Nineteen

7.4K 258 25
                                    

TN: Sorry kung napakatagal na walang UPDATE. Sorry and thank you sa mga naghihintay. Sa katunayan na wala kasi 'yong plot sa isip ko TT^TT sabihin nalang natin gumulo. May mga scene akong na i-type na hindi dapat kaya ayon nag-isip isip pa ako kung anu ba talaga ang mangyayare. At ito na may UPDATE na rin sa WAKAS! Nakakamiss rin sila Aquiro & Dane d^____^b

Don't forget to comment your reactions and vote, follow.

Also like & follow my FB page:
CrystalineG WP
---

"I love you so much Dane" sambit ni Aquiro sa pagitan ng mga halik. Namumungay ang mga matang tumingin ako sa mata niyang nagkulay pula.

Mga ilang minuto kaming nagtitigan hanggang sa bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang labi. Hindi ko alam kung anong sumapi sa'kin at kinagat ko ang ibabang labi niya habang mas humihigpit ang pagkakapulupot ng braso sa leeg ni Aquiro.

"Dane!" Naitulak ko si Aquiro ng marinig ang sunod-sunod na katok ni Kiel sa mula sa labas ng pinto.

Saglit kong inayos ang sarili bago bumangon. Ginawaran pa ko ng halik ni Aquiro bago siya tuluyang nawala sa paningin ko.

"Nandyan ba si Aquiro?" Agad na tanong ni Kiel na kinagulat ko.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Sagot ko at pilit di ipinapahalata ang totoo.

"Hindi ako tanga Dane, mabibilis ang bampira kaya magsabi ka ng totoo nandyan ba siya?"

"Wala! At kung nandito man siya ano naman ngayon sayo!?" Sigaw ko at parehas na kinanlaki ng mata namin.

Tinignan ako ni Kiel ng seryoso. "Ano bang meron sa Aquiro na 'yan para magustuhan mo? Dane, ganon nalang ba sayo kadaling kalimutan ang lahat at gustuhin ang taong isa sa pumatay sa mga magulang natin?"

Huminga ako ng sobrang lalim.
"Dahil siguro hindi ako naniniwalang magagawa 'yun ni Aquiro"

"Layuan mo siya"

"Sa tingin mo ba ganon lang kadali Kiel?" Tanong ko.

"Sabihin mo nga sakin Dane gaano ba kaimportante sayo ang Aquiro na yan?"

Bigla akong natahimik. "Diba hindi ka makasagot"

"Importante siya sakin" madiin kong sambit.

Sarkastiko siyang natawa. "Easy as that? Importante na? Paano naman 'yung mga magulang natin basta namatay lang, ganon ba?"

"Tingin ko 'yang si Aquiro ang makakasira sa samahan natin, kung ayaw mong tuluyan tayong magkasira, layuan mo siya"

"Hindi moko kailangan takutin Kiel, hindi ganon kadaling sundin ang gusto mo"

"Hindi kita tinatakot" Sabay ngisi niya.

"Bahala ka basta sinabihan kita" pagkatapos nun ay naiwan akong nakahabol ng tingin kay Kiel.

Sunod na mga araw ay hindi kami nito nag-usap. Maghapon lang akong nagkukulong sa kwarto at nagiisip.

Hindi ko naman masisi si Kiel kung bakit ayaw niya kay Aquiro. Pero ano bang magagawa ko kung alam ko sa puso't isip ko hindi ko kaya siyang layuan pa.

TANGHALI na ng makapagdesisyunan kong bumangon para kumain. Bahagyang nagsalubong pa ang kilay ko ng mahigip ang sarili sa salamin.

Tinignan kong maigi ang sarili. Alam kong malaki ang nagbago sa kulay ko at pula ng labi kumpara sa totoo kung kulay.

Parang kagaya ng kay Aquiro!

Hindi kaya?

Biglang bumilis ang tibok ko sa hinala.

Owned By A VampireOnde histórias criam vida. Descubra agora