Chapter 2

220 1 0
                                    

"Veron, a-attend ka ba ng party?" tanong ni Rosita ng hapong iyon.

Kasalukuyang nagkakape si Veronica sa veranda ng mansion ng maabutan ng mommy niya.

Nilingon niya ito, saka tumitig ng mataman.

Bumuntonghininga si Rosita dahil sa titig ni Veronica.

"I'm sorry, I understand kung hindi ka sasama sa akin..."

"No," putol ni Veronica sa iba pa sanang sasabihin ni Rosita. "Sasama ako, Mommy." Ngumiti siya rito.

"Sigurado ka ba, iha?" tanong ni Rosita sa nag-aalalang boses.

Nilagay ni Veronica ang tasa na may lamang kape sa maliit at pabilog na mesita roon. Saka hinawakan ang dalawang kamay ng ina-inahan nito, at ngumiti sabay tango.

"Of course, Mommy. Kaya lets go, mag prepare na tayo at baka ma late tayo. It's already 3pm," aniya sa masiglang boses.

Ayaw niyang ipakita rito ang sakit na bumalatay sa puso niya sa tuwing naiisip ang pangalan ni Rafael Madrigal. Ayaw niyang ipahalata sa ina-inahan na may binabalak siya. Ayaw niyang mag-alala ito, at mas lalong ayaw niya na pigilan siya nito dahil alam niyang gagawin iyon ni Roseta.

At saka, blessing in disguise ang party na dadaluhan nila. This is the most awaited moment, na makita niya ang mukha ng lalaking kinasusuklaman niya.

Yes, she never saw that old man, ever since dahil mahirap hagilapin. Pero ngayon, umaayon sa kan'ya ang tadhana. Dahil ito na mismo ang nag-imbita ng demonyo sa bahay nila.

Nagsimula na ngang mag-ayos ang mag-ina, kasama ang mga taong mag-aayos sa kanila.

Veronica looks stunning with her red seductive lace evening gown na hanggang sahig ang haba. V-shape ang harap niyon hanggang sa ibaba ng dibdib niya at kitang kita ang cleavage niya. Backless rin iyon kaya lantad ang makinis at maputi niyang likod hanggang sa baywang. Mas lalo pang na emphasize and na enhance ang curves niya, at ang perpektong balakang niya dahil hapit na hapit iyon doon. Meron rin itong plit sa kaliwang bahagi na kung lalakad siya ay malalantad ang makinis nitong binti. Dinagdagan pa ang nakakaakit niyang ganda ng braided updos hairstyle niya, with her simple makeup yet elegant. She looks so perfect.

She has a purpose of wearing those outfit for tonight's party. This night is a big night for her, because this will be the start.

"Oh my God, Veron, you look so perfectly sexy and stunning. How I wish I could have a perfect curve just like yours." Puri ni Roseta ng makita si Veronica na pababa sa hagdan.

Nginitian niya ito ng tuluyan siyang makababa.

"Thank you, Mommy. You have nothing to envy, you also have a curve. Look at you..." iminuwestra pa niya ang palad niya sa harap nito. "Curvy," dagdag pa niya.

Na totoo naman, hindi nga lang kagaya sa kanya, balakangin kasi siya, na siyang minana niya sa tunay na ina.

"Pero iyang sa'yo nakakainggit, dagdagan pa ng mukha ng mala anghel," aniya ng nakanguso.

"Mommy talaga, nakakarami ka na ng puri, magkaka-cancer na ako sa atay niyan, kasi panay rin ang bukadkad ng atay ko," amuse niyang saad.

Nagtawanan naman ang dalawa. Saka nagkayayaan nang umalis dahil alas sais y' medya na rin ng gabi.

Ilang minuto lang ang tinakbo ng limousine na kinalululanan nila at nasa harap na sila ng napakalaking tarangkahan. Kusang bumukas iyon at tuluyan na ngang pumasok ang sasakyan nila.

Deadly Sin Series: Veronica's love vengeanceWhere stories live. Discover now