One

22.9K 531 78
                                    


DANE SAMONTE

"Kausapin mo na ang lahat huwag lang ang lalaking 'yan."

Muli akong napatingin sa gawi ni Aquiro. Tahimik itong nakaupo sa dulo at nakatingin sa malayo.

"Oo na couz." sagot ko araw-araw na kasi 'yan pinapaalala.

"Good, i'll go ahead couz." humalik siya sa pisngi ko bago tuluyang umalis.

Pumasok na ako sa loob ng classroom. Kumunot ang noo ko ng makita ang mga papel na naka-rolyo at binabato kay Aquiro.

"Hoy! Lonely boy! Ilabas mo nga pangil mo at kagatin mo sa leeg 'yung kalbong principal."

Pambubuyo ng mga kaklase ko sa pangunguna ng grupo ni Ran, nakapalibot sila kay Aquiro at nagtatawanan.

Mga immature!

May sabi sabing vampire kuno daw itong si Aquiro nakatira siya sa gitna ng gubat at doon nakatayo ang kanilang makalumang bahay. Pero hindi talaga ako maniwalang bampira siya.

Hello, 2017 na nag-eexist ba talaga ang mga ganang nilalang? Dahil tuloy sa vampire issue tungkol kay Aquiro at sa pamilya niya karamihan ay iniiwasan siya at isa na ako doon sa katunayan ay ayoko umiwas dahil hindi nga akong naniniwalang bampira siya pero dahil sa pinsan kong si Keil ay nagagawa ko ito. Ang iba naman ay binubuyo si Aquiro. Sa totoo lang ay weird nga niyang tao. Napapansin ko iyon sa mga kilos niya. Kagaya nalang ng hindi siya palasalita kung baga magsasalita lang siya ay napakatipid at parating makapal ang suot niyang damit kahit ma-init. Diba ang weird? Kaya ang ending mukha siyang out of the world. Sayang nga eh, mukhang cute pa naman.

"Magsalita ka naman bampira? Totoo bang umiinum kayo ng dugo?"

"Siguro ikaw yung nambibiktima tuwing gabi noh!?"

Nakatitig akong maigi habang nakatingin sa reaksyon ni Aquiro. Parang baliwala lang at wala siyang naririnig. Nanatili siyang nakatingin sa malayo.

Nakakaawa tuloy.

Gusto kong lumapit at suwayin ang mga nanggugulo sa kanya pero may kung anong pumipigil saking gawin iyon siguro dahil na rin sa paalala ni Keil.

'Come on Dane ngayon lang ito, and besides hindi ka naman naniniwalang bampira siya'

Pangungumbinsi ko sa sarili. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko at nakapamewang na naglakad papalapit sa kanila.

"Oh, Dane." gulat na sabi ni Todd habang nakatayo ako sa harap ni Aquiro.

"Weirdo, umurong na ata ang dila mo." aniya ni Ran ang nangunguna sa pambubuyo.

Tinaasan ko sila ng kilay. "Tigilan niyo nga si Aquiro."

Humalakhak silang lahat.

"Dane alam naming maganda kang binibini pero hindi bagay sayong ipagtanggol ang bampirang ito." natatawang sabat ni Von sabay turo pa kay Aquiro.

"Look, Von naririnig mo ba yang sinasabi mo? Vampire? Really? Nagpapatawa ka ba? May patunay ka bang bampira siya? So, please kung wala tantanan nyo na 'yung tao, buti nga hindi kayo pinapatulan." nakikiusap kong sabi.

"Okay sige, basta ba date ang kapalit Dane." nginisian pa ako ni Von at kumindat.

"Deal, basta simula sa araw na ito titigilan nyo si Aquiro " nakangiting sagot ko at sumenyas na magsi-balik sila sa upuan nila.

Good thing at sumunod ang mga ito. Saka ako tumingin kay Aquiro. Sad to say para siyang estatwa.

'Wala man lang pa-thank you'

Owned By A VampireWhere stories live. Discover now