.

Owned By A VampireWhere stories live. Discover now