Eighteen

8.1K 287 35
                                    

Mula ng sabihin ni Aquiro liligawan niya ako ay mas naging malapit kami sa isa't-isa katulad ng mga lalaking na nanliligaw lagi siyang nagbibigay ng mga bulaklak,chocolates at kung anu-ano pa, hinahatid niya rin ako pauwi.

"Oh, ano na naman yan?" Sabay tupi ko ng librong hawak at ipinatong sa table.

He smiled.

"Close your eyes" utos ni Aquiro at pilit ko naman sinisilip ang bagay na nakatago sa likod niya.

"Aish! Dane.." Sabay simangot niya, dahilan para matawa ako.

"Pftt. Okay ito na pipikit na" nakangiti akong pumikit habang hinihintay ang sunod niyang gagawin.

"Open your eyes"

Unti-unti akong nagmulat at bumungad sakin ang bounch or pink rosses na hawak hawak ni Aquiro. "For you"

Nag-iinit ang pisngi kong inabot iyon at ngumiti. "Thankyou"

"Let's eat" tumango ako at pinapanuod siyang nakangiting inihahanda ang dala mga niyang pagkain. "You made this?" Tanong habang napapalunok sa amoy ng mga pagkaing nasa table.

Pork barbeque, green rice and macaroni salad?

"Yes"

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Bampira nagluluto? For real?

Wow!

"Just eat" wika niya at nagulat ako ng subuan ako ni Aquiro.

"Ang sarap ng luto mo" ngumunguyang saad ko at sumubo pa ng macaroni.

"Finish your food before you talk" pagsusungit niya.

Sumimangot lang ako at tinapos ang pagkain. Pagkatapos nun ay nagkwentuhan pa kami ni Aquiro about sa school saka kami bumalik ng room para sa panghapong klase.

"Akin na bag mo"

"Huwag na ano ka ba"

"Please.." Pangungulit ni Aquiro habang nakangiti. Wala naman akong nagawa kondi ibigay ang bag ko. Napapa-oo yata ako sa ngiti niya.

Napagpasyahan naming mag-lakad nalang pauwi tutal maaga kaming pinauwi ng teacher namin.

"Aquiro..may tanong ko"

"Ano?"

"Bakit ang sungit mo sakin nun?"

Tinignan ko ang mukha ni Aquiro bahagyang umangat ang sulok ng labi niya at pagkuyaw ay natawa. "I'm not"

"Ha? Anong hindi?"

"Dahil ganon talaga ako Dane"

"Baka moody in short" sabi ko at sumimangot.

Natawa lang siya at inakbayan ako. Papasok na kami ng compound ng mahinto ako at natanaawan ang pamilyar na tao.

"What's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Aquiro at sinundan din ng tingin ang direksyong tinitignan ko.

Papalapit siya samin at unti-unting inalis ni Aquiro ang kamay sa balikat ko.
"K-kiel.."

"Ano to?" Madiing tanong ni Kiel at bumaling kay Aquiro saka binalik uli ang tingin sakin.

"Bakit kasama mo siya?"

"M-mag kaklase kami couz" napapalunok kong sagot.

"Oo nga e..pero ano to? Bakit magkasama kayo?"

"Couz!"

"At ikaw! Lumayo layo ka sa pinsan ko!" Nakadurong sigaw ni Kiel kay Aquiro.

"Halika!" Mahigpit akong hinawakan ni Kiel sa braso at hinila paalis.

Owned By A VampireWhere stories live. Discover now