Chapter 15

151 3 0
                                    

CHAPTER 15

 NAKATINGIN lang sa kawalan si Veronica habang nakaupo sa silya kaharap ng mesa kung saan naroon ang isang tasa ng kape. Nasa hardin siya ng mga sandaling iyon at hinihintay ang pagdating ng ina-inahan niya.

Hindi pa kasi alam nito na umuwi siya sa mansion. Nasa mall raw ang ina at nagsho-shopping kasama ang mga amega nito.

Ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon ay ang maaring reaction ni Rafael kapag nalaman nitong siya ang dahilan ng hiwalayan ni Xandra at Vince. Lumabas na rin sa mga news ang tungkol sa kasal nila ni Xandra at Vince. At ang dahilan kung bakit. Nalaman rin niyang isang sikat na fasion designer si Xandra sa paris. Kaya  naging matunog sa publiko ang kasal niya dahil public figure pala si Xandra.

Pero hindi pa nila nilabas sa balita kung sino ang babae  ni Vince. Sigurado siyang magugulantang si Rafael oras na malaman niya na may relasyon sila ni Vince. Sigurado siyang siya ang magiging dahilan ng alitan ng mag-ama, sila-sila rin ang magpapatayan sa dulo, lalo na't hindi lang puso nila ang kalaban  nila, isa na rin ang pride nila.

Napangiti Veronica sa naiisip niya, total wala na rin naman siyang pakialam pa sa magiging resulta ng lahat ng ito. Kaya sasagarin na niya kahit pa ikasira rin niya ang lahat ng ito. Isa lang ang mahalaga, magkagulo ang mga Madrigal.

“Tikman mo ang batas ko Rafael Madrigal!” sigaw ng isip niya.

“Veronica…”

Awtomatikong napalingon si Veronica sa gawi ng may-ari ng boses. Ngumiti siya rito saka tumayo para makipagbeso.

“Mommy, I've been waiting for you,” masiglang bati ni Veronica.

Walang imik na umupo si Rosita sa upuan sa harap ni Veronica.

Hindi naman maiwasan ni Veronica na magtaka sa mga kilos nito.

“Is there something wrong mom?” tanong niya rito ng bumalik sa pagkakaupo.

Tinitigan siya ni Rosita sa mga mata.

“Lumabas na news ang nagyaring hiwalayan nila Vince at Xandra. Nasa newspapers, online news at kung saan-saan. Alam kong may kinalaman ka sa nangyayari sa mga Madrigal, Veron," simula ni Rosita.

Medyo nagulat pa si Veronica sa tinuran ng mommy niya.

“What do you mean, Mom?” Pinilit niyang ngumiti para itago ang pagkabigla niya.

“Alam kong ikaw ang dahilan kung bakit usap-usapan ang tungkol sa pag-urong ni Xandra sa kasal nila Vince at pagluluko nito. Pero sana mali ako.”

Inabot ni Rosita ang kamay ni Veronica saka pinisil iyon.

“Tell me, Veron. That I was just overthinking at mali ang mga iniisip ko.” May pag-aalalang nababakas sa mukha ni Rosita.

Nakatitig lang si Veronica nang deritso sa mga mata ni Rosita. Napalunok pa siya bago nagsalita.

“You're right, Mom. Tama lahat ng iniisip mo,” pagkasabing iyon ay binawi niya ang kamay niya mula sa pagkakagawak ni Rosita.

Napapikit si Rosita dahil sa ginawa nitong pag-amin. Nanghihinang sumandal naman si Rosita sa backrest ng ratan chair.

“Veron…”

“I'm sorry Mom, but everything happened…”

“Masaya ka ba? Masaya ka ba dahil may nasira kang relasyon?” Putol ni Rosita sa mga sasabihin pa ni Veronica.

Napatitig si Veronica sa ina, kinakapa niya ang kan’yang puso. Hinahanap niya ang sayang sinasabi ni Rosita. Pero bakit wala siyang makapang saya, marahil dahil hindi pa siya kuntento sa tinamo ng kaaway niya.

Deadly Sin Series: Veronica's love vengeanceWhere stories live. Discover now