Nine

8.4K 329 18
                                    

"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ni Aquiro. Nakahiga nako sa kama habang siya ay nakaupo sa single na sofa at may hawak na libro.

"Sorry hindi kasi ako makatulog," sagot ko dahil sa totoo lang namamahay ako. I mean hindi ako sanay at gusto ko matulog sa bahay.

"Gusto mo bang tabihan kita?"

Nanlaki ang mata ko matapos sabihin iyon ni Aquiro. Tumayo siya at lumakad papalapit sa'kin. Napalunok ako ng magtama ang mga mata namin. Napaka-amo ng mukha niya.

"Ha??"

"Why? Ayaw mo ba?" Inosente niyang tanong.

"H-hindi naman..p-pero s-seryoso ka ba?" Utal-utal kong tanong.

"Oo..mukha bang hindi?" sabay ngiti niya.

Jusko! Parang mahihimatay ako sa ngiti niya. Yung mga tuhod ko parang biglang nanlambot.

"Are you okay?" He suddenly asked.

"Ha?" Hala anu ba 'tong nangyayare sa'kin?

"Namumulta ka..kaya tinatanong ko kung okay ka lang?" sabi niya at duon lang para ako muli nabalik sa reyalidad.

"Oo naman, ayos lang ako."

"Okay, let's sleep." he said.

Tumango ako at humiga na kami parehas. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Katabi ko ngayon sa kama si Aquiro. Hindi ko mapigilan ang hindi mailang at mahiya.

Nakatingin lang ako sa kanyang nakatitig sa malaking ilaw parang ang lalim-lalim lagi ng iniisip niya.

"Huwag kang mahiya sa 'kin."

Aish! Nababasa niya nga pala iniisip ko.

Then he hold my hand.

"Dane.."

"Hmm?" Pinaglaro niya ang palad namin.

"Can I ask you a questions?" Saka lang siya muling tumingin sa mata ko.

"Sure!" sagot ko at napalunok.

Sobrang lapit ng mga mukha namin, idagdag mo pa iyong titig niyang parang nanlulusaw.

"Dane..do you trust me?"

Bahagyang nanlaki ang mata ko dahil hindi ko inaasahan ang tanong niya.

"Uhmm..o-oo naman! Heheh!"

Tinitigan ako ni Aquiro ng mabuti sa mata na para bang binabasa kung nagsasabi talaga ako ng totoo.

"Are you sure? Even you don't know everything about me?"

Ako naman ngayon ang tumitig sa mukha niya. He so serious.

"Oo naman Aquiro saka makikilala pa naman kita diba?" Sagot ko sabay ngiti.

"Yeah, but what if i did something wrong?"

"Ha?? Ano bang klaseng pagkakamali?"

"Uhmm what if i lied to you?"

Sandali akong natigilan.

"What if.. you found out something about me...the real me and all these happening now are all LIES? do you still trusting me...Dane?"

Lumunok ako saka nagsalita. "Huh? What do you mean by that? Are you saying na ang lahat ng nangyayare ngayon ay walang totoo? At hindi kita naiintindihan Aquiro"

"Nevermind...just forget it." he said and looked away.

Matapos nuon hindi nako kinausap ni Aquiro. Nakatalikod siya ng higa sa akin habang ako naman ay pinagmamasdan siya.

Sa totoo lang iniisip ko pa rin 'yung tinanong niya kanina at mga sinabi...

Na paano nga kung ganon?

---

Owned By A VampireOnde as histórias ganham vida. Descobre agora