Twenty

8K 287 27
                                    

Dedicated to: JhennyBeeBieber
Thanks for ur non-stop support. ♥



DANE

Lumipas ang mga araw kakaibang pakiramdam ang nanalatay sa sistema ko.

Isang pakiramdam na hindi normal at naghahanap. Kakaiba at nakakapanibago.

Hindi pa rin kami nagkakaayos ni Kiel dumagdag pa ng muli kaming magkasagutan at nasaktan ko siya... isang pangyayare na hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon. Na kaya kong magawa sa kanya iyon sa kabila ng mga ginawa niya para sakin. Ang masakal ko siya at muntik mapatay.

Isang rason kung bakit pinili kong i-distansya ang sarili dahil sa nakita kong takot sa mga mata ni Kiel sa ginawa ko.

Mas lalo akong naguluhan sa sarili. Ilang araw na rin akong hindi pumapasok at nagkukulong sa kwarto dahil sa mga kakaibang pagbabagong nangyayare sakin at bumabagabag.

Kung ano nga ba talaga ang nangyare ng pasukin ko ang mundo ni Aquiro?

Kung bakit kakaiba ang kilos ko? At masyadong malakas ang pakiramdam.

Sa sobrang daming tanong. Namalayan ko ang sariling bumabyahe pauwi ng probinsya.

Apat na oras ang lumipas ng makarating ako, agad akong nagtungo papunta sa lugar ni Aquiro.

Isip-isip kong ilang araw siyang hindi nagpakita sakin.

Napayakap ako sa sarili ng umihip ng malakas ang hangin. Bahagya pa akong tumingala sa langit na unti-unting dumidilim.

Binilsan ko ang lakad kahit masukal ang daan at mabato. Tanging paghampas lang ng puno at kulig-lig ng hayop ang ingay na maririnig.

Natatandaan ko pa iyong araw na masama ang panahon at lakas loob kong tinahak ang daan na ito para lang sundan si Aquiro.

Parang gantong ganto rin..

Nahinto ako sa paglalakad ng maramdaman na parang may nakamasid sakin. Luminga-linga ako sa paligid.

"Hindi ako natatakot sayo" lakas-loob kong sabi.

Humugot ako ng malalim na hininga at nakiramdam ngunit wala naman. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at padilim ng padilim ang paligid.

Saglit pa ay humangin ng malakas at bumuhos na ang malakas na ulan.

Tumakbo na ako hanggang sa unti-unti kong natatanaw ang malaking gate ng bahay nila Aquiro.

Gaya noon napapalibutan ito ng nagtataasang puno ang bahay nila.

Namamanghang naglakad ako papasok. Luma ang disenyo ng bahay nila Aquiro. Patay ang kulay nito at madilim ang aura.

Nakapasok nako ng gate ng bahay ng mahinto ako ng makita ang isang taong nakaitim at nakatingala sa bahay.

"S-sino ka?" Kinakabahan kong tanong. Nakatalikod siya sakin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng unti-unti siyang humarap ng may ngiti sa labi.

"AQUIRO!?"

"Ako nga" sagot niya. Nakatitig lang ako sa itsura ni Aquiro. Hindi ko alam kung bakit nasasabik ako...kung bakit parang nauuhaw ako...at si lang Aquiro ang makakapagpuna nun.

Ano bang nangyayare sakin?

Bakit ganito ang mga naiisip ko?

Ang dating pa niya ngayon ay iyong Aquiro'ng nakilala ko na balot na balot ng itim at makapal na kasuotan.

Owned By A VampireKde žijí příběhy. Začni objevovat