Eight

9.2K 389 10
                                    

"XEN." tawag ni Aquiro sa babaeng pumasok.

Medyo napayuko ako ng magtama ang paningin namin nitong babae.

"Pwede ba kitang maka-usap?" Seryosong tanong niya kay Aquiro at bahagyang sumulyap muli sa 'kin.

"For what?" sagot ni Aquiro dahilan para mabaling ang tingin ko sa kanya.

"I'll tell you just come with me," sagot ni Xen na bahagyang tumaas ang gilid ng labi.

Muli akong napatitig dito, doon ko lang napagmasdan ang kabuuan ng mukha niya. Maliit ang mukha at bilugan ang mata, ganoon din ang kulay ng balat at pula ng labi nito. Tapos sobrang puti...ang ganda niya.

"Okay, let's go." Si Aquiro at agad siyang lumapit kay Xen at inakbayan ito.

"I'll be right back," baling ni Aquiro sa 'kin bago sila tuluyang lumabas ng silid.

Naiwan akong nakaamang at nakatingin sa pintong nilabasan nila.

Bumuntong-hininga ako at binagsak ang sarili kama. Pinag-krus ko ang daliri ko at tumitig sa ilaw mula sa kisame.

Mag-kaano ano kaya sila?

Ilang sandali pa ay bumalik na si Aquiro.

"Bakit may dugo ang gilid ng labi mo?" taka kong tanong nang makita ko ang tumutulong dugo mula sa labi niya.

Mabilis siyang tumalikod at pinupunasan iyon.

"It's not blood." masungit niyang sabi nang humarap muli.

"Hmm, okay," sagot ko habang may naiisip.

Alam ko naman kung dugo o hindi bakit ba kailangan niya pang-itanggi?

Hayy. Hayae na nga!

"Aquiro!"

"What?"

"Gutom nako," nakasimangot kong sabi habang nakahawak sa tiyan kong kanina pa kumukulo.

Nakita ko siyang ngumiti kaya napangiti din ako.

"Tara." at naglakad kami palabas ng silid.

***

"Anong lugar to'?" tanong ko habang nililibot ang paningin sa buong paligid. Napakaraming puno ng prutas at kung anu-ano pang tanim.

"Wala.." sagot niya.

"Huh?"

"I mean walang pangalan ang lugar na 'to." paliwanag niya.

"Ganon ba, pero ang cool kasi merong mga gantong pagkain sa mundo n'yo," nakangiti kong sabi.

"Hindi rin..sige na pumili ka na ng gusto mong kainin."

Ngumiti na lang ako at itinuro ang pulang mansanas at ubas.

Madali lang itong napitas ni Aquiro dahil mababa lang ang mga bunga nito. Naupo kami sa ilalim ng puno para kumain.

"Slowly.." suway niya nang simulan kong lantakan ang mansanas.

"Heheh--sorry!ang sarap kasi dahil sariwa," ngumunguya kong sabi at nag-peace sign pa.

Natuwa ako dahil ngumiti siya habang na-iiling.

Sana palagi na lang siyang ngumingiti.

"Gusto mo?" Inalok ko siya ng ubas.

Agad siyang umiling at tumingin sa malayo.

Ano kayang iniisip niya?

"Aquiro.."

Owned By A VampireWhere stories live. Discover now